CHAPTER 27

4 1 0
                                    

CHAPTER 27

***

Pwede pala yun yung isasantabi mo yung takot mo na mag mahal muli pag dumating yung tamang tao na tanggap ka, na mamahalin ka pati na yung mga hindi magandang nakaraan o ugali mo.

Ang totoo niyan madami pa kong pangamba pero ayoko muna isipin yun. Ayoko muna maging negative.

Masarap sa pakiramdam mag mahal, masarap lalo sa pakiramdam na may nag mamahal sakin bukod sa pamilya ko.

Sana ganto na lang ang buhay walang sakit, yung nag mamahalan na lang lahat para masaya pero matatawag bang buhay kapag wala na ang problema?

Ang daming tanong na mahirap sagutin, may mga tanong na kahit anong isip mo hindi mo masasagot. Talagang napaka mysterious ng buhay.

Andito ako ngayon naka upo sa kama, pinipigilan mag isip ng pwedeng mangyari sa future. Hobby ko na kasi ata yun mag isip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari, mga bagay na hindi ko naman hawak.

Natigil na lang ang pag iisip ko ng may bumato na naman sa glass door ng balcony ko. Kung siguro dati baka nainis ako pero dahil alam kong si Ryden yun kaya ayun bigla na lang sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

"Hindi ka ba makapag hintay na makita ako at talagang nambabato ka pa diyan?" tanong ko sa kanya.

"Bakit nga kaya ganun ano? Mag kasama naman tayo kahapon pero parang miss na kita agad?" galing din ng lalaking to tanong din ang sagot.

"Korni mo! Ano plano?" may mangyayari kaya sa usapan namin na puro tanungan.

"Ikaw? Ano ba gusto mo gawin?" balik na naman na tanong ni Ry.

"Alam mo bang puro tanong na lang ang usapan natin. Mag luto ako ng breakfast, punta ka na lang dito." kesa mag balikan kami ng mga tanong ako na ang nag offer.

Ano kaya maluto? Bahala na nga.

Habang nag iintay kay Ryden nag ready na ko ng mga ingredients para sa chowfan specialty ko yun e gusto ko kasi magaya yung sa chowking.

May sausage naman at spicy boneless bangus yun na lang siguro ang ulam namin.

Patapos na ko mag luto ng dumating si Ryden. Naligo pala muna ito bago pumunta sa bahay para kung may gusto daw akong puntahan ngayon diretso na kami.

Akala mo naman sa kabilang baryo ang bahay niya.

"Wow naman, masarap naman ba to?" tanong naman niya habang nilalagyan ko yung plato niya.

"Tikman mo na lang pero wag ka masyado mag expect, pa chambs lang yan." sagot ko naman dito pero ako ang nag eexpect na sabihan niya na masarap ang luto ko.

Napatitig naman ako sa kanya nung sumubo siya iniintay ang verdict nito sa luto ko.

Kaso ang tagal niya mag sabi diretso kain lang to, kaya kumain na lang din ako. Nakakainis hindi man lang sinabi kung masarap ba o ano.

Para sakin kasi masarap e, o dahil ako lang nag luto kaya nasasarapan ako.

"Ano?" tanong ko naman dito. Hindi na ko makatiis e. Gusto ko malaman kung pasok ba sa panlasa niya.

"Okay naman" maikling sagot naman nito.

"Naman? Okay naman? So hindi mo masyadong trip? Pwede na ganun?" sunod-sunod kong tanong habang siya sunod-sunod din ang pag subo.

"Okay siya, masarap. Hindi pa ba obvious ang dami ko na kayang nakakain. Pag luto mo ko lagi ha." naka ngiti nitong sagot.

Kaya napa-ngiti na lang din ako. Masaya ako kasi na gustuhan niya yung luto ko. Na-appreciate niya yung luto ko.

Lumipas ang ilang minuto na panay tawanan at kwentuhan lang kami ng mga buhay namin noong mga bata pa kami, mga kalokohan na ginawa, buhay estudyante at kung ano pa ng bigla namang dumating ang best friend ko.

"Best!" Bati ni Benedict sabay yakap nito "na miss kita bulilit!" hindi man lang napapansin na may ibang tao pa kaming kasama.

Tinignan ko naman agad si Ryden pero mukhang wala lang naman sa kanya na niyakap ako ni best? Hindi man lang ba siya mag seselos eh alam naman niya na nag ka gusto sakin to before? Oo best friend ko lang to pero lalaki pa din to.

Eh bakit ba gusto ko pa siya makaramdam nun dapat nga matuwa ako at parang wala lang sa kanya hindi ba?

"Na miss din naman kita best! Pero bakit hindi ka naman nag pasabi na pupunta ka dito?" tanong ko naman dito. Wala naman kasi kaming usapan sa pag kakatanda ko ha.

"Masama bang bisitahin ka? Tsaka noon pa man bigla bigla naman na talaga ko pumupunta ha natigil lang nung alam mo na."

Natigil lang dahil kay Josh. Hanggang ngayon ayaw niya pa din binabanggit ang pangalan ng ex ko. Galit na galit kasi talaga siya nung nalaman niya yung mga ginawa ni Josh sakin.

Gustong gusto na nga niya sabihin sa magulang ko o kaya sugudin pinigilan ko lang.

"Ay! May bisita ka pala best? Siya ba yung sinasabi mo?" tanong naman nito, tumayo din naman si Ryden sa pag kakaupo ng mapansin siya ni Benedict.

"Finally! Napansin mo din! Ryden si Benedict, best friend ko. Benedict si Ryden, boyfriend ko." at nag fist bomb naman ang dalawa.

"Sinagot mo na agad? Dapat pinakilatis mo muna sakin baka mamaya alam mo na. Ayoko lang na masaktan ka ulit. No offense, pre." siguro gets niyo na kung bakit best friend ko to parehas kasi kami na sinasabi agad ang nasa isip namin. Straight to the point.

"Okay lang Pre, gets ko naman. Pwede pa naman kilatisin. Ayoko din masaktan si Ashley." sagot naman ni Ryden.

Pero knowing Benedict, hindi yan nag titiwala sa kahit sinong lalaki pa ang ipakilala ko sa kanya. Sobrang protective niya dahil hinabilin lang naman ako ng mga magulang ko sa kanya. Noong nalaman niya na may nanliligaw na sakin gustong gusto na niya talaga makilala ito at ang dami din niyang sermon.

Ang totoo pa nga niyan mas mahigpit pa yan sa magulang ko kaya tuloy nung high school kami lagi kaming napag kakamalan na may relasyon. Minsan nga naiisip din ng pamilya namin na baka sa huli kami ang mag katuluyan pero sure ako na hindi e, na hanggang best friend lang talaga.

"Siguraduhin mo lang pag umiyak ulit ang best friend ko kukunin ko siya sayo. Madaming nag aabang na mag ka mali ka dahil sa isa mong pag kakamali kapalit ay ang chance nila kay Ash." may yabang sa boses na sambit ni Best.

Binatukan ko nga "Kung ano-ano sinasabi mo. Wag mo to pansinin Ry, malakas lang to mang asar."

Pero hindi gaya kanina bakas sa mukha ni Ryden ang pag ka inis at pag titimpi pero noong tignan naman ako nito ngumiti na lang din siya.

Aish! Si best kasi e kaya yung ex ko pinaiwas siya kakaganyan niya e.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon