Wakas

347 16 1
                                    

FULL VERSION OF WAKAS IS AVAILABLE ON THE PHYSICAL BOOK OF DEAFENING SOLITUDE.

Thank you for coming this far on my story! I hope this story left you a lesson and mark in your life. See you in my other stories! Lovelots!


#DSWakas


"CONGRATULATIONS AGAIN, DALEN!" Micha exclaimed as we shared a toast.

Nagtawanan kami pagbaba namin ng baso namin. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko sa isang pub sa London. Kasisimula pa lang naming uminom kaya dire-diretso pa ang pagtungga namin. Mataas naman ang tolerance ko sa alak kaya ayos lang.

Noong nakarating ako rito, wala akong alam sa lahat bukod sa apartment na mayroon ako, ang pocket money ko mula sa scholarship foundation na kumuha sa akin, admission letter ko at ang ilang mga gamit ko.

Heaven sent talaga na nakilala ko si Micha, ang kapatid niya at ang mga kaibigan nila.

At first, it was difficult associating myself with them. Lalo na sa kuya ni Micha. My fear for men came back but this time, it was a bit tolerable. Hirap din ako noon dahil sa trust issues ko sa mga tao. But they never left kahit na hindi ko sila kinikibo at minsan ay nasusungitan pa.

Two years. It took two years for me to open up to them. Swerte nga ako na mga Pilipino rin pala sila. Alam nila ang lahat ng nangyari sa akin. Nakakatawa ng ana simula noong malaman nila 'yon, tinuring nila akong baby.

Alagang-alaga. Protektang-protekta.

Hindi ko alam na may iba palang tao na kayang gumawa noon sa akin.

They taught me a lot of things that I've never experienced before at hindi ko alam na kaya ko palang gawin.

"So, ngayong graduate ka na pati Masters mo, uuwi ka na sa Pilipinas?" tanong ni Michael, kuya ni Micha.

Nagkibit-balikat ako at napa-buntonghininga. "Ewan. Siguro."

"Don't you miss him?" Micha asked while her eyes are half-closed.

"Who?" pagmamaang-maangan ko.

"Luther," Michael smirked.

Natigilan ako. It's been years since I last heard of his name. I tried so hard to forget him. The people I left in the Philippines.

Alam ko kasi na hindi ko kakayanin na magpatuloy dito hanggang patuloy ko silang mamimiss. Kaya ginusto ko silang kalimutan.

"Namimiss . . ." mahinang usal ko.

"You don't have to be afraid of that fucking guy, Dalen. Nakakulong na siya. Twenty years 'di ba?" irap ni Micha.

"Still—"

"Hindi kailangang tumigil ang buhay mo dahil lang sa lalaking 'yon. Show him that you made it! Show everyone na despite of what happened to you, kinaya mo!"

Ngumiti ako sa kanya. Humalakhak si Michael dahil lumabas na naman ang init ng ulo ni Micha. We raise our glasses before taking a shot.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at tinignan ang wallpaper ko. I smiled as my eyes got teary. It was our graduation picture. Luther, Tita Gianna, Tito Philip and I.

We looked like a real family here.

Pero kinabukasan nito, alis ko na agad papunta rito sa London. I only left them a letter. Simula noon, pinutol ko na lahat ng contact ko sa kanila.

"Dalen."

Naputol ang iniisip ko ng tawagin ako ni Micha. Nakangiti siya sa akin. Mukhang excited. Parehas sila ni Michael. Nagtuturuan pa sila sa kung anong gagawin nila.

"This is our congratulatory gift for you," aniya at iniabot sa akin ang isang envelope.

Napanganga ako at awtomatikong tumulo ang luha ko nang makita ang laman no'n. A one-way ticket to the Philippines.

"Bakit one-way?" pabulong na tanong ko.

"Wala rito ang buhay mo," Michael answered. "Nasa Pilipinas. At saka, uuwi na rin kami doon next year."

"I can't accept this," wika ko at akmang ibabalik sa kanila ang envelope pero pinanlakihan lang ako ni Micha ng mata.

"You can and you will. Naka-impake na rin ang damit mo. Nakaayos na lahat. All you need to do is ride the plane and go home to your family."

"Ano?!" gulat kong tanong. Nagtawanan sila at nag-apir pa. Tinignan ni Michael ang relong pambisig niya bago ako nilingon.

"And your flight leaves in four hours. Tara na!"

Hindi ako naka-react nang bigla nila akong hilain at isakay sa kotse. Nasa passenger seat na pala ang mga gamit kong nakaayos. Lahat na yata ng gamit ko 'to dahil 'yung pinakamalaking maleta ko ang nandito.

"How long did you two planned this?"

"Before your graduation."

"That long?"

"Yup!"

Pagdating namin sa airport, tinulungan nila ako sa pag-check in ng mga gamit ko at naghanap ng upuan habang naghihintay sa flight.

"See you next year then?" nakatawang ani ni Micha.

"See you," kinakabahang tugon ko.

"Flight C-348 to the Philippines, you may board now to your assigned gate. I repeat, flight C-348 to the Philippines, you may board now to your assigned gate."

Tinignan ko silangdalawa bago kumaway at nag-board.








Deafening Solitude [Defiant Youth Series #9]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon