Chapter 18

29.7K 895 364
                                    

.
Happy new year! It's 2022!


Livy
"I miss him already," I whispered.


Time flew so fast. It's been 6 months already since Niko attended back to work. I still have contact with him. He was really trying his best to contact me if he gets the chance to do so. Bawat byahe niya at paglapag ng mga paa niya sa lupa, tinutuon ko ang lahat ng atensyon ko 'pag kausap siya sa video call. However, sometimes we don't get to talk in a day because I'm busy with school works. But we're trying to get through it.


It was a little bit hard to adjust but Nikolo never fails to assure me that I'm loved by him. Nagugulat na lang ako kasi nagpapadeliver siya ng bulaklak sa unit ko. Then he sends someone to deliver me a meal with some notes he wanted to tell me. Those simple efforts were enough to make my heart melt.


We have our December break so I'm currently here in Baguio to be with the three ladies. Si George at Robi sumama rin. Nag-book sila ng condo malapit sa unit ni Ali kung nasaan kami ngayon. Gale went out. May ipo-process daw. Kami lang nila Karen andito.


I went to open the door when the doorbell rang, revealing George and Robi with foods and beverages on their hand. Napapalakpak ako sa saya.


"Siguro pati nunal mo sa kili kili pumapalakpak," Robi smirked before entering.


Nawala ang ngiti sa labi ko at akmang babatukan ngunit nakailag ang pangit. Sumunod si George na humagikhik na parang babae. I frowned because of that. Bumalik na naman sa pagiging beks na beks. Pero ngayon naman ang natural ng pagiging bakla niya.


Tinaasan ko siya ng kilay. Nung napansin niya, tumigil siya sa pagtawa at tinaasan rin ako ng supladong kilay. "Bakit mo 'ko tinataasan ng tingin aber?!"


"Gaga, nung huli, hindi ka naman ganyan umakto. Para ka ngang lalaki e!"


I noticed how he froze. Pero agad nakabawi at sinimangutan ako. "Ilusyonadang 'to! Ang dami mong guniguni sa buhay!"


Robi chuckled on the other hand before walking to where the kitchen is. Sumunod agad si George na inirapan muna ako bago sinamahan si Robi doon. Aba't, attitude!


"Alam mo ikaw George parang may dalawa kang katauhan. May kakambal ka ba?" Pangungulit ko nang makasunod ako sa kanila.


Gulat akong napasigaw nung bigla niyang nabitawan ang hawak na baso kaya nabasag. Maski si Robi ay mahinang napamura. Pagtingin ko sa kanya, nakahawak siya sa dibdib niya at gulat na tila nakakita ng multo.


"Shuta ka girl! Pinagsasasabi mo jan?!" George gasped after dropping the glass.


"OA naman ng reaksyon nito! Napaghahalataan, baka nga may kakambal ka," lumapit ako sa kanya para tulungan siya na linisin yung bubog nung nabasag.


George stopped me. Pinatayo rin ako ni Robi. "Dun ka nga," mahinang tulak niya sa akin. "Baka masugat ka pa. Kawawa yung bubog na makakasugat sa'yo."


I glared at Robi because of what he said. George laughed but there was something different in his eyes that I noticed. Parang kabado. Robi looked at him and shook his head before helping him clean it. George sighed. He turned to me.


"Alis ka nga jan, Livs! Shoo. Sanhi ka ng disgrasya," maarteng sabi ni George.


"Anong ako! Sino ba nakabitaw nung baso?"


"Ako. Pero kung ano ano kasi sinasabi mo, nadistract ako. Kasalanan mo!"


"Baklang 'to! May tinatago ka talaga 'no," pang-aasar ko lalo.


Sailing Against the Tides (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon