Chapter 90 // 2105

163 5 2
                                    

Chapter 90

"Kanina ka pa nakatulala." I felt someone poked my cheeks and it was Austin. Narito kami sa loob ng cafe na kakabukas lang. Dito na rin namin naisipan na mag-umagahan. "A penny for your thoughts?"

I sighed. "Wala. Inaantok lang ako." saad ko at inikot-ikot ang pasta sa plato ko.

"Siguro may ginawa kayo ni kuya kagabi 'no?" aniya kaya halos mabulunan ako sa kinakain ko. Nakita ko ang ngising nang-aasar sa kaniyang labi at ang matang nakangiti rin. He's such a man now.

"Gago ka ba? Hindi naman at saka kung ginawa nga namin 'yon edi masarap tulog ko? Kaso hindi." nabura lahat ng ekspresyon sa mukha ni Austin sa sinabi ko.

Concern 'yan?

"What happened? You should be happy last night 'cause you won Oscars award. Man, that just happens sometimes." paalala ni Austin. Humigop siya sa iced coffee niya at ang inorder niyang chicken burger ay kaniyang kinagatan.

"Ihh ang gulo kasi masiyado. Kapatid mo naman si Asher, 'di ba?" I started forming an idea inside my head. Dahil nga 9 years ago na ang mga nakita kong tula sa notebook ni Asher, marahil ay alam ni Austin kung ano ang nangyayari sa kaniya noong mga panahong 'yon.

"Oo. Hindi lang halata kasi mas guwapo ako." bigla ko tuloy nahampas ang kamay niyang nasa lamesa.

"Bobo! HAHAHA pangit mo bumanat 'no. Pero kasi may nakita akong notebo-"

"Na may bike sa harap na kulay blue tapos nakasandal sa isang puno?" inalala kong mabuti ang diskripsiyon niya at ang lahat ng 'yon ay tumugma sa nasa isip ko.

"Oo!"

"Bobo, pakialaman mo na lahat ng gamit niya 'wag lang 'yon at baka patayin ka ni kuya." natawa pa si Austin nang matapos ang sinasabi niya. It's not just a usual laugh, it's a warning.

"B-but why? Para lang sa notebook?" usisa ko. Sumubo ulit ako ng isang tinidor na pasta at tinungga ang iced tea.

"That's not just a usual notebook. It's like his life, his own life. Could you believe that? It's his. Kaniya 'yon." paliwanag ni Austin.

"Pero bakit nga siya nagagalit? Yeah I've read some of-"

"How dare you, Motherfucker!" he pointed at me with his fingers. "Mabuti humihinga ka pa ngayon? Literal!" Austin might sound too overreacting pero I think there's something behind that and I want to dig it a little deeper.

"Nahuli nga ako pero kaunting-kaunti na tula lang nakita ko like 4 poems? I don't know?" saad ko pa. Parang wala pa 'yon sa mga nilalaman ng notebook na 'yon. May magaganda rin na art ang nakapaloob sa bawat pahina ngunit hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon upang tignan ang mga 'yon ng isa-isa.

"He just yelled at me and then ayon natulog na kami. Malay ko bang importante pala talaga sa kaniya 'yon?"

Austin sighed and leaned his back at his chair. "What he owns is what he owns. His are his. No matter what, ang kaniya ay kaniya. If he doesn't allow you to touch that, don't touch it. If he said that you can't read that, you can't. Panigurado akong maiintindihan mo naman 'yon."

I tried to digest all of Austin's words. Ang kaso lang naman ay nagmamahalan na kami ni Asher. What I own is what he also owns. Ganoon naman, 'di ba?

"Tara, samahan mo 'ko." nag-iwan ng isang libong pera si Austin na nakaipit sa ilalim ng plato namin bago kami lumabas para sumakay sa dala niyang sasakyang Pagani. Napa"wow" pa nga ako sa ganda nito.

"Saan tayo pupunta?" I asked and wear my seatbelt.

"Our parents' house." saad niya bago kami humarurot ng takbo. Dahil nga pangalawang pagkakataong sakay ko pa lang dito sa sasakyan niya ay hindi ko maiwasang mamangha dahil alam mong sulit ang bawat binayaran mong piso makabili lang ng ganito kagarang sasakyan.

Fontabella 3: Singing For Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon