Chapter 8: LIFE TAKER

171 4 0
                                    

MIRAGE'S POV

"Anong nangyari Lumina? Anong ang hindi mo sinasadya?" kinalma niya muna ang sarili bago ako sinagot.

"Okay... Ganito ang nangyari..."

FLASHBACK

Naglalakad si Lumina papunta sa isang bakery dahil gusto niyang kumain ng pinakamasarap nitong tindang tinapay.

At dahil may oras pa naman ay naglibot libot na lang muna siya sa bayan.

Umupo siya sa isang bench para magpahinga ng konti at sabay tingin sa langit. Napaka aliwalas ng langit at maliwanag dahil sa dalawang full moon.

Muli siyang naglakad at dumiretso sa isang eskinita. Nang malapit na siya sa dulo ay may biglang lumitaw na dalawang lalaki. Napatigil sila ng makita si Lumina.

"Hi miss. Gabi na ah. Nandito ka parin sa labas? Tsk tsk tsk." sabi ng lalaking mataba ang katawan.

"Oo nga miss. Halika sama ka muna samin." sabi naman ng lalaking katamtaman ang katawan.

Habang unti unti silang lumalapit ay umaatras naman si Lumina.

Nang bigla niyang naramdamang hindi niya maigalaw ang buong katawan niya. Anong nangyari? Bakit hindi ako makagalaw?

"Magaling Fred." sabi nung mataba.

Ginamit ng Phoenix ang kanyang magic at yung Fred ay kusang gumalaw ang mga paa at iniuntog ang sarili sa pader.

Muling nakagalaw si Lumina ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya ay nasa daan niya ang matabang lalaki. At bigla itong lumitaw sa harap ng Phoenix at binato niya ito sa pader. Kasabay ng pagsalpok ng likod nito ay naramdaman ni Lumina ang sakit sa kanyang likuran.

Hinawakan niya sa anit si Lumina at hinila ito paangat.

"Alam mo kung ayaw mong masayang yang ganda mo, wag ka ng magpumiglas." sabay tulak kaya natumba siya sa semento. Amoy alak ang hininga ng lalaki.

"Please wag. Wag." yumuko ang lalaki at pinisil ang mukha ni Lumina gamit ang isang kamay. Inalis ito ni Lumina.

"Tama naaa!" kasabay ng kanyang sigaw ang pag bagsak ng lalaki at may nakitang puting ilaw sa dibdib nito. Tinignan ni Lumina ito sa mata at tuluyang lumabas ang puting ilaw kasabay ng pagka wala ng buhay ng lalaki.

"A-ahh. Hindi. Hindi 'to totoo. Hindi ako pumatay. No no no." sabay itinakip ang kamay sa mga mata.

Phoenix Academy: The Chase for Zodiacs (ZODIAC SERIES#1) (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon