CHAPTER 28

10 2 0
                                    

CHAPTER 28

***

Panay daldal pa din si Best ngayon habang kumakain at syempre ayun feel at home pa din siya gaya ng dati.

Taas paa pa nga kung kumain e. Nag luto pa nga ng itlog ang magaling.

At heto ako panay tingin kay Ryden, paano ba naman kasi parang wala na siya sa mood at umaasta na lang na nakikinig samin ni Best.

Eto namang best friend ko kanina ko pa pinandidilatan at sinisipa sa ilalim ng lamesa para naman kausapin din niya sana si Ryden pero parang wala lang at tuloy pa din sa ka-kadaldal.

"Best! Date naman ulit tayo. Nawala na yung best friend day natin nung alam mo na. Siguro naman okay lang sayo yun Ryden?" biglang tanong ni Benedict

Tignan mo to kakausapin na nga lang si Ryden ganun pa ang sasabihin hindi na lang sakin pinadaan.

"Ha?" tanging sagot ni Ryden na hindi narinig ang sinabi ni Benedict.

"Tinatanong kita kung okay lang ba na ibalik namin yung best friend day namin ni Ashleh? Hindi ka naman siguro gaya ng ex niya hindi ba, yung bigla na lang ilalayos si Ashley sakin?" at talaga namang itong lalaki na to!

Mamaya ka talaga sakin best, kaloka mga pinagsasabi nito. Talaga namang walang pinagbago.

"Ah okay lang naman sakin yun tutal BEST FRIEND day lang naman yun. Tsaka hindi ako kagaya ng ex niya hindi ko siya ilalayo sayo kasi nga hindi ba BEST FRIEND ka niya. Ilalayo ko lang siya kung lumalagpas na sa pagiging BEST FRIEND."

Ako lang ba? Pero may diin talaga yung salitang best friend pag sinasabi niya? At eto namang si best nakikipag titigan pa kay Ryden mga walang gustong mag alis ng tingin. Tsk.

"Hoy! Okay lang ba kayo? Wag niyo subukan na mag away dito. Magagalit talaga ko. Best kilala mo ko magalit, gusto mo maulit yun? At ikaw Ryden hindi mo pa nakikita yun pero willing akong ipakita kung gusto mo talaga! Isang mahilig mangasar pero pag inasar pikon at yung isa naman alam na inaasar lang siya pinatulan pa. Umayos kayo!" kaya ayun nakuha ko naman ang attention nila.

"Best okay lang sakin na ibalik natin yun pero syempre ipagpapaalam ko muna kay Ryden as a respect na din pero kung hindi siya papayag, ipipilit ko hindi dahil I don't respect you Ry sadyang ayoko lang na diktahan ng ibang tao ang mga bagay na gusto kong gawin. At ikaw best siguraduhin mo lang din na mag papaalam ka sa girl friend mo at kung gusto nila sumama satin, isasama natin sila." at ayun pag katapos kong sabihin yan tahimik lang yung dalawa.

Hanggang sa tumawag si Sir Travis kay Ryden at may pinapapasang file kaya ayun kelangan niya muna umuwi pero babalik daw siya agad.

"Ui best! Sorry ha. Kilala mo naman ako best over protective ako pag dating sayo mas malala pa nga ang pagiging protective ko sayo kesa sa girlfriend ko e." sambit ni Benedict.

Kaya nga ako pinag seselosan ng mga nagiging girlfriend nito e paano ba naman ganyan siya umasta, kaya ayun laging cause ng break up ay ako.

Lagi siya pinapapili ng mga nagiging girlfriend niya. At syempre ang magaling kong best friend ako lagi ang pinipili. Thankful naman ako sa kanya kasi lagi niya akong pinipili pero paano naman siya?

Gusto ko din naman siyang maging masaya. Gusto ko din naman na may mag tagal sa kanya. Gusto ko maranasan niya yung pang matagalan na pag mamahal.

"Okay lang yun pero oi nag seselos pa din ba girlfriend mo sakin?" diretsahan ng tanong tutal ganun naman kami lagi.

"Oo, pero yaan mo siya." See? Parang wala lang sa kanya na nag seselos girlfriend niya.

"Anong hayaan? Ipakilala mo kasi siya sakin para alam niya na may boyfriend ako tsaka na best friend lang talaga tayo." sagot ko naman sa kanya.

"Alam mo best siya naman ang may ayaw lagi ko siya pinipilit na kitain ka kaso ayaw niya babanggitin ko pa lang ang word na best galit na galit na agad." pag kwento naman nito.

"Naku baka mamaya papiliin ka na naman niya piliin mo siya ha! Best friends pa din naman tayo."

Kahit hindi ako piliin ni Best alam ko naman na habang buhay kaming mag best friend may time nga na hindi kami nakapag usap for 1 year tapos dagdag mo pa yung ex ko pero pag nag kita kami parang kahapon lang kami nag usap kaya alam ko habang buhay at totoo ang friendship na meron kami. Hindi ko lang siya best friend pamilya ko siya.

"Tigilan mo nga ako Best, kung papapiliin niya ko ibig sabihin hindi siya ang para sakin kasi kung mahal niya ko tatanggapin niya lahat lahat sakin pati yung mga taong mahalaga sakin, yung mga taong mahal ko. At ikaw pa din ang pipiliin ko kung tanungin niya ko nun desisyon ko yun alam ko ang naiisip mo kaya wag mo isipin na kasalanan mo kasi pag inisip mo yun magagalit ako sayo."

Ang swerte ko sa best friend ko. Konti lang ang friends ko as in yung true ha bilang lang talaga sa daliri ko. Tsaka hindi ko din naman kasi need ang madami ang kelangan ko lang ay yung totoo talaga.

"Bakit ka naman magagalit? Never ka kayang na galit sakin." sagot ko naman sa kanya.

"Syempre Best, kapag inisip mo na kasalanan mo na pinili kita parang naisip mo na din na kasalanan na maging mag best friend tayo." at nakita ko naman na nalungkot siya sa sinabi niya.

"Tsk. Hindi bagay sayo best! Wag ka na malungkot diyan. Sige na! Pag pinapili ka nila ako ang piliin mo ha! Tapos iintayin natin tung the one mo. Tapos kami na ang magiging mag best friend" napatawa naman siya sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa pero okay na din yun atleast hindi yung malungkot niyang mukha ang nakikita ko.

"Masaya ko best na masaya ka, masaya ko pag nakikita kang masaya. Kaya sana best wag ka na matakot maging masaya ha! At sana totoo na yan. Sana totoong masaya ka na talaga." nakangiti nitong sambit.

Paano nakita niya lahat ng pinagdaanan ko. Lahat ng problema ko alam niya. Bawat luha ko pinunasan niya.

"Oo naman best, masaya ko. Masaya ko ngayon at sana hindi na mawala yung saya na nararamdaman ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon