CHAPTER 14

40 36 61
                                    

CHAPTER 14

***

"Okay game! Una, may manliligaw ako ngayon. Pangalawa, virgin pa ko. Last, madaldal ako" sambit ni Kia.

"Kia ang obvious! Truth ung 1st and 3rd" sagot naman ni Russel.

Haynaku Russel wag ka na lang magugulat. "Truth ung 2nd and 3rd statement" pag sagot ko naman.

"Russyyyy! Inom ka hahahaha wala ako manliligaw! Gusto mo ikaw na lang!" tuwang tuwa naman si Kia na binigay yung shot glass kay Russel.

"Russyyyy? What the fuck Kia! Ano ko aso?!" sabay lagok sa shot glass. "My turn 1st wala na kami ni Khate, 2nd may gusto ko sa isa nating ka work, 3rd nag pasa ako ng resignation."

Haynaku naman! Alam ko naman kung alin dyan ang truth pero mas gugustuhin ko na lang ata mag shot pero baka mamaya pag ung 3rd statement pinili ko baka isipin niya gusto ko siya mag resign.

"1st and 2nd ang truth" sagot ko sa kanya.

"Ako din same" sagot din naman ni Kia na parang di naman na gulat sa statement ni Russel, alam na kaya niya.

"So pano yan, tama kayo parehas edi wala iinom satin?" he seriously asked.

"Ikaw! Iinom tama kami e" sabay pa naming sambit ni Kia. Kaya nag tawanan pa kami.

Bigla naman bumukas ung pinto nung turn ko na. Napatingin naman samin si Ryden at parang nag tataka pa kung bat kami nag iinom.

"Sayang may sakit ka Engr! Kaya bawal ka" pag papaalala naman ni Kia sa kanya.

"Ash, ikaw na" pambasag naman ni Russel para maibalik sakin ang atensyon ni Kia.

"1st isa pa lang naging ka relasyon ko, 2nd I have 6 cousins sa mother side, 3rd my first pet is a hamster."

Halata namang nag iisip yung dalawa ng isasagot nila, takot na uminom. Hindi naman kasi ako makwento sa kanila ng mga bagay na tungkol sakin e.

Tama naman ang hula ni Russel kaya si Kia lang ang uminom. Nakailang turn na din kami kaya medyo may mga tama na din kami ng alak.

"Si Russyyy na ulit" excited na sambit ni Kia.

Si Ryden naman tahimik lang na nanunuod samin, minsan tumatawa pag may nakakatawa na comment si Kia.

"1st gusto ko si Ashley" nagulat ako nung bigla yan lumabas sa bibig ni Russel. Talagang may tama na nga to ng alak.

"2nd madali ako mag selos pag dating kay Ash." bat ba puro ako tsk. Napansin ko naman na ngiting ngiti si Kia. Haynaku alam ko na kasunod nito.

"3rd parehas lie ang 1st and 2nd statement" pagtatapos ni Russel.

Uminom na lang ako ng tequila dahil sa ayoko sagutin. Si Kia naman being Kia mabilis lang sumagot at eto na nga ba ang sinasabi ko. "Kelan mo pa gusto si Ashley? So yung sinasabi mo na gusto mo kanina si Ashley yun? Kaya ba kayo nag break ni khate? Dahil kay Ashley?" tanong ni Kia.

Kasalanan ko pa ata ngayon kung bakit sila nag break. Aalis na sana ko sa pwesto ko para makaiwas sa ganyang klaseng usapan ng mag salita si Ryden.

"Bakit naman magiging kasalanan ni Ash? Si Russel naman ang nag ka gusto sa iba. Wala naman ata sinabi si Ash na gusto ka din niya di ba? Para mag hiwalay kayo?" seryosong tanong ni Ryden na diretso lang nakatingin kay Russel.

"May sinabi ba ako na kasalanan ni Ashley? Bat ba ikaw ang sumasagot sa tanong sakin?" sagot naman ni Russel sa kanya.

Sasagot pa sana si Ryden tumayo na lang ako at lumabas muna para mag pahangin. Which is wrong move dahil mas tinatamaan ako pag may mahangin, wala e gusto ko lang umiwas sa usapan nila, yung ganung usapan dapat samin na lang yun ni Russel. Kaya bukas kakausapin ko na siya.

Humiga na lang ako sa may buhangin sa tabing dagat. Tahimik na din naman at konti na lang ang tao sa paligid, ano oras na din kasi.

"Pwede umupo?" pag tatanong ni Ryden.

"Nakaupo ka na e, nag tanong ka pa" sagot ko naman.

"Do you know the story about the sun and the moon?" sabay taas ng kamay ko para abutin ang buwan.

"Ano na naman? Bigla bigla ka talaga sa mga topic mo ano" tanong naman ni Ryden na naka tingin lang din sa dagat.

"Wag na nga, ayaw mo ata marinig e!" pagmamaktol ko pa.

"Dali na ano nga? Ah! mag kaaway sila kaya ayaw na nila mag kita" sambit ni Ryden

"My friend told me this story a long time ago back in college pa, the Sun shine brighter than anything. He brought us joy and source of our warmth. But he was lonely, kasi mag isa lang siya sa lawak ng kalangitan. Lagi siya tumitingin sa baba, sa mga tao na nag sasayawan, nag uusap at mag kakasama. He always wonder if habang buhay na lang ba siya na mag isa. That was the price to be paid for being the brightest yun ang paniniwala niya."

Tumingin ako kay Ryden just to make sure na nakikinig siya and he is just looking at me. Kanina pa ba siya nakatingin sakin?

"Then there was the Moon." pag papatuloy ko, sabay turo pa sa buwan.

"As the Sun began to disappear she would rise into the sky, flanked by a millions of stars. Ang liwanag niya at ang ganda niya ano? A sad kind of beauty nga lang since hindi masyado napapansin ng ibang tao. She was untouchable, binabalot niya ang sarili niya sa kumot ng kadiliman. Until one day when the Sun was going out of the heavens, he caught a glimpse of her, a glimpse of the moon. And while the Sun could shine, he knew the Moon could glow. Hanggang sa nahulog na si Sun kay moon. How he wished to see her more than the fleeting moments he shared with her at both dawn and dusk. But the Moon was untouchable, she can't get out of the darkness. Go at hayaan mo ko huminga para sayo, dahil ikaw at ako ay may buhay na naka-plano na. You will shine bright in the day and I will glow in the night. We will never be. Because what we have would go against what all people believe. You and I choose this path. yun ang sabi sa kanya ni moon."

Humiga na din si Ryden sa tabi ko para pag masdan din ang buwan. "Don't you dare abandon your blessing of light for my darkness. yun ang huling sinabi ng buwan kay araw."

"But Ash, The sun also sacrifice his light every night para lang makita natin ang ganda ng buwan"

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon