CHAPTER 12

53 46 68
                                    

CHAPTER 12

***

Pag katapos namin mag ayos ng gamit namin ay nag pahinga lang kami. Habang tulog pa sila, lumabas muna ko since natatanaw ko na yung beach. Nag lakad lang ako sa may tabing dagat ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ash!!" sigaw ni Russel habang tumatakbo palapit sakin.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko naman kay Russel.

"Gising na ko nung lumabas ka. Kaya sinundan na lang kita baka mawala ka e."

Akala ko pa naman makakapag muni-muni ako mag isa.

"Ash, wala na kami ni Khate." pag share naman ni Russel sakin. "Actually matagal na din, nahulog ako sa iba e" pag pa patuloy niya pero hindi ko pa din siya sinagot.

Kinapa ko ang bulsa ko umasa na nandun yung phone ko para makaiwas ako sa usapan pero hindi ko pala na dala. Asan si Kia sa mga panahon na kelangan ko siya sumingit. Tsk.

"Ash, nahulog na ata ako sa-" pinutol ko siya sa sasabihin niya dahil may pakiramdam na ko kung ano yun.

"Ah Russel, balik na tayo nakalimutan ko yung phone ko e baka may tumawag na importante." hindi ko na inintay sasabihin niya at nauna na ko mag lakad.

Alam ko na hindi titigil si Russel hanggat di kami nag kakausap. Kakausapin ko naman siya regarding dun dahil ayoko masira kung ano meron kami hinahanda ko lang sarili ko dahil ayoko din naman siya masaktan.

Nakita ko sa labas ng Airbnb namin si Ryden mukhang kanina pa may iniintay.

"Kanina ka pa hinahanap ni Kia" bungad naman niya sakin.

"Ash! Bat mo naman ako iniwan! Bihis na tayo. Picture tayo sa beach dali mag swimsuit tayo inggitin natin si Viv. Wag kang KJ. Dali na!" litanya naman ni Kia.

"Ang dami mo naman sinabi papayag naman ako, wala naman nakakatanggi sayo."

Nag suot lang ako ng black na two-piece bikini. Pinatungan ko yun ng maong fitted shorts at isang see-through top na naka tuck-in. Habang nag aayos ako ng buhok nakita ko naman si Ryden at Russel sa may balcony, napailing na lang ako ng hindi man lang sila nag papansinan.

Niyakag din ni Kia si Russel at Ryden, nung naka-ready na ang lahat nag yakag muna si Kia na mag picture picture sa tabing dagat.

Inopen ko ng konti ang see-through top ko para naman makita ung bikini ko sa picture. Nag pose pose pa kami ng kung ano-ano ni Kia.

"Ryden!" tawag ko kay para naman sumali siya sa mga pictures, KJ din nito e.

"Engr! Kayo naman ni Ashley, mukha kayong couple e. Nag usap ba kayo ng susuotin?" pag pilit naman ni Kia kay Ryden para picturan kaming dalawa.

Ngayon ko lang napansin na naka black shorts and white top si Ryden. Mukha tuloy kami nag-usap.

"Ano ba yan! Ang pangit ng kuha ko tuloy! Ang layo niyo naman sa isat-isa! Akbayan mo naman si Ashley! Hina mo naman Engr, boto pa naman ako sayo!" paghiyaw na naman ni Kia, pasmado ata ang bibig nito e!

"Ganyan lang talaga si Kia nawala kasi ung padlock niya sa bibig niya e!"

Nilagay ko na lang ung kamay ni Ryden sa balikat ko ng matigil na si Kia. Mukhang gulat na naman itsura ni Ryden.

"Wala malisya ng matapos na lang di yan titigil, ngumiti ka na lang" bulong ko kay Ryden.

Napansin ko naman na nakatingin lang samin si Russel kaya sabi ko mag group picture kami. After nun nakaramdam na ko ng gutom kaya niyakag ko na lang sila kumain.

"Lagi ka talaga gutom ano" bulong naman ni Ryden nung bigla siya sumulpot sa tabi ko.

"Atleast crush mo pa din." pang-aasar ko na naman sa kanya. Hindi yan makakasagot sa ganyan.

Tumingin lang siya sa malayo at parang nag iisip ng sasabihin niya. Hanggang sa makarating na kami sa isang restaurant. Umorder lang kami ng ibat-ibang klase ng seafood at barbecue chicken.

"Ayaw mo ng seafood? Gusto mo pag balat kita ng hipon?" tanong ko naman kay Ryden ng mapansin na hindi siya kumukuha ng seafood.

"Allergic ako dyan e, pero patikim ng konti lang."

"Kala ko ba allergic ka, wag kana tumikim baka mapaano ka pa." kulit din nito e, titikim pa ng bawal.

"Konti lang naman e" pangungulit niya pa na parang bata, kaya binigyan ko na lang siya ng konti ng mag tigil siya.

"Wag ka mag reklamo sakin pag nangati ka ha!"

"Yes ma!" panloloko naman niya sakin, dahil para daw akong nanay kung mag sermon.

After namin kumain nag yaya si Kia na mag swimming. Bakasyon ata pinunta namin dito e.

"Hindi marunong lumangoy si Ashley, kayo na lang ni Engr. Samahan ko na lang si Ash dito."

"Okay lang Russel sige na sumama kana sa kanila." ayoko naman na hindi siya makapag-enjoy ng dahil sakin.

"Sasamahan na ki-" naputol naman ang sasabihin ni Russel ng sumingit si Ryden. Lagi na lang sila sumisingit sa isat-isa. Baka next time magulat na lang ako nag sapakan na sila.

"Sumama na kayong dalawa, ako bahala sayo Ash." sabay hawak niya sa kamay ko para hilahin ako patakbo sa may dagat.

Sumunod na lang si Kia na tuwang tuwa at si Russel na nakasimangot na naman na parang na agawan ng laruan.

Nung nasa may dibdib ko na ung tubig, nag panic na ko kasi baka mamaya hindi na abot ng paa ko ung buhangin.

"Ryden!! hindi ko talaga kaya babalik na ko dun! Malulunod ako!" pag papanic ko.

Nalunod na kasi ako dati nung bata ako kaya natakot na ko lumangoy. Paano ba naman si Papa, tinapon ako sa malalim na bahagi ng dagat ganun daw matuto lumangoy.

"Kumapit ka nga kasi sakin."

Tsk! Kakapit na sana ako ng may nakita akong alon na paparating kaya yumapos ako sa may leeg niya, pati ang paa ko kinapit ko na sa kanya takot na matangay ng alon.

Nung nabasa na kami ng alon bigla naman kami nag katinginan ni Ryden! Ang lapit naman masyado! kaya bumitaw ako sa kanya.

Kaya napa sigaw ako ng mapalubog ako sa tubig. Naramdaman ko naman na may humawak sa bewang ko para hindi ako malunod.

"Ash! Okay ka lang?" pag tatanong naman ni Russel habang dinadala niya ko papunta sa mababaw na part.

Bumitaw na ko sa pag kakahawak niya nung alam ko na nasa mababaw na kami. "Thanks." nag lakad na lang ako papunta sa Airbnb para makaligo na.

Narinig ko ang ingay sa labas ng CR, sign na nandyan na din sila Kia.

"Hala ka! Engr. Bat kasi dinala mo sa malalim, bibitawan mo lang naman pala ayan nasambot ng iba." panloloko ni Kia, parang may laman lagi sinasabi nitong babae na to e.

"Hindi ko na pansin na nasa malalim na kami. Nakahawak naman ako e, bumitaw siya bigla." sagot naman ni Ryden sa kanya.

"Sinabi ko na sa inyo na hindi marunong lumangoy si Ash, pinilit niyo pa. Wag kasi pilitin kung di kaya ingatan. Wag harangan yung kaya mag-ingat" singit naman ni Russel.

Nasabunutan ko na lang ang sarili ko dahil lahat ng sinasabi nila e parang may hugot, may laman at diin ang bawat salita. May apat na araw pa kami dito ano pa kaya pwede mangyari.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon