Chapter 3

3K 107 8
                                    

Chapter 3

I want you back.

 

-Pink's POV-

 

"Wae? Wae? Wae?!" inis na bulyaw ko habang pabalik-balik akong naglalakad dito sa kwarto ko. Hindi ko talaga alam kung kanino dapat ibuntong yung inis at frustration na nararamdaman ko ngayon.

Nanggigigil talaga ako ngayon. Parang gusto kong kumain ng tao ngayon dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko kapag naaalala ko yung pagmumukha ni Dylan at yung nangyari nung isang araw. Ang kapag naman talaga ng mukha ng lalaking 'yon! Aba pagkatapos akong saktan at iwanan noon sasabihin niyang mahal niya ako ngayon? Ang kapal grabe.

And his freaking face! Myghad I hate it so much, naiinis talaga ako.

"Nakakainis talaga!" nanggigigil na singhal ko.

Padabog akong naupo sa kama at kinuha yung unan na malapit sa akin at tsaka ito niyakap. Napagbuntong hininga na lang ako at napatingin sa kawalan. Hindi pa rin talaga ako maka-get over sa nangyari. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko dahil sa nangyari. I messed up during the interview, hindi ko naiwasang ibalahura yung mga sagot ko sa kanya. Now I'm really sure that I will not get the job that I applied for.

Nakakapanghinayang pero maganda na rin iyon dahil hindi ko makikita ang mukha ni Dylan. May mahahanap pa naman akong disenteng trabaho na malayo sa lalaking iyon.

Bumagsak na ako sa kama at napatitig sa kisame. I sighed and closed my eyes to calm myself. Matutulog na lang din siguro ako para naman paggising ko wala na yung inis ko and hopefully di ko na maalala ang kahit anong may kinalaman kay Dylan. Naiirita lang talaga ako sa kanya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nung makarinig ako ng malalakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Napaupo ako sa kama at napakusot ng mata. Sinamaan ko ng tingin yung pinto.

"Pink Ramirez?! Bumangon ka diyan!" sigaw ng kung sinuman ang nasa labas. Tho I bet si Sharlot iyon, sa lakas ba naman ng boses niya.

"What do you want?!" sigaw ko. Naiinis talaga ako dahil naistorbo niya ang tulog ko.

"Bumangon ka na diyan at mag-ayos may pupuntahan tayo!" sigaw niya. Napairap na lang ako sa kawalan sabay humiga ulit sa kama. Bahala siya diyan, wala ako sa mood.

"Ayokong sumama!" I shouted then I closed my eyes again. Pero bago pa man bumalik ang diwa ko sa pagtulog ay muli na naman kumalampag ang pinto at mas malakas pa ito kesa nung una. Putek! Ano ba kasing problema ng babaeng 'to?!

"Isa Pink kapag di ka bumangon at nag-ayos gegerahin kita!" she shouted. "Pasalamat ka ako nanggigising sa'yo kapag si Kuya Blue baka nasira na yung pinto mo!" dagdag pa niya habang patuloy pa rin siya sa pagkalampag ng pinto ko.

Ayy bahala sila.

"Bahala ka sa buhay mo!" bulyaw ko at ipinikit ko na yung mata ko.

Waiting HimWhere stories live. Discover now