Kabanata 25

248 16 1
                                    

#DSKabanata25


"ANONG SINABI MO, Claire?"

Napatayo si Luther sa kinauupuan niya at nilapitan si Claire. Napaatras naman ang huli sa ginawa niya pero humarang na agad ang mga bodyguard ni Claire bago pa 'man makalapit si Luther.

"S-Sorry! Nadala ako ng galit at tampo ko!" wika niya at yumuko sa harap namin lahat. Nanatili siya sa ganoong posisyon habang ako ay natigalgal sa mga isiniwalat niya sa amin. Pero isa lang ang nasa isip ko. Paano niya nakita 'yung video? E na kay Jolo 'yon?

"Claire . . ." mahinang usal ko na narinig niya pa rin dahil nag-angat siya ng tingin sa akin habang umiiyak na. "Paano mo nakuha 'yon kay Jolo?"

Napasinghap siya at halatang natigilan sa tanong ko. Pumikit siya at yumuko ulit sabay sigaw. "Jolo is my older brother!"

"A-Ano?"

Pakiramdam ko pinagtataksilan ako ng sarili kong pandinig. Kapatid niya si Jolo? Kaya ba siya may bodyguard dahil sa lola nila at papa nila? Ngayon ko lang napapagtagpi-tagpi ang lahat.

Kung bakit wala siyang gaanong close sa school, kung bakit palaging may nakasunod sa kanyang bodyguard, kung bakit minsan ingat sa kanya ang mga teacher namin, at kung paano niya nalaman na nandoon ako sa party na 'yon dahil nandoon din ang kuya niya.

"I was so mad at Claude for being left out. Bigla na lang niya akong hindi pinansin at hindi na niya ako kinakausap. Palaging si Luther o kaya si Jasper ang kasama niya. Kapag niyayaya ko naman siya ng saglit na gala lang, palagi siyang busy. Hirap na rin akong i-contact siya. Tapos kapag nakikita ko siya, parang wala lang 'yon sa kanya. Parang wala na siyang pakialam sa akin."

"Then two weeks ago, I went out from our theater room to get some more ice cream and chips when I saw Claude coming out of my brother's room. Nakatulala lang siya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaalis siya pero walang nagbago sa reaksyon niya. That time, hindi ko ininda 'yon dahil mas nangingibabaw 'yung inis ko. Binalak kong kumprontahin si Kuya Jolo after ko manood ng movie. But when I reached his room, he wasn't there. Pero nakabukas ang laptop niya and what I saw there is something I didn't expect to witness. Lalo na at kasama doon si Claude. I watched the video pero pinatay ko kaagad. I saved a copy on my phone and on my laptop," kwento ni Claire.

"Na sa'yo ba 'yung video ngayon?" tanong ko.

"Yes," tugon niya.

"Can I . . . borrow your phone?"

"Sure," aniya at inabot sa akin ang cellphone niya.

Binuksan ko 'yon at muling pinanood. Tahimik lang silang lahat habang nakikinig at pinanonood ang reaksyon ko.

Tumulo muli ang luha ko habang pinanonood ko ang sarili kong nakikipaghalikan sa kanya. Then two minutes later, I passed out. Pero patuloy lang si Jolo sa paghalik sa akin. Tinanggal na rin niya ang pullover ko. Doon ako nagising, may sinasabi ako pero hindi gaanong maintindihan pero tinutulak ko si Jolo paalis sa akin.

"Alis," malakas na wika ko na rinig na rinig ngayon sa video pero hindi siya tumigil.

Paulit-ulit ko lang na sinasabi ang alis pero dahil lasing na lasing ako, hindi ko siya magawang maitulak.

Kasabay ng pagnood ko, isa-isang bumalik sa alaala ko ang nangyari ng gabing 'yon.

"Hindi . . ." mahinang usal ko. "Tangina. Naulit na naman," nanghihinang bulong ko at humikbi.

Sumama ako ng kusa sa kanya noong una pero bigla kong naalala sila Tita Gianna na nag-aalala sa akin ng gabing 'yon. Alam kong hinihintay nila akong makauwi kaya sinubukan kong makaalis. Pero hindi tumigil si Jolo.

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon