Chapter 3: A RUMBLE

272 3 0
                                    

MIRAGE'S POV

Halos dalawang buwan na ako dito sa school at nakapag adjust na rin ako. Gumagaling na rin ako sa paggamit ng magic ko. Meron din akong Levitation magic kaso sobrang hina I could barely lift a rock more than 10 seconds. May mga bagay din akong nalaman.

Habang nagpapahinga ako sa clinic after nung Training subject, katabi ko si Allie nun, at sinabi niya sakin na naramdaman niya rin yung pain sa dibdib niya. Nagulat ako pero agad siyang nagpaliwanag.

"Meron kasi tayong...link sa isa't isa. Kapag na-injury ka, magkakainjury din ako kahit nananahimik lang ako sa isang sulok. And vice versa. It happens sa lahat ng tao na may Phoenix." so...now I know.

At halos lahat ng ka-batch ko ay iba na ang kulay ng buhok nila. Nalaman ko sa History teacher ko kung bakit. Ang sabi niya, kusang mag-iiba ang kulay ng buhok ng isang tao kapag nagamit niya na lahat ng magic niya. Pwedeng habang natutulog, kumakain, nagbabasa etc. Basta biglaan na lang mag-iiba. It also explain kung bakit purple ang buhok ni Tito pati ang mga teachers.

At ang lumalabas na kulay ay depende din. Maaaring base sa personality, magic power at favorite color. Kaya sa tuwing naglalakad ako sa corridors, puro green, orange, blonde, red etc. ang nakikita kong kulay. Pero ang ipinagtataka ko lang, kaming 12 zodiacs–pati si Lumina–hindi parin nag-iiba ang hair color namin. Si Sakura kasi nasa gitna ng light red at light pink na yung buhok niya.

Nalaman ko na kaibigan din pala ni Pisces si Miguel, at BFF's sila. Nagiging magkaibigan na rin kami ni Miguel. At sa tuwing Training subject namin, kinakausap namin yung iba pang Zodiacs.

Nalaman ko rin na si Ace (Taurus) ay assistant pala ni Ms. Aries. Nakwento ni Pisces at minsang nakita ko sila na magkasama at naguusap. Akala ko nga sila eh, hindi pala.

Ka-close ko na rin si Mio (Gemi) at Mikey (Mini). Sa tuwing kasama ko sila, wala akong ilang ginawa kundi tumawa. At mahilig talaga silang magpatawa–minsan mang prank–kaya bagay talaga sakanila ang Twin Jokers.

Friend ko na rin si Virgo at nalaman ko na isa pala siyang dakilang NERD. Not that it's a bad thing pero malalaman mong nerd siya kapag nakasama mo na siya. At ayaw niya talaga kay Leo, dahil masyado raw presko at magastos, gustong palaging nasa center of attention.

Pero promise magastos talaga si Leo. Sa tuwing hindi siya nakauniform, mahal na branded ang suot niya pati sapatos. Miski backpack mahal. Kaya kahit ang pinsan niyang si Ace, kahit nagsusuot ng branded ay yung MURANG branded lang. Saan ka makakakita ng branded na mura? Simple lang kasi manamit si Virgo.

And Rico.... He doesn't smile or laugh a lot but I noticed he always kept glancing at Virgo whenever he's nearby. Napapansin din ni Pisces kaya sa tingin namin ay may gusto si Rico kay Virgo.

Eto namang si Scorpio, palagi lang tahimik. He has this mysterious atmosphere which suits him. He's always calm and cool. Nakikipag-interact siya pero madalas tahimik siya kagaya ni Rico. Ewan ko kung malayong makamag-anak sila.

While Arius (Sagittarius) nakwento niya samin na dito siya lumaki sa Galondia at hindi pa nakakapunta sa Earth. Kaya ng makita niya yung smartphone namin, tinadtad niya kami ng mga tanong. Paano gamitin yan? Para saan yan? Paano 'yan ginawa? And so on.

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon