CHAPTER 16

41 34 57
                                    

CHAPTER 16

***

Mabilis lang na tapos ang island tour namin since hindi din maganda ang panahon.

"Kung kelan naman last day na natin dito hindi pa natin ma enjoy ng sobra." pagrereklamo ni Kia.

"Hilingin mo Kia na huwag bumagyo o umulan ng malakas bukas dahil pauwe tayo no, paano kung ma cancel yung flight?" sagot ko naman sa kanya.

"Hala! Edi masaya extended tayo. Sige na umulan ka lang ng umulan!" sigaw ni Kia sa langit.

Malakas na ang ulan pero andito pa kami sa labas at bumibili ng mga kakainin namin para hindi na kami lumabas mamaya.

"Mauna na kaya kayo, para maka ligo na kayo baka mag kasakit pa kayo. Kami na lang ni Engr. mag intay dito." suggestion ni Russel.

Tumingin muna ko kay Ryden para malaman ko kung okay lang sa kanya ang suggestion ni Russel tumango naman siya kaya mukhang okay lang din naman sa kanya. Hindi naman kasi sila close para maiwan silang dalawa na mag kasama.

"Tara na Ashley, para pag dating nila makaligo din sila agad." sabay hila sakin ni Kia.

Pag dating namin sa Airbnb pinauna ko muna si Kia maligo. Bat ba kasi iisa lang CR dito e.

"Ash! may gusto sayo si Engr! Feeling ko lang naman! Never ako nag ka mali sa mga intuition ko!" sigaw naman ni Kia.

"Pa-uso ka! Bilisan mo na lang dyan at lamig na lamig na ko." sagot ko naman kay Kia.

Dami talaga nitong alam lahat binibigyan ng kulay. Oo minsan naiisip ko din naman yun pero ayoko maging assuming. Ang pagiging assuming ang nag dadala sakin sa kapahamakan e.

"Papatunayan ko sayo mamaya!" sagot naman niya sakin.

Ano na naman kaya plano nitong si Kia. Kung ano man yun wag sana niyang ituloy. Last time na sinabi niya yun ending nag katuluyan si Trisha at Terrence.

Nakatapos na kami mag ayos pag dating nila Russel at Ryden, hindi pa nga sila sabay dumating e. Mas lalo pa naging weird ang pakikitungo nila sa isat-isa.

Pag katapos mag ayos ng dalawa. Kumain lang din muna kami habang nanunuod ng movie. Nag reklamo pa nga si Russel kasi A Walk to Remember ang pinili ni Kia.

"Sana all may Landon." sabi naman ni Kia.

"Walang ganyan Kia, yung mag babago para sayo. Nakaw! Kung gusto mag bago dapat gawin para sa sarili hindi para sa iba." Russel said

"Landon change because he wants to be better for Jamie, his love for Jamie changes everything. I still believe that love can change a person. Tsaka na gustuhan na siya ni Jamie kung sino siya." I stated my opinion too.

Nag agree naman si Kia, since fan siya ng movie.

"But what if pinapakita lang niya ang gusto makita ni Jamie kasi may sakit si Jamie? Is it really because of love or pity?" pag tatanong ni Russel, he loves debate and Russel is not a fan of defeat.

"That's what I asked you earlier. Is it because you love her dahil sa nakikita mo or do you love her dahil sa lahat na kung ano siya?" pag singit ni Ryden sa usapan.

Mag tatanong sana ako at sasagot pa dapat si Russel kaso sumingit naman tong si Kia.

"Okay! Hindi pa tayo nakakainom may nag sisimula na." sabay labas ng alak ni Kia.

Note to my self, tanungin si Ryden kung ano pinag usapan nila ni Russel.

"Engr! Una ka." sabay abot ni Kia kay Ryden ng shot glass. "Papatunayan ko sayo Ashley. Mag observe ka." bulong sakin ni Kia pag ka shot ni Ryden.

Umiinom ba to ng tequila? Hindi man lang nag tanong to si Kia. Wag mo sabihin na plano ni Kia na lasingin to?! Eh hindi nga daw to pala inom ng alak e!

Sinamaan ko bigla ng tingin si Kia nung na realize ko ang plano niya. Abay! Nginitian lang ako.

Walang tigil ang pag-ikot ng shot glass, ni hindi nga kami masyado makapag usap dahil panay tagay lang si Kia sa shot glass namin.

Hindi na nga napapansin ng dalawa na hindi na umiinom si Kia e! Tsaka bat ba nakikipag sabayan pa tong si Ryden kay Russell.

"Ui Russel gusto mo palit tayo upuan?" biglang tanong ni Kia.

Katabi ko kasi si Kia at katapat ko naman si Ryden. Hinawakan ko ang kamay ni Kia sa ilalim ng upuan para pigilan siya kung ano man ang plano niya pero dahil hindi naman siya masyado uminom mas malakas ata siya sakin at na alis agad ang kamay ko na naka hawak sa kanya.

"Sureeeee!" pag sang ayon naman sa kanya ni Russel. Napa iwas naman ng tingin si Ryden.

Nag simula na naman mag tagay si Kia, pero napapansin ko na mukhang hindi na kaya ni Ryden kaya sinalo ko na lang yung ibang shot niya.

Bigla namang tumayo si Russel at lasing na lumakad papasok ng kwarto. Ganyan si Russel pag hindi na niya kaya bigla bigla na lang nawawala at makikita na lang namin na tulog.

"Lasing na din ako. Ikaw na bahala dyan Ash." sabay turo ni Kia kay Ryden na nakasubsob na ang mukha sa lamesa.

Eto na nga ba ang sinasabi ko e, inom ng inom hindi nanan kaya. Nakikipag labanan pa sa inuman pero tumba naman.

"Hoy! Ry.. Pumasok na tayo sa loob. Gumising ka at wag kang susuka sinasabi ko sayo hindi ka uwak!" pang gigising ko kay Ryden.

"Ashley.. Ash.. Ashley.. Ashley Maureen Rodil..." pag tawag paulit ulit ni Ryden sa pangalan ko.

"Oh bakit Ryden John Flores? Lasing kana. Tumayo ka na dyan." sagot ko naman sa kanya.

"Ash, hindi pa ko lasing. Ashley Maureen.. Ashley" sagot niya.

"Ano? May sasabihin ka ba o lasing ka lang talaga. Ay naku Ryden ha inaantok na din ako, wag mo intayin na kaladkarin kita papasok." napipikon ko na sagot sa kanya.

"Ashley, gusto kita. Ash.." pag-amin ni Ryden.

Ah gusto niya ko? Tama narinig ko hindi ba? Wait confirm ko ulit.

"Ano sabi mo? Hindi ko marinig.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung nag salita siya ulit.

"Gusto kita Ashley.." ah tama ako yun nga sabi niya gusto niya ko.

"Ah gusto mo ko? Pwes! Sabihin mo yan pag hindi ka na lasing!" inis kong sagot sa kanya.

Balak ko na sana siyang iwan dun kaso nakakaawa naman e, kaya inintay ko na lang na magising siya ulit.

Haler, hindi ko naman kaya to buhatin. Tignan ko lang kung maalala niya pinagsasabi niya sakin. At kung makalimutan niya willing naman ako remind sa kanya mga sinabi niya.

Ryden, humanda ka pag gising mo at pag wala ng alak sa sistema mo.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon