CHAPTER 24

11 7 1
                                    

CHAPTER 24

***

Nagising na naman ako sa dahil sa isang masamang panaginip. Kahit ano gawin ko, kahit anong pilit ko na huwag isipin o bigyan ng pansin ang isang masamang alaala. Kahit na pinipili ko na lang sumaya at sumunod sa agos ng buhay hindi pa din nawawala.

Nakapag try na ko ng counselling kay Dra. Laura pero walang nangyari andito pa din at bumabalik lang din.

Nag decide ako na hindi muna pumasok sa araw na ito. Dra. Laura immediately approved when I called her but she insist na kelangan namin mag usap after working hours.

I'm cleaning my room, ginagawa ko lahat para mapagod ako. I need to be tired enough para matulog na lang at wag isipin ang nakaraan. Kahit ang maayos kong closet ay inulit kong ayusin.

Biglang may kumatok sa pinto ko pero hindi ko na pinansin at nag patuloy lang sa pag aayos pero hindi tumitigil ang pag katok na akala mo ay may kung ano nang nangyayari sakin.

I open the door at na gulat na lang ako ng bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni Ryden.

"Ry-- ba--bakit ka nandito? Wala ka ba pasok?" I tried to act normal kahit alam ko naman na hindi mag wowork sa kanya.

"Kasama ko sila Dra. Laura kanina nung tumawag ka kaya sinabi sakin ni Dra. na hindi ka makakapasok at ang sabi niya ay kelangan kita ihatid sa bahay nila mamaya."

"Ah! Ganun ba? Naku! Paano ba yan ang dami ko pa ginagawa."

"Tsaka hindi ka pa nag aagahan, lunch na kaya! Tsk! Wag ka nga pabaya sa sarili! Oh! Ubusin mo yan! Niluto ko pa yan sa baba para sayo"

Napatingin naman ako sa adobo at sinangag na kanin na nilapag niya sa table kaso wala talaga ako gana kumain.

"Hindi pa ko gutom. Mamaya na lang siguro. Salamat."

"Go mag share ka na. Hihiga lang ako dito, nakikinig sayo. Ilabas mo yan, hindi ba sabi ko naman sayo dati na andito lang ako kung kelangan mo ng kausap kahit nga hindi mo kelangan andito pa din ako para sayo." sambit naman ni Ryden.

Tumalikod ako bago mag salita.

"Ryden my life stop noong nangyari ang masamang panaginip na yun. Minsan ba sa buhay mo naramdaman mo yung lahat ng nakapaligid sayo kahit yung mismong sanhi ng masamang panaginip sa buhay mo ay naka move on na at patuloy ang buhay nila? Everything is moving so fast yet pakiramdam mo hindi ka uma-abante. Ganun ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko na pag-iwanan ako ng lahat na kahit anong isipin ko para hindi maisip yun hindi mawala ang pakiramdam na yun. Kahit anong pilit ko wag i-compare ang buhay ko sa iba hindi ko maiwasan. Hindi lahat ng tao hihinto para sakin alam ko yun. Hindi lahat ng tao makakatulong sakin alam ko yun. Hindi lahat mag papakita ng sympathy at sasamahan ako hanggang sa okay na ang lahat. The reality everyone has their own life sadyang tumigil lang ang akin." sambit ko kay Ryden.

Hindi ko alam kung nakatulog ba siya dahil hindi siya sumasagot. Iniiwasan ko din ang lumingon dahil pakiramdam ko bubuhos lang amg luha ko pag nakita ko ang awa sa mga mata niya.

"Hindi tumigil ang mundo mo, buhay ka pa humihinga bakit mo sinasabi na tumigil na ang mundo mo? Bakit sinasabi mo na hindi ka umuusad. Pinili mo mabuhay ibig sabihin hindi mo sinusukuan ang possibility na magiging okay ka din. Sapat na yun. Sapat na yung hope na nandyan sa puso mo. Sapat na yung mga pangarap na patuloy mo pinapangarap. Hindi man okay lahat ngayon. Hindi man masaya ngayon pero magugulat ka na lang isang araw yung sakit, hirap at kung ano pa ang nararamdaman mo mapapawi na lang bigla tapos masasabi mo sa sarili mo na Ay! Na-gawa ko! Na-kaya ko! I'm free. Habang hindi pa nangyayari yun, andito lang ako. Andito pa din ako. Wag mo sarilihin dahil nandito ako." wika ni Ryden.

As expected kay Ryden ko talaga nakukuha yung assurance na everything will be okay. Sa kanya ko na hahanap yung comfort pero at the same time nakakainggit.

"Alam mo nakakainggit ka nga e kasi wala kang problema, wala kang bangungot na gustong takasan." sambit ko.

"Akala mo lang yun, lahat naman ng tao may pinagdadaanan. Iba-iba lang tayo ng pag harap sa problema. Ayoko ng natatalo lalo na kung problema ang tatalo sakin. Ayoko ng ganun. Tapos na ko sa ganun." he said.

"Thank you ha kasi lagi kang nandyan para sakin at hindi ka nag sasawang marinig ang ka dramahan ko sa buhay. Pasensya ka na ha nag ka gusto ka pa sa kagaya ko. Feeling ko hindi ako worth it. Feeling ko ang unfair ko."

"Gusto kita dahil gusto kita. Gusto kita kasi ikaw si Ashley na late sa unang pag kikita natin. I care about you Ash. I like being with you. I just like everything about you kahit na yung mga bagay na ayaw mo tungkol sayo tanggap ko yun. Tanggap ko ang buong ikaw. Hindi ka unfair pinapakita mo lang kung sino ka at uulitin ko ang sinabi ko sayo noon ang tapang mo." sambit niya.

At dahil sa sinabi niya tumakbo ako kung nasaan siya at niyakap si Ryden, walang malisya ha! Sobrang na touched lang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko kasi naisip na may mag sasabi sakin ng mga ganyang bagay.

Akala ko kasi talaga wala ng mag mamahal sakin. Akala ko talaga wala ng tatanggap sakin sa buong ako kasama na ang mga maling desisyon o pangyayari sa buhay ko. Akala ko naubos na yung mga lalaki na ganun not until I met this guy!

"Ryden, gusto din kita"

Minsan talaga kahit ayaw mo pa sabihin na gusto mo ang isang tao lalabas na lang din talaga. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang gulat na gulat na mukha niya.

"Wait lang Ashley ha hindi pa nga ako nakaka-recover sa pag yapos mo sakin tapos gugulatin mo naman ako ng confession mo na gusto mo ko. So... Ano tayo na?"

Pinipigilan ko ang tawa ko sa mga oras na 'to, paano ba naman nakakatawa talaga ang mga expressions ng mukha niya.

"Hindi pa." sabay alis ko sa yakap ko sa kanya.

Ano siya? Hilo? Mag hirap muna siya at kilalanin pa niya ako at higit sa lahat madami pa din akong gusto malaman kay Ryden. Gusto ko kasi pag naging kami sure na ako na siya na talaga ang pang habang buhay ko.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon