Chapter 12: LURKING DANGER

194 3 0
                                    

MIRAGE'S POV


Oh my.... Kung nung nakaraan ang simple lang tignan ng bayan-ngayon super bongga na! Ang dami ding lumabas na bagong vendors!

Palipat-lipat kami ng stall at bili din kami ng bili. Tinuro nila kung magkano ba yung mga coins, and surprisingly, madali lang tandaan. Sana hindi maubos agad pera ko.

And by the way, they all look fabulous! Ang ganda talaga ng taste ni Libra. Naka crop top na pink siya at grey and white pants na parang pajama. With matching beach hat. Sumabay siya like Mikey.

Ako, medyo pale na yellow dress above the knee, floral-I like floral dresses-at stiletto.

"Mirage! Let's try that stall!" Pisces said. She's wearing like a polo beach shirt, medyo kakhi shorts at sandals. Hindi kasi siya gaano girly sa damit.

And coincidentally-naka polo beach shirt din si Miguel, hindi nakabutton yung sa may kwelyo niya kaya he looks kind of cool. At dahil magkatabi sila, they kind of look like a....couple.

"Asa'n Pisces?"

"It's at the end of the stalls." Vee said. A light blue dress na may black belt na may bilog na bakal yung middle. Binigyan din siya ni Libra ng beach hat na may ribbon. It made her look cute.

And her date? Ayun tahimik lang sa tabi niya. Nakawhite long sleeves si Rico at pants. Ewan ko bakit ganyan sinuot niya, hindi na lang kami nagtanong. Pero infairness, ang gwapo niya tignan.

Nagtitinda ng keychains yung stall na tinuro ni Pisces. "Ah bili na kayo! Tuwing Summer Festival lang tinitinda ang mga key chain na ito." Masayang bati samin ng lolong nagtitinda.

"Mamili lang kayo ng gusto niyo." There's this one that caught my eye. A heart na may nakapulupot na gold string. Hindi siya nakadikit sa heart pero parang nakapaligid lang.

"Iyan ba ang gusto mo binibini? Sandali lang..." Yumuko siya at may kinuha sa ilalim. Tumayo siya at may inilagay sa palad ko. "Iyan ang isa pang katerno niyan. Ibigay mo iyan sa lalaking iyong magugustuhan." Gold string ulit siya pero nakashape ng heart at parang nag g-glow na.

"Libre na 'yan dahil lahat ng keychain dito ay may kapares."

"Salamat po. Ito na po ang bayad."

Namimili pa sila kaya pinanood ko na lang muna sila. Best friend keychain ang binili nila Pisces at Miguel. Ang cute nila.

Si Rico naman.... Pang couple ang binili niya at agad niyang ibinigay kay Vee yung isa. Sobrang namumula si Rico! Nakakakilig tignan ayieeee. Mukhang magkakatuluyan 'tong dalawa.

Si Scorpio, bumili din siya pero hindi ko na nakita kung ano.

Nagpasalamat muna kami bago umalis. Malapit na kaming makalayo ng narealize ko wala yung dala kong purse. Hala naiwan ko ata sa stall!

"Wait lang guys! Naiwan ko yung purse ko sa stall. Bilisan ko na lang!" medyo tinakbo ko na dahil baka may kumuha.

Pagkarating ko, wala pa akong sinasabi ay agad inabot ni lolo yung purse ko.

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon