VOICE

23 0 0
                                    

JACK

Bumalik sila mama at papa sa vet ngayon para bisitahin yung pusa namin. Ayokong sumama dahil baka maulit yung nangyari kahapon. Natatakot ako.

Nandito lang ako sa garden sa likod ng bahay, nakaupo sa damuhan at nakatitig sa langit. Hindi ko talaga maintindihan yung nangyari. Nang ikuwento ko kila mama, hindi naman sila natakot.

Ay, no. More on wala silang... reaction? Parang nakakita lang ako ng konting gulat sa mata nila. Ewan.

Normal lang ba yung ganong reaction? Baka akala nila nag i-imagine lang ako. Pero alam ko kasi totoo yung nangyari eh... Hindi ba?

Napailing ako. Kung ano-ano na iniisip ko. Baka sumosobra na 'ko sa pag babasa ng comics.

Touch.

Napatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko na lang na biglang nanlamig at nanginginig yung mga kamay ko.

Bakit may boses? Wala namang tao sa bahay bukod sakin.

"H-Hello? Nasaan ka po?" Ano ka ba naman Jack! Talagang tinanong mo pa?!

The flowers. Go to the flower bush, and touch a flower.

Sa sobrang takot ko, sumunod na lang ako. Nilapitan ko yung mga tanim na bulaklak ni mama. Hinanap ko yung medyo malaki at humawak sa isang petal nito.

"T-tapos? Yun lang b-ba?" Nanginginig ang boses ko.

Say 'wither'. Mean it. Picture it in your mind.

"Paano? Ganito ba?"

Inalala ko lang yung itsura ng mga bulaklak ni mama dati nung halos isang linggo niyang hindi nadiligan.

"AAH!"

Napabitaw ako at umatras. Kitang kita ko kung paano sobrang bilis nalanta Nung flower. Paano? Buhay na buhay pa 'to seconds ago...

Ohoh. I see you have a pretty good imagination, unlike the others.

I like you kid.


Ayun nanaman!

"S-sino ka ba? Nasaan ka talaga?"

Pero hindi na sumagot yung babae.

Dahan dahan ako lumapit ulit at humawak sa bulaklak.

Inisip ko yung itsura nito kanina bago nalanta.

Bumalik na ito sa dati. Kaya ba bigla rin tumigil yung pag dugo ni Eric? Dahil sakin?


Maingat kong binitawan ang bulaklak at tumakbo pabalik ng bahay. Pumasok ako sa kwarto ko at ni-lock ang pinto. Kahit paano nakaramdam ako ng konting ginhawa sa pag lock.

Kahit hindi ko alam kung tao o may kausap ba talaga ako kanina.

Sasabihin ko ba kila mama at papa yung nangyari? O 'wag na lang? Ayokong iwan nila ako at matakot. Pati rin si ate. Ayokong pandirihan nila ako.

Natanaw ko yung isa sa mga comics ko na nasa sahig at napatitig.

"I'm not a freak. I'm normal. Just a very normal and usual kid."

....Mananahimik na lang ako. Para sa akin at sa kanila

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon