Kabanata 12

174 13 3
                                    

#DSKabanata12

TW: Rape, violence, suicide


TWO YEARS AGO . . .

Hilam na ang mata ko sa walang tigil kong pag-iyak kanina pa. Hindi ko naman ninakaw 'yung pera ng Tita ko. Si Brian ang nakita kong kumupit doon. Dapat pala sinumbong ko na siya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hawak ang kumakalam kong sikmura. Hindi ako binigyan ng pagkain buong araw at nasa labas lang ako ng bahay. Gutom na gutom na ako, ni tubig hindi ako makainom.

Pinilit kong tumayo at kasabay no'n ay ang pagbukas ng pinto sa likuran ng bahay nila Tita. Nagliwanag ang mukha ko at dahil doon—kahit nanghihina—nakatayo ako ng maayos. Mataman na nakatingin sa akin si Tito at tumango. Hindi na ako nag-dalawang isip pa at pumasok na ako sa bahay.

May nakahandang pagkain sa mesa. May gatas pang kasama. Nakakapanibago dahil hindi ganito ang normal na trato niya sa akin pero winaglit ko 'yon sa isipan ko. Siguro, naawa siya sa'kin. Agad akong naghugas ng kamay at nagsimula ng kumain. Tumabi sa akin si Tito at hinaplos-haplos niya ang buhok ko habang kumakain ako.

Bata pa lang, namulat na ako sa reyalidad na inabandona na ako ni Mama at Papa. Si Mama ay sumama sa ibang lalaki at nanirahan sa ibang bansa. Si Papa naman, hindi pinanagutan si Mama noong nabuntis niya 'to. Wala na sana akong pakialam kung nasaan sila, pero ayoko naman ng ganitong buhay.

Sa edad na sampung taon, palipat-lipat na ako ng tirahan. Pinagpapasa-pasahan.

Pangalawang kamag-anak ko pa lang naman 'to. Ang Tita ko sa side ni Papa, hindi ako tinanggap dahil aalis na rin siya papuntang South Korea. Natanggap siya doon bilang factory worker. Dito niya ako dinala.

Nakatatandang kapatid ni Papa si Tita Cora. May tatlo silang anak ni Tito Nedo. Kaya nilang buhayin ang tatlo ng sabay-sabay dahil malaki ang kinikita ni Tito sa business nilang babuyan at pagsu-supply ng bigas dito sa lugar nila. Dito na ako lumaki hanggang sa mag-disisais anyos na ako.

Unang linggo ko pa lang dito ay nakaranas na ako agad makakain ng normal. Tatlong beses sa isang araw kung pakainin ako rito. Minsan ay may meryenda pa o panghimagas. Para bayaran ang kabutihan na binigay nila sa akin, tumutulong ako sa babuyan o sa pagbubuhat ng mga bigas na kailangan ma-deliver. Walang sweldo. Sapat naman na sa akin na may tinitirhan ako at nakakakain ako.

Hindi ko nga lang kasundo ang mga anak nila. May sariling mundo ang panganay at bunsong kapatid. Bihira rin kami mag-usap. Ang pangalawang anak lang ang mainit ang dugo sa akin. Si Brian. Bukas siya sa pagpapakita kung gaano niya ka-ayaw sa akin at ito na nga ang simula no'n.

Kumupit siya ng isang libo sa pitaka ni Tita Cora. Napansin 'yon agad ni Tita at galit na galit na tinanong ang bawat isa rito sa amin. Bago pa 'man ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Brian. Dahil siya ang anak at wala naman akong pruweba, siya ang pinaniwalaan.

"Thank you po," mahinang usal ko kay Tito na mataman pa rin na nakatingin sa akin pagkatapos kong mag-hugas ng pinagkainan ko. Alam kong kahit siya ay hindi ako paniniwalaan pero gusto ko pa rin magpaliwanag at linisin ang pangalan ko.

"Tito, hindi po talaga ako kumupit sa pitaka ni Tita Cora," panimula ko. Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko sa kaba. "Nakita ko po si Brian na kumuha sa pitaka ni Tita nung naiwan niya po 'yung wallet niya sa sala," dagdag ko at yumuko.

"Alam ko. Kilala ko ang anak ko, Dale," tugon niya na ikinaangat ng ulo ko.

"Ta-Talaga po?"

"Oo. Huwag kang mag-alala at kakausapin ko ang Tita mo bukas," nakangiting sambit niya at tumayo na. "Halika na. Magpahinga ka na sa kwarto mo."

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon