Chapter 1

3.7K 119 9
                                    

Thank you Park Chanyeol for giving me a motivation. #CallMeBaby <3

Thank you @capricornangel for the LATE cover pic. Joke!

Thank you forgetters for the support! Waiters na daw tayo ngayon xD

***

Chapter 1

Present time. (Two years later)

 

Pink’s POV

 

“Ikaw na lang ang single sa inyong magkakaibigan. Ang kuya mo magpapakasal na, yung iba mong mga kaibigan may lovelife na at ikaw Ms. Ramirez? Ano single na forever ang drama mo? Ayaw mo bang tanungin si Dion kung mahal ka na niya o ano?” punong-puno ng katarayan na sabi sa akin ni Sharlot, yung mataray kong pinsan.

I sighed exasperatedly. Tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng kilay.

“Alam mo-” hindi pa man ako halos nagsasalita ay muli na namang bumuka ang bibig niya.

“At kailan ka ba maghahanap ng trabaho ulit? Hindi naman pwedeng tumambay ka na lang dito sa bahay ng matagal? Ewan ko ba sa’yo kung bakit ka nag-resign doon sa dati mong travel agency” panenermon niya.

Ibinaba ko yung binabasa kong libro at tumayo.

“May interview ako bukas kaya ipagdasal mo na lang ako na sana makapasa ako para may trabaho na ako at hindi ko na maririnig yung mga panenermon mo sa akin okay? Ikaw talaga, porket bakla yung boyfriend mo tatarayan mo na ako” pagkasabi ko nun ay biglang tumaas ang kilay niya.

“Hoy bruha ka ah! Hindi na siya bakla! Kainis ka talaga!” singhal niya at nagmamadali siyang pumasok doon sa kwarto niya. Problema nun?

Kinuha ko yung baso ng juice sa table at uminom.

Love life? Oo alam kong sa aming mga magkakaibigan ako na lang ang single. Pero bakit ba? Nakakamatay ba kapag walang boyfriend? Hindi naman di ba? Ang besides, ayoko munang mag-lovelife ngayon. Dalawang taon na yung nakalipas mula ng huli akong magka-boyfriend, ayoko muna siguro ngayon. Naniniwala naman ako na darating din ang tamang panahon para doon. I just need to wait for the right person at the right time.

Natauhan ako nung marinig kong tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko ito sa table at agad na sinagot kahit hindi ko pa nakikita kung sino yung tumatawag.

“Hello?” I asked.

[Hoy Pink Ramirez bruha!] singhal ni Shang mula sa kabilang linya. Problema ba ng mga tao at bakit nila ako sinisigawan at tinatarayan ngayon? [Balita ko may interview ka daw bukas? Kaya mo yan girl! Wag mo kaming kalimutang ilibre sa unang sweldo okay? Tinawagan lang kita kasi miss na kita. Osya baba ko na ‘to ah? Office hours daw kasi. Bye!]

“Baliw ka talaga!” singhal ko sa kanya. Tumawa naman siya at tinapos yung call. Binaba ko naman yung phone ko at napataas ng kilay.

What the hell is happening to these people?

Waiting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon