Chapter 15

29.5K 1.1K 596
                                    

;)

SATT•C#15


Livy
[Ilang araw kayo jan nung boylet mo, Livy?]


Karen asked on our VC. The girls nodded, agreeing to seek answer to her question.


I pursed my lip. Niko went to the bathroom for a while. We're going to ride a speedboat then proceed to swimming after.


"Hindi ko siya boylet," I prepared myself from their loud voices. "He's actually my boyfriend."


Napangiwi ako nang mabulunan si Ren. On duty si Ali kaya wala siya. Louise gasped before giving me slow claps. Si Gale naman tumigil sa paggawa ng NCP niya at humiyaw na para bang may achievement akong na-unlock at sobrang proud niya roon.


[KAYO NA?!] Ren loudly said, nanlalaki pa ang mga mata.


"We just made it official this morning," sabi ko.


[Spill the kwento!] Gale grinned. [Spill the tea-tea.]


Kahit kelan iba tabas ng bunganga nitong si Gale! Wala namang masama sa sinabi niya pero kapag mukha niya nakikita mo at boses niya maririnig mo, nababahiran ng kahalayan yung mga salitang binibitawan niya.


"What? Wala namang maikukwento doon. Besides, it's not a big deal."


[Anong it's not a big deal?! Hoy remind lang kita ha. Ito kauna unahang pinasukan mong relasyon matapos ang ilang taong pagkahumaling mo sa team captain ng La Salle na magpipiloto!] Singhal ni Ren sa akin tsaka agresibong sumubo dun sa churros niya.


[Ang lakas naman ng boses mo! Paano 'yung gigil, mare?] Gale chuckled at her.


"Papakilala ko kayo kapag nagkita-kita na ulit tayo," iniisip ko pa lang, parang naiimagine ko na ang kaganapan. Bahala na si Niko.


[Taray naman! Sa Coron Palawan naging official couple!]


[Nasaan na jowa mo?]


Hindi ko napigilang mapangiti. Gosh! Ang sarap sa ears pakinggan 'yung jowa! Kay gwapo naman ng boyfriend ko. Pinagdarasal ko na sana makahanap rin sila ng kanila. Nakabingwit ako e! Ganda ko lang.


[Delikado ka na sa ngiting 'yan, Livy. Masamang espiritu yan ng peg-ebeg!] Gale remarked and pointed at me.


[Bitter ka lang! Aayaw-ayaw sa relasyon,] sikmat ni Ren sa kanya.


[At least masagana sex life ko! Pero sa relasyon? Ekis ako jan.]


[Darating din ang panahon na hindi lang panty mo malalaglag, sis. Sana handa ka para doon,] pekeng sympatya ni Karen sa kanya.


Gale snickered and looked so afraid and cringed out of the though of her with someone.


[How about the resident doctor you're frequently meeting?] Louise asked with that tone that's teasing.


Halatang natigilan si Gale at parang may pumasok sa isip niya ngunit umiling rin. [Ano ba! Bakit napunta sa akin ang usapan? Mga letse kayo.]



Walangya si Nikolo, nung nahulog ako sa speed boat, tinawanan muna ako mga 10 seconds bago ago nilapitan at tinulungan! Paano kung sa 10 seconds na 'yon may pating?! Edi natikman na nun ang katakamtakam na katawan ko!


"Hanggang ngayon tawang-tawa ka pa? Ganito ba feeling ng may jowa?" Para akong pinagbagsakan ng langit.


Nikolo laughed softly. "Your face was funny."


Sailing Against the Tides (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon