Kabanata 24

172 11 0
                                    

#DSKabanata24


TAHIMIK ANG BUONG kwarto namin habang nakaupo ako sa kama ko. Nasa loob ang adviser namin, Character Formation Officer, class president, at si Luther na tahimik sa tabi ko.

May kausap si Sir sa cellphone kanina pa at pabalik-balik siyang naglalakad sa harap namin. Mariin namang nakatitig ang CFO namin sa akin. Yumuko ako ulit at bahagyang sinulayapan si Luther na tahimik pa rin pero nakatitig sa akin.

Hindi ko mabasa o makita ang anumang emosyon sa mukha niya. Diretso lang siyang nakatingin. Hindi ako makapagsalita dahil nahihiya ako sa kanilang lahat. Nandidiri sa sarili ko at nawawasak na ang puso ko dahil alam kong hindi ko na makikita sila Luther ulit matapos nito. Panigurado palalayasin na nila ako.

Baka makulong pa nga ako.

"Claude, papunta na rito ang mga guardian mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo. I'm sorry pero need ka namin i-pull out dito sa retreat dahil sa issue na 'to. This is a grave offense, you know that. Right?" wika ng adviser namin. Tumango ako at pinunasan ang tumulong luha mula sa mata ko.

Nakakaasiwa ang mga titig nila habang nag-aayos ako ng gamit. Parang malulusaw ako. Ramdam na ramdam ko ang mga mata nilang nakatutok sa akin.

Binitbit ko ang bag ko matapos kong pag-ayos at nahigit ko ang hininga ko nang makita ko si Luther na bitbit din ang bag niya at nakatayo na.

"Sa lobby na lang kayo maghintay," sambit ng CFO namin.

Isa-isa na silang nagsilabasan ng pinto at nahuli ang presidente ng klase namin. Marahan siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya 'yon at ngumiti sa akin bago niya akong masuyong niyakap.

"I believe in you, Claude," bulong niya at umalis na rin.

Nanatiling tikom ang bibig ko at naglakad na rin papunta sa pinto ng bigla kong naramdaman ang dalawang braso ni Luther na pumulupot sa bewang ko. Napasinghap ako nang maramdaman ang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Nagpatak siya ng marahang halik doon at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"No matter what happens, I'm here. I'm staying. I am not going anywhere this time, Luther."

Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa mata ko at kumalas sa hawak niya bago siya hinarap. Ngumiti ako nang malawak para hindi siya mag-alala sa akin.

"Okay lang naman ako, Luther!" nanginig ng bahagya ang boses ko nang banggitin ko ang pangalan niya. "Magiging okay ako!"

Nagtungo na rin kaming dalawa sa lobby ni Luther at doon na naghintay. Napag-alaman namin na kinuha na pala ng mga advisers ang mga gadgets ng mga estudyante. Dapat daw pagdating pa lang nila, kinuha na nila. Kaya lang hinayaan muna sa mga estudyante para gamitin at i-enjoy bago nila kunin.

Isang oras lang kaming naghintay at dumating na sila Tita Gianna. Kasama nila si Kuya Moodz. Sumakay kami sa sasakyan na dala nila Tita habang si Kuya Moodz naman ang nag-drive ng sasakyan ni Luther pauwi.

"Luther, tumabi ka sa daddy mo," utos ni tita. Akmang aapila pa si Luther pero umupo na si Tita Gianna kaagad sa passenger seat. Napapalunok ko siyang tinabihan doon at umalis na rin kami.

Walang nagsasalita sa amin pero hindi inaalis ni Luther ang tingin niya sa akin pati sa mommy niya. Nakayuko lang din ako at sinusubukang huwag gumawa ng kahit anong ingay. Napasinghap ako dahil sa pagbalot sa buong katawan ko ng isang malamyos at mainit na yakap.

Naluluha kong tinignan si Tita na tahimik lang na hinahaplos ang likod ko. Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang sa naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko.

"Tita . . .?"

"You're okay, Claude. You're okay. You're okay . . ." paulit-ulit niyang bulong.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong sumuko. Iniyak ko lahat ng pagod, sakit, hiya at takot ko.

Pagod na ako sa lahat. Bakit ba ayaw akong lubayan ng mga problema? Gusto ko lang naman magkaroon ng normal na buhay. Kahit hindi na ako mayaman. Basta nakakakain lang ako at may matitirahan, ayos na ako. Hindi ko naman hiniling na maging ganito ang buhay ko pero bakit ang ganitong kapalaran ang paulit-ulit na ibinibigay sa akin.

"Sorry po," bulong ko pabalik habang umiiyak.

"Shhh," pag-aalo pa niya sa akin.

Kabaliktaran sa inaasahan kong reaksyon nila ang nakuha ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa galit at disappointment nila sa akin pero wala akong natanggap na ganoon kahit isa.

Sa sobrang pag-iyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako na pinapark na ni Tito Philip ang sasakyan nila sa garahe ng bahay. Pinakuha na lang nila kay Manang at kay Ate Karen ang mga gamit namin habang kaming apat ay dumiretso sa office nila Tita dito sa bahay.

"Claude, why didn't you tell us?" naiiyak na naman na turan ni Tita.

"I'm sorry po. Nahihiya na po kasi ako sa sarili ko. At saka . . . natatakot po ako sa inyo—"

"No. Why didn't you tell us na kilala mo at sumasama ka kay Jolo?" tanong niya na ikinataka ko. "He didn't make you do things, right?"

Napaawang ang labi ko dahil doon. "A-Ano pong ibig niyong sabihin?"

Hindi siya sumagot pero nakatingin silang dalawa kay Luther na tahimik lang na nakaupo sa isang tabi. Diretso lang ang tingin niya sa sahig.

"He sexually harassed me before, too."

"Ano?" gulat kong tanong.

"He just stepped away when I showed him that I recorded him while he was saying those nasty words to me. I found him suspicious when we first met and how he's acting towards me, that's why I did that. And I'm not wrong."

"Ayaw ni Luther na palakihin pa 'yon kahit anong pilit namin sa kanya na magsampa ng kaso. Pakiramdam din kasi namin, hindi kami mananalo kung ipagpapatuloy namin 'yon. Lalo na, apo siya ng isang senador at anak ng isang konsehal. Mayaman kami, Claude. Pero alam namin na mas iba pa rin ang kapangyarihan ng may posisyon."

"Kaya nanahimik na lang kami. Noon," mariing ani ni Tito Philip. "Pero ngayon hindi namin palalampasin ang ginawa niya na 'to sa'yo."

"Pero paano po? Paano po kung ginusto ko rin na gawin 'yon?"

Natigilan at natahimik sila sa tanong ko na 'yon. Wala sa akin ang video. Na kay Jolo 'yon. Anong ilalaban ko? Lalo na kung kita ako doon na nakikipaghalikan talaga sa kanya habang nakapatong siya sa akin.

"Ginusto mo ba?" balik na tanong ni Luther.

Napangiti ako ng mapait bago sumagot. "Hindi ko rin alam," napapailing na sagot ko. "Wala akong matandaan sa gabing 'yon."

"What, Claude—"

Naputol ang sasabihin ni Tito Philip dahil biglang pumasok si Manang.

"Claude. May mga kaklase ka rito. Kanina pa sila nagpupumilit pumasok. May dala pang mga bodyguard 'yung isa kaya hindi ko mapigilan," nakangiwing sabi ni Manang.

"Si Claire?" wala sa sariling bulalas ko. Sakto at lumabas sa likod ng pinto si Claire. Nakatayo rin sa likod niya si Jasper.

"Anong ginagawa niyo rito? Nasa Bataan kayo dapat 'di ba?" nagtatakang tanong ko.

"Uhh . . . Claude." Halata sa mukha ni Claire ang kaba.

"I'm here to help," singit ni Jasper na mukhang naiinis na sa tagal ni Claire. "I have some proofs that could bring Jolo behind the bars."

Narinig kong may umismid sa likod nila at nakita ko roon si Lucas na masama ang tingin kay Jasper.

"I'm the one who posted the video."

Lumipad lahat ng titig namin kay Claire na naiiyak habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

"And I'm here to make it right."

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon