Chapter 7

2.4K 91 1
                                    

Chapter 7

This is what I want.

Pink's POV

Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko dahil hanggang ngayon binabagabag pa rin ako ng sinabi ng pinsan ni Dylan sa akin dalawang araw na ang nakakaraan. Halos hindi na ako makatulog kakaisip ng mga possibilities pero hindi ko talaga makuha. Gusto kong makausap si Dylan para masagot yung mga tanong ko pero wala naman siya. I don't really get it.

"Hoy babae! Lutang ka na naman!" sita sa akin ni Pam. I blankly stared at her then sighed. "Ano na naman bang problema natin ngayon ha?" tanong niya at umupo sa tabi ko tsaka naglagay ng cup sa tapat ko.

"Ewan ko ba, pero bothered ako nitong mga nakaraang araw" I shared. Wala naman akong mapagkwentuhan nito sa bahay dahil paniguradong guguluhin lang nila lalo yubg isip ko.

"Bakit ka naman bothered? Pag-ibig ba yan?" she asked. Sandali akong napatingin sa kanya at bahagyang umiling. Hindi naman siguro 'to pag-ibig.

"Not really," I sighed. "May nalaman kasi ako nitong nakaraang araw, ngayon I'm so curious about it. Wala naman akong pakialam dito dati. But now, I want to know the truth... pakiramdam ko kasi nagkamali ako. Gusto kong itanong sa kanya pero natatakot ako" mahinang sambit ko.

"Bakit ka natatakot? Dahil ba nakokonsensya ka? Alam mo girl, huwag ka padala diyan sa takot. It's better to ask para kapag nalaman mo ang sagot sa mga tanong mo, alam mo yung susunod mong gagawin" aniya. Napatango na lang ako, tama siya Pink, mabuti pang itanong ko na kay Dylan ang mga gumugulo sa akin para malaman ko yung totoo.

"Feeling ko, tama ka. Thanks, Pam!" I smiled.

Ibinalik ko ang tingin ko sa monitor at nakita ko na may bagong message na dumating sa email ko. Tinignan ko ito at nakita ko na galing ito dun sa in-applyan ko na call center. Tanggap na ako.

Huminga ako ng malalim at parang hindi ako masaya na natanggap ako. Gusto ko naman 'to di ba? Pero bakit hindi ko naman maramdaman yung saya?

"Ano yan? Nag-apply ka ng call center? Aalis ka na dito?" sunod-sunod na tanong ni Pam habang binabasa yung buong message. "Infairness maganda dito girl, mas malaki sweldo kesa dito" aniya.

Napasulyap ako sa kanya at hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.

"Pink! Pinapatawag ka ni Sir Dylan" napaangat ako ng tingin ng tawagin ako ng isa sa mga kasamahan namin.

Bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Yeah, I'm curious but scared. Naguguluhan talaga ako ngayon at hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Agad akong tumayo at nilapitan yung nagsabi.

Gosh, kinakabahan talaga ako.

"Uhm, ba-bakit daw?" mahinang tanong ko. Nagkibit-balikat lang siya at tsaka bumalik sa table niya.

Lumabas na lang ako ng department at naglakad papunta sa opisina niya. Habang naglalakad ako ay parang ang bigat ng bawat hakbang ko. I'm busy organizing my thoughts in my mind. Iniisip ko kung paano ko sisimulan ang pagtatanong. Di ko na kaya!

Bago ako tuluyang pumasok sa loob ay huminga muna ako ng malalim at sandaling napapikit. Kaya ko 'to!

"Uhm... hello?" I awkwardly greeted. Napatingin siya sa akin at mahina siyang ngumiti at iminuwestra yung kamay niya doon sa bakanteng upuan sa tapat niya. Naglakad naman ako doon at marahang umupo.

"Thank you," he said as he looked at me and smiled. Tumango na lang ako dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. "You applied for another job, I guess you really want to go..." he said in a serious tone. Napalunok naman ako dahil sa tingin niya.

Waiting HimTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang