CHAPTER 25

1.9K 94 42
                                    

[MANDY'S POV]

Pilit kong pinapakalma ang sarili sa nangyari kanina. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tila may kabayo na nagkakarera sa loob. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumila sa counter upang bayaran ang binili kong libro.

Akmang ibibigay ko na ang bayad ko ng tumanggi ang cashier sa akin.

"Ma'am bayad na po ito" nakangiting saad niya.

"Ha?" gulat na tanong ko.

"Binayaran na po ito nung lalaki. Manliligaw niyo po ba iyon? Ang gwapo at sobrang bango pa. Halatang mayaman. Sobra sobra kasi yung binayad. Eto po oh sukli niya. Hihi." kilig na tanong pa niya habang inaabot sa akin ang sukli.

Kumunot naman ang noo ko sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o maiinis. Halatang type niya yung lalaki. Atsaka wala akong manliligaw. Marites pala to si ate mo girl. Desisyon ka te?

Napakamot ako sa ulo. "Ah ate, sino ba yun? Kilala mo ba?"

Napahigikgik na naman siya. Tumaas naman ang kilay ko. Anong kayang klaseng katol nahithit nito? Masyado siyang high.

"Andun siya ma'am oh" ngumuso siya sa may entrance kay napalingon naman ako.

Pinaliit ko pa ang mga mata kasi hindi ko makita ang tinutukoy niya dahil sa nga taong naglalabas pasok.

"Ayun ma'am yung naka itim na long sleeves, nasa may upuan"

Naka itim na long sleeves? Nanlaki ang mata ko sa naalala. Agad hinanap ng mata ko ang sinasabi niya. Hindi nga ako nagkamali. Si Sandro ang tinutukoy niya. Nakaupo ito sa may mahabang upuan doon at may kinakalikot sa cellphone. Nagtaas ito ng tingin at lumingon sa direksyon ko. Umiwas ako agad at tumingin sa cashier.

"Manliligaw niyo po ma'am? Boyfriend? Mukhang hinihintay niya kayo. Hihi"

Nginitian ko siya at umiling. "Hindi. Salamat"

Dinambot ko ang paper bag at lumabas na. Ang dami niyang tanong. Kamag-anak ata to ni Marites. Lol

Pagkalabas ko, dahan dahan akong pumunta sa gawi ni Sandro para magpasalamat. Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti ng makita ako.

"Ah s-salamat dito" saad ko

"It's not libre" nakangising sagot niya.

"Hala. Sige babayaran nalang kita"

Bago ko makuha ang wallet nagsalita na naman siya. "Dinner tayo"

Naguguluhang tumingin ako sa kanya.

"Jollibee?" nakangiting dagdag niya.

"Ah kasi.."

"Libre mo ako"

Hindi na ako nakapagsalita pa ng hilahin niya ako sa kamay.

Deja Vu.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang may maalala. Dito din mismo sa mall na ito yung hinila niya ako para ipakilala bilang "girlfriend" niya. Pero ang kaibahan ngayon hindi na niya ako girlfriend.

Nang makapasok sa loob naghanap siya ng upuan at napili niyang umupo sa pinakadulo. Nakasunod lang ako sa kanya habang hawak niya ang kamay ko.

Hindi na ako tumanggi pa kasi gusto ko rin naman. Charing!

Nilagay ko sa upuan ang binili ko at umorder na. Habang siya naman ay nakaupo lang doon at nakangiting tinitingnan ako.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now