CHAPTER 23

16 8 2
                                    

CHAPTER 23

***

Nakarating din kami sa bahay nila Ken pag katapos ng 15 minutes na byahe.

"Thank you po Dra., Teach salamat sa pag hatid samin." sambit ng Nanay ni Ken.

Hindi naman kasi sinabi ni Dra. Laura na kakausapin niya yung tatay ni Ken kaya naman ang akala ng nanay ni Ken ay hinatid lang talaga namin sila.

"Naku! Misis! Naiihi ako, pwede ba maki CR muna ako at talagang hindi ko na kaya." bago pa maka salita yung nanay ni Ken ay mabilis ng nakababa si Dra. Laura at naka pasok na sa gate nila Ken.

Kaya mabilis din akong bumaba at sinundan si Dra. Buntis pa naman siya tapos padalos dalos siya sa mga delikadong bagay! Hay naku! Wala pa naman si Sir Travis.

Sumunod din naman agad sakin sila Ken at pati na din si Ryden na wala pang ka alam-alam sa mga nangyayari.

"Ah! Ry! Gusto mo mag intay na lang diyan?" tanong ko naman sa kanya.

"Samahan ko na kayo." sagot naman niya.

Mas okay na din na sumama siya ang tapang kaya ng tatay ni Ken. Last time naitulak pa nito si Dra. Laura na kina galit din ni Sir Travis pero sana naman walang mangyaring ganun.

Bigla namang lumabas yung Tatay ni Ken na masama na agad ang tingin samin.

"At ano ginagawa niyo dito? Lyra! Hindi ba sabi ko sayo e wala ng pag asa yang batang yan kaya itigil mo na yang kaka punta sa mga yan! Walang problema sa anak natin sadyang mahina lang ang kokote niya tamad lang mag aral yan! Ang dami arte!" sigaw naman ng tatay ni Ken.

"Sir, Good Evening. Gusto lang ho namin kayo makausap ulit." seryoso at maayos na sagot naman ni Dra. Laura.

"Ay! Hindi! Wala na ako dapat pa marinig sayo! At tigilan mo na kakahithit ng pera sa pamilya namin!"

"Sir, your son is diagnosed with Global Developmental Delay. Sir we diagnose base on test and observation hindi ho namin gawa gawa yun. Yung therapy is nakatulong ho talaga kay Ken. Yung therapy Sir ay pinagaralan ho yan sa ibang bansa at lahat ng employees namin ay nag training talaga. Hindi ho kami nang hihithit lang ng pera sa inyo." sambit naman ni Dra.

"Bobo nga lang yan mana sa nanay niya na walang naitutulong!"

"Ricky pumasok na tayo, doon tayo mag usap naririnig na tayo ng mga kapit-bahay. Dra., Teach pasensya na ho kayo kami na lamang ho ang mag uusap." sagot naman ni Ms. Lyra.

"Sir. Kahit ano pa ho ang tingin niyo sa anak niyo hindi niyo po siya dapat sinasaktan ng ganto." singit ko naman sa kanila.

Naramdaman ko ang hawak ni Ryden sa mga braso ko na parang pinipigilan niya ako na makisali sa usapan nila pero hindi ako ang therapist ni Ken at responsibility ko din na pangalagaan siya emotionally and mentally.

"Pinagsasabihan mo ba ako kung paano ko itatrato yang batang yan!" sagot naman niya.

"Kung sa tingin niyo po e pinagsasabihan ko kayo siguro nga po ganun nga po iyon. Hindi po basta bastang bata ang nasa harapan niyo. Ken is a blessing for you and your wife. Kagaya niyo po hindi din po ginusto ni Ken na mag karoon siya niyan. Hindi po niya pinili yan but he is trying his very best to meet your expectation para hindi kayo mahirapan sa kanya. All you can do is to give your support to your child. Ang anak ay anak kahit ano pa siya. Mali po ba ako? Kung sa tingin niyo po ay wala talagang pinagbago si Ken ako po mismo ang mag babalik ng binayad niyo. " diretso kong sagot sa kanya.

Hindi naman sumagot ang tatay ni Ken sa halip ay kalmado siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Salamat Teach" umiiyak na pasasalamat ni Ms. Lyra.

Bigla namang tumakbo si Ken samin at niyakap ako.

"Bye Teach! Salamat po!" at patakbo din pumasok sa loob.

Napahinga naman ako ng malalim at parang ngayon lang tumama sakin lahat ng mga sinabi ko.

"Naku! Dra. Sorry po. Sorry po at nangialam po ako." minsan din talaga yung bibig ko hindi ko napipigil e.

"Bakit ka nag so sorry? You did a very good job, you handle the situation very well. All we can do right now is wait for the result. Thank you for standing up for Ken" she said calmly.

Kaya naman napanatag din ako sa sinabi ni Dra. Laura.

Hinatid lang namin si Dra. Laura sa clinic at kinuha ko lang din naman ang gamit ko para makauwe na at makapag pahinga.

Pag bukad ko ng pinto ng sasakyan ni Ryden ay nagulat ako na may isang stem ng sunflower sa upuan na may ribon na color pink and may maliit na card.

"Ano to?"

"Bulaklak ang tawag diyan Ashley"

Kaya naman napatingin ako ng masama sa kanya.

"Alam ko. Tsk"

Binasa ko na lang yung nakasulat sa card kesa tanungin ang isang pilosopong tao.

Hi Ashley,

Here is a sunflower to brighten up your night. Isang kakaibang Ash na naman ang pinakita mo sakin. Isang nakakainsprise na Ashley. Ang swerte ko na nakilala kita.

Love, your "future partner" SANA.

Napangiti na lang ako sa ka sweetan nitong lalaki na to ang daming pakulo sa katawan.

"Thank you pero alam mo bang paborito ko ang sunflower." sambit ko.

"Oh? Hindi nga?"

"Oo nga. Ang ganda kaya ng meaning ng bulaklak na to. It means anything from positivity and strength to admiration and loyalty. It also mean long lasting hapiness."

I want a  long lasting real happiness.

"Kaya pala nung nakita ko yan, agad kong pinili yan kasi loyal ako sayo yieee... Kilig yan pero kung sinasabi mong long lasting happiness ibibigay ko sayo yun. Yung totoong happiness ipaparamdam ko sayo. Yung happiness na pinag kait sayo noon makukuha mo. Yung happiness na pang habang buhay. Itaga mo pa sa bato at ibato mo sakin yung batong yun pag hindi ko naibigay sayo yun."

"Ngayon pa nga lang napapasaya mo na ko e. Thank you."

"Pero grabe hanga ako sayo kanina nung nag salita ka pero kinabahan din ako kasi baka kung ano gawin sayo nung lalaking yun e."

Sana kagaya kanina mahanap ko din yung courage na mailabas lahat lahat ng nararamdaman ko lahat lahat ng nakabaon na masasakit sa puso ko.

Sana maging ganun din ako katapang na kalimutan ang lahat at harapin ang bagong mga pag subok na darating sa buhay ko.

At sana si Ryden na nga ang taong makakasama ko sa isang panibagong buhay na walang takot o pangamba sa bawat araw.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon