Chapter 19

27.6K 828 507
                                    

.


Livy
"Soulmate ba kita, Nikolo?"


Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko. Nakasandal ang baba niya sa balikat ko habang nakakandong ako sa kanya. We're watching a movie in his unit. Naalala ko lang 'yung sinabi ni Lou tungkol sa nunal.


"Yeah, I think so," he frowned. "It's either me or no one else."


Nang-aangkin, hala.


"Mahilig ka siguro sa kili-kili nung past life mo," I blurted out of the blue. Natatawa na agad ako.


"What makes you say that?"


"There's this belief that your mole is the exact part where your soulmate kissed you a lot. So that means you loved kissing my armpit if you're my soulmate."


"Hmm, probably. That makes sense," he smirked, holding my waist now.


"What are our plans for today?" Sumandal ako sa dibdib niya at hinayaan siyang paglaruan ang mga daliri ko. He left kisses on my neck.


"Mind sharing what's on your mind?" He asked back kaya sumimangot ako.


"Ayokong sabihin. Palagi na lang 'yung gusto ko ang sinusunod mo kaya!" Suminghap ako. "What about what you want us to do this time?"


Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Alam kong naramdaman niya ang matalim na tingin ko sa kanya kaya nag-angat siya ng tingin at bumuntong hininga.


"I'll prefer what you want to do," he started but cleared his throat when I raised a brow. "Fine. What about a dinner date?"


Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya. "Dinner date it is!"


I wore a tight fitting dress, clinging to my skin. It showed my cleavage and bare back. Hindi naman 'to ang susuotin ko pero gusto ko lang asarin si Niko kaya lumabas ako ng kuwarto na ganito ang suot.


"Aalis na ba tayo?" Pasimpleng tanong ko.


Nag-angat siya ng tingin. Pinigilan ko namang huwag humalakhak nang mapansing pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Ang seryoso niyang mukha ang bumusangot. His eyes were filled with adoration but he shook his head.


"You're wearing that?"


Energetic akong tumango. "Yup!" Charot lang!


His eyes went on my exposed legs and cleavage. Four inches above the knee kasi 'yung dress at hantad pa ang likod ko. Sleeveless siya. I can see him trying to stop himself from talking. Gusto niya siguro akong hayaan pero hindi niya napigilan at nailing. Matalim ang tingin sa suot ko.


"Will it be okay if I ask you to change?" He politely asked with that serious face.


"Bakit naman? Hindi ba bagay sa akin?" Ganyan, patay malisya lang self! Kunwari seryoso din ako.


Lumapit siya sa akin at pilit binaba ang suot ko ngunit sa ginawa niya ay lalong nahantad ang dibdib ko. He muttered a curse and fixed it again. Badtrip na siya at lukot ang mukha.


"Can you please change? Your dress is too short and I don't want you showing too much of your skin."


"Anong masama doon? Kalait-lait ba ang balat ko?" Paninita ko. "Excuse me lang ha. FYI, alagang gatas 'to. Kaya smooth and soft! Tsaka makinis! Super!"


"Yeah, and it will stay that way," he said, annoyed. "Now, go back to your room and change or I'll strip you naked instead."


Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Napakurap pa ako bago napaatras. Naningkit naman ang mga mata niya sa akin nang lumayo ako. His eyes speaks finality. Mali pala atang inasar ko 'to.


Sailing Against the Tides (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon