Chapter 40

40.8K 1.6K 969
                                    

.


Livy
"To conclude, Mr. Neil Guazon asked me to give him an authenticated copy of the layout and design for the upgraded version of the Carribbean Liner two days ago. One blueprint was reported lost. And a million has been missing from our finances since last week as reported by the finance head officer."


Humigpit ang hawak ko sa summary report na binigay sa akin ni Jaiga. I looked at her after she reported what I told her to keep an eye out for.


"Thank you, Jaiga," tinanguhan ko ang aking secretary.


"Mali talaga ang kutob ko jan sa Neil Guazon na 'yan, Ma'am. Parang may something. Tapos ang baho pa ng hininga niya kaninang umaga. Mukha ngang puyat at walang ligo! Dumistansya pa kaya ako nung nakikipag-usap siya sa akin kasi hindi ko nakayanan 'yung baho, Madam! Amoy imburnal! Alam niyo po 'yun? Grabe na si Neil," naiiling na pagkukwento sa akin ni Jaiga.


I chuckled. "Gumagawa ka na naman ng kuwento, Jai."


"Lah! Hindi po ah! Mabaho talaga! Baka two days ago pa huling sepilyo niya kaya ganoon," bumuntong hininga pa siya na parang naaawa siya kay Neil. "Kawawa naman. Walang siyang matinong oral care."


Sasagot na sana ako pero napatingin ako sa pintuan nang may kumatok at pumasok ang taong dahilan ng pagpalakpak ng pepe ko. I saw Jaiga cover her mouth.


"May hottie po," Jaiga whispered under her breath. She tucked her hair behind her ears and batted her lashes. "Ehem, hi po, Capt!"


"Good morning, Jaiga," Captain Esguerra gave her a small smile.


"Jusmeyo, buo na ang araw ko, Ma'am!" Jaiga nudged me. "Buti pa siya super bango! Nakalimutan ko na 'yung amoy imburnal na bibig ni Neil! Shocks, ang bango ni Capt!"


Hindi ko alam kung pagsasabihan ko ba si Jaiga o hindi pero nakakaaliw kasi. Natawa na lang ako.


"Good morning, love," he smirked when my eyes met his.


"Nawa'y lahat tinatawag na love!" Pinaypayan ni Jaiga ang sarili niya at kinikilig akong sinisiko. Grabe na 'tong secretary ko na 'to!


"Alis na po ako! Baka nahihiya pa na bumati itong boss ko sa'yo Capt kasi ayaw niya mawitness kong marupokpok siya sa'yo. Ay este marupok po!" Nag-peace sign siya at humagikhik.


"Jaiga!" I gasped. Makasabi parang tropa lang a.


Namumula na ako sa sobrang hiya! Ineexpose at pinapahiya ata ako nitong secretary ko sa harap ng ex ko! Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.


Captain Esguerra laughed lowly and walked towards me. Nawala na ang atensyon ko kay Jaiga na umalis nang maupo si Nikolo sa upuan sa harap at tiningala ako.


"Wala bang good morning kiss jan, Miss CEO?"


"Pinagsasasabi mo?" Pagsusuplada ko agad.


I leaned on my swivel chair and raised a brow at him. He scanned my face and smirked after a few seconds.


"If my memory serves me right, you weren't that stuck-up last night," Captain Esguerra pushed his tongue inwardly to the side of his lips.


Inirapan ko siya. "Well, your memory serves you wrong."


His brows furrowed. "Do you want me to make you remember? Right here. Right now."


His eyes went down on the desk.


"Captain Esguerra!" I gasped. Dahil sa gulat at pagkapahiya. Mukha na ata akong kamatis ngayon! "Ke aga-aga, kalat mo ha!"


Sailing Against the Tides (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon