Chapter 97 // 6679

273 12 7
                                    

Chapter 97

My name is all over the internet and it made some big and critical issues on Asher's sexuality especially in his family, parents to be exact. Hindi ko alam pero base sa mga nababasa ko gano'n at ang masama pa ay pangit ang naging reaksyon nila ukol dito.

"Ano na gagawin mo?" mahinang tono ni Vin sa gilid ko. Pabalik na kami sa label para umisip ng paraan kung ano nga ba ang gagawin namin ngayon.

"Sa totoo lang hindi ko na alam..."

Nakarating kami sa label na tahimik lang kahit na ang katotohanan ay umabot pa ang balitang ito sa pamilya ng Alejandro sa US dahil kanila ang kompaniyang ito. Hindi naman na ako magtataka kung mawawalan nga ba ako ng career ngayon dahil...

Hindi ko alam. Karamihan pa nga sa balita ay mga kasinungalingan lang at inungkat pa ang relasyon namin ni Lucian noon. Though some of them didn't know that I am gay, they said that I just used Lucian to be this famous which I'm not.

I worked hard for this, I did this for my own sake. Slowly, I got out of the car as I lowered down my gaze as we enter the whole building. It's still embarassing to face people after what happened in my concert. I sighed.

As we walk by, someone tapped my shoulder. "Kaya mo 'yan, ikaw pa?" when I glanced at the direction of the voice I saw Ali. It was not a boss-type of approach but more likely a friend that you can always count on to.

Hilaw na ngiti lang ang isinukli ko sa kaniya at umayos na ng paglalakad nang makapasok kami sa elevator. Bumalik kaming lahat sa nakakabinging katahimikan hanggang sa nagbukas ito saka pumunta na kami sa opisina ng CEO.

"May naghahanap sa 'yo." William handed me the telephone he is holding.

"Hello?"

"Tito!!!" masiglang bati ni Andrix. Napangiti ako at nakaramdam ng tuwa sa aking dibdib. Buwan na rin noong huli ko siyang nakausap. Tinakpan ko ang microphone ng telephone at tinignan sila.

"Uhmm, excuse." pasintabi ko bago pumasok sa isang silid at sinarado ang pinto.

"Hello, Andrix." nakangiti kong bati nang makaupo sa isang silya.

"Oh Goddamn shit. Heaven knows how much I miss hearing your voice, tito." ani Andrix mula sa kabilang linya. "We received the news, kamusta ka naman?"

"Hi, tito Felix!" that was Lorreal's voice on the other side.

"Hi Lorreal!" masiglang bati ko.

"Mag Skype na lang kaya tayo para makita ko kayo?" I suggested. Ang hirap kapag ganito dahil gusto ko na rin silang makita.

"Yeah yeah sure. I'll just get my laptop." sabi ni Lorreal mula sa kabilang linya.

"Wait kuhanin ko lang din akin." tugon ko sa kanila bago lumabas ng silid. "Do you have spare laptop pang Skype lang?" tanong ko. Nilingon ako ni William at tumango siya.

"Oo. Ayon oh." itinuro ng nguso niya ang lamesa na siya ko namang nakita. Kinuha ko ito at nagpaalam na gagamitin ko muna nang sandali.

I opened my account on the Skype and dahil friend ko naman na silang dalawa, madali na lang para sa akin na tawagan ang account ni Lorreal na naka online.

"Hiiii!!" maligalig kong bati sa kanilang dalawa.

"Hello, tito! Kamusta ka po?!" bati naman nila sa akin at kumakaway pa.

"Umabot na sa amin 'yung balita about you and tito Asher. Sana naman ayos lang kayo." umayos ako ng upo at bumuntong hininga.

"I'm fine naman na and kaya ko 'to. Kayo ba? How's your studies?"

Fontabella 3: Singing For Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon