Kabanata 3

278 20 4
                                    

#DSKabanata3

HINAHANDA KO NA ang sarili ko sa mga mapanuring tingin ng mga katulong nila noon at ang mga tanong nila kung sino ako pero ni isa ay wala akong natanggap sa kanila. Ngiti, pangangamusta at pag-aasikaso ang ibinigay nila sa akin.

Kahit na pilit kong kinakalimutan ang mga nangyari sa akin ay paulit-ulit lang silang bumabalik sa isipan. Pero kumpara noon, hindi na grabe ang nararamdaman ko kapag naalala ko ang mga 'yon.

Nagpapasalamat ako sa mga tulong ni Luther nang nakaraang buwan dahil unti-unti, nababawasan ang takot ko sa nakaraan.

"Claude."

Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko ng marinig ko ang malamyos na tinig na 'yon. Mabilis kong binuksan ang pinto ko at sinalubong agad ng ngiti si Tita.

Kahit na sinabi nila sa akin noon na tawagin ko na silang Mom at Dad o kaya Mama at Papa, hindi ko pa rin magawa. Naiilang pa rin ako.

Magda-dalawang buwan pa lang naman ako rito sa kanila.

"Good morning po," nakangiting bungad ko sa kanya.

"Good morning. Let's eat breakfast na?" Aya niya. Tango ang sinagot ko sa kanya at sabay na kaming bumaba sa dining room.

Nandoon na si Tito Philip na nanonood ng tv habang nagkakape. Binigyan niya ako ng malawak na ngiti nang makita ako na sinuklian ko naman.

Mahirap na pagpipigil at pagtitiis ko nang nakaraang buwan para masanay sa presensya ni Tito Philip at Kuya Moodz.

Nang makasanayan ko naman ay unti-unti, nabawasan ang takot ko sa mga lalaki. Lalo na kung nararamdaman ko naman na hindi nila ako gagawan ng masama.

"Manang," tawag ni Tita Gianna kay Manang Carmen, "where's Luther?"

"Ay ma'am! Maagang umalis! Basketball lang daw sila ni Lucas tapos maghahanap raw ng mga computer parts niya."

Tita Gianna looked at me with worried eyes but she still managed to give me a smile. She held out her hand and held mine. "Claude, are you okay to be here alone? May aasikasuhin kasi kami ni Tito Philip mo sa office e."

"Okay lang po, Tita, Magre-review na lang po ako para sa placement test ko next week," tugon ko.

Na-enroll na nila ako kahapon sa school na pinapasukan din ni Luther. After two weeks of convincing me to go back to school, I finally said yes to them.

Wala nga lang akong records na maibigay sa kanila, kaya ang napagdesisyunan ng school ay bigyan ako ng exam para ma-determine nila kung hanggang saan na ba ang alam ko at kung anong grade ako dapat na ilagay.

"Sige. Ewan ko ba kasi sa batang 'yon! Nabigyan lang namin ng kotse, lagi na wala dati. I told him to tour you around here sa Manila para pwede ka umalis mag-isa at makagala ka ng hindi ka naliligaw," naiiling na wika niya habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

Tahimik lang akong nagsimulang kumain. Simula nung dumating ako rito, akala ko magtatagal ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Naging matalik na kaibigan ko na siya at malapit na siya sa akin.

Pero matapos na maging gumanda nang kaunti ang pakiramdam ko at masigurado na hindi na ako nanginginig sa mga ibang tao hindi niya ako kinausap kahit isang beses.

Ni hindi kami nagkakatagpo tuwing gigising ako. Kapag buong araw akong nasa sala nag-aaral, buong araw din siya sa kwarto niya o kaya aalis siya ng bahay.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko pero ramdam na ramdam ko na iniiwasan niya ako.

Kaya hindi ko na lang din siya kinulit at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya.

Hindi naman na bago sa akin na inaayawan ako. Kahit ang pamilya ko at mga kamag-anak ko ay pinagpapasa-pasahan lang ako na parang isang lumang gamit kapag ayaw na nila sa akin.

Pero iba ang sakit na nararamdaman ko sa ginagawang pag-iwas sa akin ni Luther. Para ko na siyang kapatid e.

"Claude, hijo, sabihin mo lang sa akin kapag nagugutom ka na ha?" Sabi ni Manang Carmen habang pinanonood namin ang pag-alis ng sasakyan ni Tito Philip at Tita Gianna.

"Oo, Claude! Huwag ka mahiya sa amin!" Dagdag ni Ate Karen.

"Kung gusto mo lumabas, ililibot kita. May isa pa namang sasakyan," sambit ni Kuya Moodz.

"Sige po. Salamat po," balik ko sa kanila at nauna nang pumasok sa loob.

Umakyat na ako ulit sa kwarto na tinutuluyan ko at nagsimula na akong magbasa-basa sa mga textbook na binili sa akin nila Tita. Nagsusulat ako sa notebook ko ng mga key points at nagtatype sa laptop ng mga notes.

Kasabay ng pag-enroll ko ay binilhan nila ako ng mga gamit na makakatulong sa pag-aaral ko. Sobra-sobra na ang nabigay nila sa akin na mga gadgets pero nagulat ako ng bilhan pa ako ng mga game consoles ni Tito Philip.

Ilang oras ang lumipas at hindi ko namalayan na lagpas na pala ng tanghalian. Bitbit ang laptop at ang calculus na librong inaaral ko, kumuha ako ng pagkain sa kusina na niluto nila Manang para sa akin at dinala 'yon sa sala.

Habang kumakain ay hindi ako tumigil kakaaral. Interesadong-interesado ako sa subject na 'to dahil Mathematics. Dahil palipat-lipat ako ng bahay, kamag-anak at lugar, paiba-iba rin ako ng pinapasukan na paaralan dati.

Kaya paiba-iba rin ang turo na nalalaman at napapanood ko. Sa lahat ng subject ay Math lang ang hindi nagbabago, kaya ito ang naging paborito ko sa lahat.

Integrate... Derivative—

Mabilis akong napalingon sa pinto ng bumukas 'yon at ngumiti sa pag-aakalang sila Tita Gianna 'yon pero unti-unting bumagsak ang ngiti ko nang makita si Luther sa pinto. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at tumayo.

"Lo-Long time no see," nauutal na bati ko sa kanya.

Nahiya ako bigla sa sinabi ko pero hindi rin naman siya nagbigay ng kahit anong reaksyon at umiwas lang ng tingin. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang may bitbit na mga kahon.

"N-Nag-tanghalian ka na? Kain tayo!" dagdag ko.

"I already ate with my friend."

"Ah, gano'n ba?" Nahihiyang sambit ko. Nagsimula na ulit siya sa paglakad pero nagtanong ako ulit. "Ano 'yang dala mo?"

"Computer parts."

"Pwede manood kapag ginawa mo na?"

"Pwede bang huwag kang maraming tanong?" Inis na sabi niya at nilingon ako. "Just mind your own business."

Naiwan ang bibig kong nakaawang habang mabilis siyang umakyat sa kwarto niya at malakas na ibinalibag pasara ang pinto.

"Si Luther ba 'yung dumating?" Tanong ni Manang Carmen na mukhang galing sa labas.

Pilit akong ngumiti at tumango, "Opo."

"Sabi na nga ba. Mukhang narinig ko 'yung sasakyan niyang dumating mula sa likod," nakatawang sabi niya. "Sige. Magpatuloy ka lang diyan," nakangiting dagdag niya bago umalis.

Pagsara ng pinto ay napahawak ako sa dibdib ko ng sumikip 'yon. Hindi ko alam kung bakit naluluha ako sa mga binitawan niyang salita at sa pakikitungo niya sa akin. Malakas akong napabuntong-hininga.

Iba na si Luther.

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon