Kabanata 23

155 7 0
                                    

#DSKabanata23


GUSTO KO PA tanungin sana si Luther kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niya kanina pero natulog na siya.

Hindi naman ako makatulog kaya lumabas muna ako. Sakto naman dahil naabutan ko ang president namin at ang mga kaklase namin na may sineset-up na tent sa baba at nagde-design ng isang corner sa function hall. Wala naman akong ginagawa kaya tumulong ako sa kanila.

"Claire," tinabihan ko siya na inaabot ang crepe paper sa secretary ng klase.

"What, Claude?" matabang na tugon niya.

"Pwede ba tayo mag-usap?" rinig sa boses ko ang pagmamakaawa sa kanya. Nakita kong napalingon ng bahagya sa amin ang mga kasama namin. Narinig ko ang buntong hininga ni Claire bago inabot sa isang kaklase namin ang hawak niya.

"Sige."

Sinundan ko siya hanggang makalabas kami ng function hall. Sa garden ng retreat house kami pumunta at umupo. Binalot kami ng katahimikan ng ilang minuto. Walang nagsasalita. Tanging paghinga lang namin ang naririnig at ang pag-agos ng maliit na falls dito.

"Sorry."

Ako na ang bumasag sa katahimikan. Alam ko naman kung ano ang kasalanan ko at kung ano ang nagawa ko kaya humingi na ako ng tawad.

"I just don't get it, Claude," mahinang usal niya. "Okay lang naman sa akin kung magkaroon ka ng ibang kaibigan bukod sa akin. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan kalimutan mo ako."

Hindi ako agad nakaimik. Tamang-tama sa akin 'yung sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako ng marinig ko na siyang humikbi.

"Alam mo naman na ikaw lang ang naging tunay kong kaibigan 'di ba? Of all the people I expected to do this to me, you were not in the list. Kasi kilala kita e. I know and I can feel that you also treasure friendship. Loyal ka nga e. Loyal ka nga kay Jasper. Lagi kayong magkasama. Nakakatampo pero wala naman akong magagawa kung sa kanila mo gustong sumama e," sabi niya sa pagitan ng mga hikbi niya.

Pinakinggan ko lang siya at hindi ako sumingit para mag-explain habang nagsasalita siya. Gusto ko siyang yakapin kaso alam kong hindi niya tatanggapin ang pag-aalo. Lalo na kung galing sa akin.

"Claire . . . alam ko na kung ano 'man ang lalabas sa bibig ko ngayon ay magiging excuse lang. Pero gusto kong magpakatotoo sa'yo ngayon," ani ko. "Sinabi ko naman sa'yo na kila Luther ako nakatira 'di ba? Pinapaaral nila ako? Sa totoo lang, aksidente ko lang naman silang nakilala e."

Sinilip ko siya at diretso pa rin ang tingin niya. Maliit akong ngumiti at pinagsalikop ang dalawang kamay ko. Sumandal muna ako sa bench at huminga ng malalim. Tila iniipon ko ang lakas ko bago ko sabihin ang lahat sa kanya.

"I was assaulted when Luther met me." Narinig ko siyang suminghap at mabilis na pinaling ang ulo sa direksyon ko. "Not only harassed. I was raped."

Bahagyang nanginig ang boses ko sa huling salitang binitawan ko. Awtomatikong nangilid ang luha ko at nagbabadya na agad 'yon tumulo. Tumingala ako at bumuga ng hangin bago ulit nagpatuloy.

"Bago pa 'yon, nangyari na rin 'yon sa akin noong nasa poder pa ako ng tiyahin ko. I was sexually harassed and assaulted by my uncle. Kaya lumayas ako. Nagpalaboy-laboy at namuhay sa kalsada. Nagbebenta ako ng kung ano-ano sa isang araw para lang may mapang-kain ako. Mabait naman ako kahit na pulubi ako noon. Wala naman akong binanggang tao."

My voice cracked. I broke down. Walang pasubaling tumulo ang mga luha ko pero pilit kong sinupil ang mga hikbi ko.

"Kaya ang hindi ko maintindihan . . . bakit? Bakit ako?" nanginig ang labi ko. "Gusto ko na lang mawala. Maglaho. Matuluyan nung iniwan nila ako sa gilid ng kalsada."

"Claude . . ."

Ngumiti ako. "Pero nagpapasalamat din ako na binalikan ako nila Luther noon. Nagkaroon ako ng bagong buhay. Tila bagong pagkatao. Bagong kapalaran. Pero hindi ibig sabihin no'n ay nawala na sa sistema ko ang nangyari sa akin noon."

"Last month, nahanap ako ng tito ko. Pinuntahan niya ako sa bahay nila Luther. Nagiging okay na ako e. Umaayos na ako kahit konti pero nakita ko lang siya at ang nakakadiri niyang ngiti, bumalik lahat ng nangyari sa akin na parang kahapon lang 'yon naganap. Gusto ko lang naman mawala 'yung sakit at ang mga alaala sa isip ko kahit saglit lang. Kaya pumunta ako sa party na nakita mo." Doon ko tinignan si Claire. Nakaawang ang mga labi niya at may bakas na rin ng nagbabadyang luha sa sulok ng mga mata niya.

"Kaya lang, mas lalong lumala e." Natawa ako ng mahina. "Sorry, Claire ha? Sa gusto kong makalimot, nakalimutan ko na may mga tao na palang nagmamahal at nag-aalala sa akin. Na may kaibigan pala ako. Na nandiyan ka pala."

Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang pisngi ko gamit ang likod ng palad ko. Pabuka-buka ang bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero wala namang namumutawi na kahit anong tunog sa bibig niya.

"I admit. Nakalimutan kong nandiyan ka pala. Nasanay kasi ako na ikaw mismo ang lumalapit sa akin. Kaya noong hindi mo na ako nilapitan, akala ko busy ka lang—"

"I'm sorry." Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka nagso-sorry?" natatawang wika ko. "Ako nga ang dapat mag-sorry, Claire."

"No. You don't understand," mahinang usal niya. "Hindi ko alam, Claude. Sorry."

Nagsimula na siyang umiyak kaya agad ko siyang niyakap at inalo siya. Hindi naman siya pumalag at umiyak lang siya nang umiyak sa balikat ko.

"Claude! Nandito ka pala!"

Nabigla ako sa humihingal na Lucas na lumabas sa harap ko. Nakatukod ang magkabilang kamay niya sa tuhod niya dahil sa pagod.

"Bakit hinihingal ka?" humalakhak ako.

"Claude . . . you have to see this," seryosong aniya at inabot sa akin ang cellphone niya.

Muntik ko nang mabitawan ang cellphone niya nang makita kung ano ang nandoon.

It was my video with Jolo while we're kissing in his bed.


Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon