Chapter 21: A BEAUTIFUL NIGHT

148 5 2
                                    

MIRAGE'S POV

M'lady,

I heard you were rushed to the clinic because of an incident. Sana umigi agad ang iyong pakiramdam.

From,
Your admirer.

P. S. I left a chocolate bar in your bag ♡


'Yan ang bumungad sa bag ko bago ako umalis ng dorm. Apparently, while I was unconscious yesterday, ay nag iwan siya ng letter. Hindi ko maintindihan kung paanong hindi naramdaman nang kung sino man ang nagbabantay sakin kahapon, na may pumasok.

Mabuti at walang nakapansin na may binasa akong sulat. Kaya walang problema ng nauna ako umalis.

Dumiretso na lang ako sa unang klase ko dahil wala naman akong gana kumain. Pero nabigla ako dahil hinarang ako ni Ma'am Devon, ang teacher ko sa first subject.

"Good morning ma'am, may kailangan po kayo?"

"Pinapatawag ka sa Principal's Office, ngayon na." mag tatanong sana ako ng muli siyang nagsalita. "Hindi ko rin alam kung bakit, kaya exempted ka muna sa klase ko."

"A-ah ganun po ba? Sige po, mauuna na po ako." tumango lang siya at pumasok na sa room.

Yes! Me being exempted at Math class is the best thing ever!

Nawala ang ngiti ko nang tumigil na ako sa harap ng pintuan. Bigla akong kinabahan dahil iniisip ko kung bakit nga ba ako pinatawag. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pinihit ang doorknob.

Nakaupo lang si sir Darwin sa swivel chair ng kanyang desk, hawak ang ilang mga papel at binabasa. Tinignan niya lang ako at itinuro ang isa sa dalawang upuan na magkaharap sa unahan ng desk. Umupo agad ako at nilapag ang bagpack ko sa sahig.

"Please wait for a bit. May hinihintay pa tayong isang student." saad niya habang patuloy lang sa mga binabasa niya.

"Yes sir." tinignan ko siya saglit dahil ngayon ko lang siya nakita na naka salamin. I guess it's a reading eyeglasses.

Kinakabahan ako pero hindi ko pinapahalata, kaya sa laylayan ng palda ko na lang inilalabas ang kaba ko. Sino ba kasi yung hinihintay namin? Ang tagal naman niya.

Halos sampung minuto rin ang lumipas nang may kumatok. Dahan dahan ito bumukas at pumasok na yung kanina pa namin hinihintay. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na siya pala ang isa pang pinatawag.

"Have a sit Mr. Ambrose.

Umupo si Leo at yumuko ng bahagya. Kapansin pansin din maliit na band aid sa gilid ng kanyang noo. Sigurado ako na galing kay Lumina ang sugat na 'yon. Nakakapanibago dahil hindi siya nakangiti ngayon. Palangiti siya at may pagka loko loko, so this is different.

Niligpit muna ni sir Darwin ang mga nakakalat na papel sa mesa at inalis ang suot na salamin bago nag salita.

"I want to know what happened yesterday, starting from you Ms. Marin. Dahil ayon sa report na natanggap ko, ikaw ang napahamak." seryoso niyang tugon.

"Pero sir, napahamak din si Leo." nag aalinlangan kong tanong.

"Yes, I know that. But we'll hear him out after you told us your side."

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon