Chapter 4: THE HIDDEN VOICE

245 6 7
                                    

MIRAGE'S POV


"Everyone kailangan tahimik kayong lahat para makapag-concentrate sila at ang mga susunod." sabi ni Virgo.

"Ngayon pumikit na kayo para makapagconcentrate. Look for the voice. Search harder. And just follow the instruction it will give to you." so ibang klase pala 'to. Ngayon nagbibigay na ng instructions. Wonder kung anong instructions?

Nakatingin lang kami sa kanila habang naghihintay kung anong mangyayari. Nakatitig na ata kami for almost 2 minutes at wala pa ring nangyayari. Hindi kaya mali ang theory ni Virgo? And as if in que...

"Virgo! Tignan mo 'tong gagawin namin!" sabay na sabi ng kambal at biglang humangin ng sobrang lakas sa room. Kulang na lang tangayin na kaming lahat.

"That's enough!" sigaw ni Ms. Aries sa kanila. At agad nawala yung hangin. Natakot siguro sila, kasi ako oo eh. Sumunod si Libra at dahil mukhang natakot din siya kay Ms. Aries, gentle breeze lang ang ginawa niya. So they have wind magic, wow.

Sunod si Rico. He kneeled down while facing the floor and a scoop of soil pops out from the ground. At isa-isang umangat ang soil sa paligid niya. Earth magic. Ayiieee bagay sila ni Virgo. Kakeleg.

"Please clean the mess Rico." Ms. Aries said. Pati rin sa kalinisan siya parin. Nang bumalik na sa dati yung lupa ay nagtanong si Ms. Aries kung sinong may posporo o lighter. May nag-abot ng lighter at kinuha niya. Ng may sindi na yung lighter, biglang lumutang palayo yung apoy mula sa lighter at lumaki. And in a matter of seconds wala na yung apoy. Fire magic.

Next si Ace, Leo at Arius. Nauna na si Ace at nagkaron ng malaking crack sa harap niya. Earth magic. Hindi masyadong nakakagulat dahil sa magpinsan sila ni Virgo. Si Leo ay nagpalitaw ng apoy, na pangalan niya ang nakasulat, sa harap niya. Habang nagpalutang lang ng apoy si Arius sa harap niya.

Ako, si Scorpio, Miguel, at Pisces na lang ang natira. Pumwesto na kami at sinunod ang instruction ni Virgo. I searched harder and listen to any sign the Voice would have. A minute have passed and I can finally hear it.

Mirage... Ang iyong magic, gamitin mo ito sa tama. It's a voice of a woman. A smooth silky voice of a woman. Pero iba 'to sa naunang boses. Ngayon kinakausap niya ako.

Water. Kailangan palagi kang malapit sa tubig Mirage. Para magamit ang iyong magic. Okay, gagawin ko.

Hanapin... Kailangan mo rin hanapin ang isa pa... Huh? Anong kailangan kong hanapin?

Hanapin at gamitin ito sa wasto... Hanapin... And the woman is gone. Ano ba yung kailangan kong hanapin? Ugh mamaya na nga. Dumilat ako at tumingin sa kanila. Aaaat ako na lang pala ang hinihintay. Jeez.

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon