Kabanata 8

213 16 2
                                    

#DSKabanata08


"BAKIT KASAMA MO si Jasper pabalik? Anong ginawa niya sa'yo?"

Hindi ko masagot si Claire agad sa tanong niya. Nandito kami ngayon sa canteen, kumakain dahil vacant time na namin. Nandito kami ngayon sa canteen dahil vacant namin at kumakain kami.

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya 'yung nangyari pero naisip ko, hindi ko pala kayang magbago 'yung tingin sa akin ni Claire. Siya lang ang nag-iisang kaibigan ko rito.

"May hiningi lang sa akin sa CFO. Sakto naman na nandoon sila Jasper, pinagagalitan sila pagdating ko e." Kunwaring may tinitignan ako sa quadrangle para hindi ako maguilty habang nakatingin sa mga mata ni Claire.

"Hindi na talaga sila nagbago. Kaya iniiwasan ko talaga 'yang mga 'yan e. Puro na lang sila gulo," naiiling na wika niya.

"Marami ka bang kaibigan dito, Claire?" Pag-iiba ko ng usapan. Nag-kibit balikat siya at uminom sa milk tea niya bago sumagot.

"Sakto lang. Hindi ko rin alam kung matatawag ko ba silang mga kaibigan ko e. Nakakausap, nakakatanguan ko sila, nagkikita kami pero alam mo 'yon, para pa rin may harang sa amin. Kaya, I don't consider them as my friends. Acquaintance, maybe?"

Napakunot ang noo ko. "Pwede ba 'yun?"

"Aba, oo 'no! Hindi naman lahat ng nakakausap mo kaibigan mo na agad. Dapat kilalanin mo muna!" Tumataas-taas ang kilay na sabi niya.

"Ako ba? Kaibigan mo ba ako?" Kuryosong tanong ko. Namula naman ang mukha niya at bahagyang natulala.

Nagtataka ko syang tinignan. Pumitik ako sa harap niya at kumaway. Napapikit-pikit siya nang makabawi.

"Ha? Ano 'yon?"

"Wala!" Natatawa kong sagot. "Kumain na nga lang tayo!"

Umismid lang siya at inubos na namin ang pagkain namin dahil unti-unti nang nawawala ang mga tao sa canteen. Dalawang subject na lang din naman kasi pagkatapos ng break time namin. Sabi ni Kuya Moodz, susunduin na lang daw niya ako mamaya. Maghihintay daw siya sa labas ng gate.

"Oo nga pala, bakit ka pinatawag sa CFO? 'Yung totoo?" biglang tanong niya. Napabuntong-hininga ako at bahagyang lumikot ang mga mata.

"Pababa kasi kahapon ako sa fire exit. Puno kasi 'yung elevator. Nagtaka ako bakit may umaaray tapos nakita ko na lang siya doon pati 'yung mga kaibigan niya," tugon ko habang nakatingin sa quadrangle. Ayokong tumingin sa kanya habang sinasabi ko 'yon dahil nagi-guilty ako.

"Hay nako. Nasangkot na naman siguro sila sa gulo o baka may binugbog na naman sila. Malas naman ng section natin, nasa atin si Jasper. Leader pa nila. Sirang-sira na tuloy image natin sa ibang section," nalukot ang mukha ni Claire habang sinasabi 'yon. "Buti na lang talaga Grade 12 na tayo. Panigurado naman hindi makakapag-college 'yan si Jasper."

Halos sabay kaming napabuntong-hininga at pareho na kami ngayong nakatingin lang sa quad.

"Tara na. Fifteen minutes na lang," pag-aaya niya matapos ang ilang minuto.

Sumunod ako kay Claire habang paakyat kami sa room. Pagkatapos ko kanina sa DFO, hindi ko sinulyapan si Jasper sa takot ko sa kanya. Hindi ko rin alam kasi kung ayos lang ba sa kanila ang sinabi ko sa officer.

Titig na titig din sa akin si Luther sa tatlong klase namin kanina. Naasiwa ako sa mga tingin niya.

Alam kong galit siya sa mga sinabi ko kagabi at alam kong mas magagalit siya ngayon dahil kasasabi lang niya na huwag ako dumikit kay Jasper.

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon