Kabanata 10

209 16 1
                                    

#DSKabanata10


MASAKIT ANG ULO ko nang magising ako. Hindi ko maiangat ang braso ko o makaupo 'man lang sa sakit ng katawan ko. Para akong binugbog at pinupukpok ng martilyo ang ulo ko. Pumupungas-pungas pa ang mga mata ko habang kinakapa ko ang cellphone ko pero mabilis akong napadilat dahil hindi ko nakapa ang bedside table ko.

Napabangon ako kaagad dahil hindi ko alam kung nasaang kwarto ako. Shit.

Nakauwi naman ako kagabi ah? Alam ko kausap ko pa si Luther. Teka. . .

Nilingon ko ang gilid ko pero wala siya roon. Muntik akong mapahiga ulit dahil sa hilo nang bumangon ako bigla. Sakto naman na pagtayo ko ay bumukas ang pinto ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Manang Carmen. Napaupo ako sa kama dahil kanina pa umiikot ang paningin ko. Napasapo ako sa noo ko nang kumirot na naman 'yon.

"Bakit ka ba nakatayo? Kanina ka pa nilalagnat, mahiga ka muna," wika ni Manang at nilapag ang hawak niyang tray sa gilid.

"Lipat na lang po ako sa kwarto ko," tugon ko at pinilit ang sariling tumayo. Inalalayan niya ako na makalipat at kinumutan pa pagkahiga ko sa kama sa kwarto ko.

Buong araw akong nasa kwarto lang at hindi lumalabas doon. Nanlalambot ang buong katawan ko at halos hindi ko pa mahawakan ng maayos ang kutsara kapag kumakain ako.

I don't know if this is what they call hangover and if this is it, ayoko nang uminom ulit.

Hindi naman nagtanong si Manang kung bakit ako nagkasakit ngayon. Siguro hindi rin nila napansin ang pag-alis at pagbalik ko kahapon.

Inabot ko ang laptop ko at pinilit ang sarili na umupo at sumandal sa kama ko.

Bumungad sa akin ang mga message ni Claire sa Facebook ko.

Claire: Okay ka na ba, Claude? Pagaling ka ha? See you next week!

Claire: Btw, kinausap ako ni Luther! Tinatanong niya kung saan daw ba tayo pumunta kahapon? Hindi naman tayo magkasama kahapon ah?

Nataranta ako sa huling message niya at mabilis na nag-type ng sagot.

Claude: Sorry. Hindi ko sinasadyang gamitin ang pangalan mo, Claire. May pinuntahan lang kasi ako kahapon at ayoko silang mag-alala na mag-isa lang ako aalis kaya dinahilan kita.

Claude: Sinagot mo ba si Luther?

Hindi inabot ng ilang segundo si Claire sa pag-reply dahil vacant namin ngayong oras na 'to.

Claire: Hindi! Kinabahan din kasi ako na kinausap niya ako kaya hindi agad ako nakasagot! E, nung sasagot na ako, bigla naman niyang sinabi na nevermind kaya ayo'n.

Claude: Hayyy, buti naman.

Claire: Close pala kayo ni Luther? Kailan pa?

Si Claire naman 'to kaya sasabihin ko na. Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko siya.

Claude: Magkasama kami sa iisang bahay. Pinapaaral ako ng mga magulang niya.

Claire: WOW! MAGKASAMA KAYO NI LUTHER SA IISANG BAHAY?!

Claude: Oo. Huwag mo pagkalat, Claire ha! Ayoko sana kasing sabihin 'to sa iba pero kaibigan naman kita.

Claire: Oo naman! Ako pa ba?

Claude: Salamat, Claire! Sige. Magpapahinga na muna ako, baka mahuli ako ni Manang e. Kanina pa niya ako pinagagalitan kapag gumagamit ako ng gadget.

Claire: Tama lang naman si Manang! Kung ako rin nagbabantay sa'yo, tinago ko 'yan lahat!

Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon