Chapter 15: ICE TRAP

140 4 0
                                    

MIRAGE'S POV

Seryoso talaga si Ms. Aries sa sinabi niyang combat training kahapon. Akala namin baka echos lang pero heto, isa-isa na kaming kinakabitan ng Anti-magic bracelet chains. Malapad na walang nagdudugtong sa gitna. Kung saan o paano siya nakakuha? Hindi na kami nagtanong.

"Okay! So did you brought all the things I asked this morning?" we nod at her questions. She told us to change clothes before heading here and bring a towel, extra shirts, pants and undergarments.

"See this?" she said as she waves a small flag, "Your objective is simple, retrieve the flags placed in this lake."

Hmm, madali lang. Pero kahinahinala sa sobrang dali.

"Question. How deep is this lake?" Vee asked.

"A good 30 feet." she proudly answer.

Ah thirty lang nam- Thirty feet!? Kung bigkasin niya tila five feet lang ang lalim. "Bakit naman kailangan malalim? At kinabitan mo pa kami nito." I showed the bracelet chain, "Anong gusto mo ipagawa samin sa training na 'to?"

"I just want to see how long you'll last without using magic. It has been a part of our everyday life, so why not try do things without it? Even just for a day." she has some point. I agreed with her.

She divided us and paired those with different elements. Mas maganda dahil hindi ang mga nakasanayang kasama ang magiging ka-grupo.

Ang una ay sila Vee, Arius, Miguel at Mio. "May iba't ibang flag pa na nakalagay sa ilalim. Pero hindi kukunin lahat. Kung hanggang saan tingin nyo kayo aabot, kunin lang ang flag na naroon. Hubarin na ang mga sapatos at medyas and, ready, set, go!" pumito si Ms. Aries at sabay sabay na lumubog. Kalahating minuto pa lamang at umahon na sila.

Tinignan niya ang nakuhang green flags. "Hmm, hindi masyado malalim. Pero good job! Next batch." Umahon sila at pumalit nama'y sila Pisces, Rico, Mikey at Scorpio. Inabutan ni Ms. Aries si Miguel ng apat na lollipop at sinabihan na ipamigay sa kagrupo bago pumito.

Halos isang minuto bago sila umahon. Ipinakita nila ang pulang flag. "Mas malalim. Very good! Last batch na." Pagka ahon ay nagbigay naman ng chocolates si Ms. Aries sa kanila. I guess it's kind of a reward. Bit childish but in a cute way.

Last are Ace, Leo, Libra and I. Hinintay namin ang pito at lumusong. Nakaka sampung segundo pa lang kami ng may nadinig kaming kakaiba. Hindi familiar pero kinakabahan ako. Lumingon kami sa taas dahil doon nanggagaling ang tunog. Mas tumindi ang kaba ko.

Nagmadali kaming lumangoy pataas sa nagsisimulang pagyelo ng ibabaw. Sa una ay nababasag pa namin pero agad ding nabubuo. Hanggang sa kahit anong hampas ay hindi na ito nadudurog. Sinipa ko pero wala.

No! We're trap! We have to get out!

Hinahampas namin ang yelo para makuha ang attention nila Ms. Aries. Bakit ba natakpan ng yelo ang ibabaw?

May nakatayo malapit samin, walang saplot ang paa. Si Rico ba 'yun? Sinubukan namin kunin ang kanyang atensyon pero hindi niya kami pinapansin. Ano ba! Kailangan namin ng tulong m- Imposible. Hindi, imposible talaga.

"Rico please alisin mo na ang yelo. Baka hindi na sila makahinga." medyo muffled pero naintindihan ko ang pakiusap ni Pisces. So si Rico nga. Pero anong dahilan niya para gawin ito?

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon