CHAPTER 05

75 69 74
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales and incidents are either products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This chapter may contains triggering content such as: Sexual Abuse, Physical Violence and Self Harm.

Please if you are already not comfortable, you are allowed to stop reading this chapter.


CHAPTER 05

***

Pag dating namin sa Bistro Retro. May naka reserve na agad na upuan. Tumabi na lang ako sa tabi ni Russel katapat ko naman si Engr.


Kumain muna kami ng Dinner tapos umorder lang si Sir Travis ng isang Black label at Mojito.

"Engr. umiinom ka ba?" Tanong ni Sir Travis.

"Hindi masyado Sir, mahina ako dyan e"

So pwede ako uminom siguro naman ipag da-drive ako ni Engr.

Bukod kasi sa hilig ko mag shopping sa watsons hilig ko din ang uminom bilang pang tanggal ng stress.

Maaga din umalis si Sir Travis pero nag stay pa din kami, pinapainom nila Kia si Engr. kaya "Akin na nga yan" sabay kuha sa shot glass na inaabot nila kay Engr. at ako na uminom.

"Di ba sabi ni Engr kanina hindi daw siya masyado umiinom" sabi ko naman kay Kia na gulat pa din sa ginawa ko.

"Ash, saluhin mo din ung akin 'di ko na kaya e" sabi naman ni Vivien.

Sinalo ko na din yung kanya baka bigyan pa nila ng malisya yung kay Engr kaso inagaw sakin ni Russel.

"Ako na sunod sunod na tagay mo dyan"

Tinatamaan na ko ng alak. Konti na lang tutumba na ko. Tumawag na ng grab si Russel para sa iba naming kasama, nag offer din siya na ihahatid niya kami ni Engr.

"Lasing ka na pre, ako na mag drive. Ako na mag hahatid kay Ash." sabi naman ni Engr.

Hindi ko na marinig pinag uusapan nila kasi nilalamon na ko ng antok. Naramdaman ko na lang na may tumulong saking tumayo at inakay ako.

Nagising lang ako nung nag start yung kotse. Pag tingin ko si Ryden ang nasa driver seat.

"Engr! Ako na dyan!" tinapik tapik ko pa siya.

"Wag na, baka huling araw ko na sa mundo pag ikaw ang nag drive."

Biglang may tumawag sakin kaya hinanap ko yung phone ko.

Incoming call from Best

"Hello? Kam-"

Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya kasi naalala ko yung huli naming usapan.

"Hiwalay na kami matagal na! Oh ano okay ka na best? Di ba yun ang gusto mo? Asan ka nung kelangan kita?" napapaiyak na ko habang kausap siya kaya pinatay ko na lang din yung call.

"Okay ka lang?" tanong ni Engr.

"Oo naman ikaw ba naman bugbugin ng boyfriend mo at kung ano-ano pa gawin sayo kahit walang permission mo hindi ka ba magiging okay?" sarcastic kong sagot sa kanya

Nakatingin lang ako sa harapan habang umiiyak ako. Naalala ko ang pinaka mapait na pangyayari na ginawa sakin ni Josh.

Monthsary namin ni Josh ngayon kaya pupunta kami sa bahay nila para mag celebrate, sabi niya andun ang parents niya kaya okay lang na dun kami mag celebrate.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon