Chapter 8

2.7K 90 4
                                    

Chapter 8

Feelings

Pink's POV

"Kamusta ka naman na?" tanong sa akin ni Dion habang naglalakad kami papasok sa restaurant na napag-usapan para sa mini reunion namin.

Pagod akong ngumiti sa kanya, honestly speaking, pagod talaga ako napilitan lang din talaga akong pumunta dito dahil hindi talaga ako tinigilan ng mga taong 'to hangga't di ako pumapayag.

And besides... may kailangan akong gawin kaya ako nandito. I need to do this for me to know everything. Si Sir Eric... at ang anak niya na si Miko.

"Ayos lang naman, busy lang din talaga sa training. Ikaw? Balita ko may nililigawan ka na daw?" pagkasabi ko nun ay biglang bumusangot yung mukha niya.

"Hindi ko nililigawan 'yun!" depensa niya sa sarili. Bahagya siyang napakamot ng ulo niya. Natawa na lang ako habang papalapit kami sa table namin.

"Sus, nagiging close na nga daw kayo. You're working with her right now di 'ba?" I'm referring to Hannah, Dylan's cousin.

"Yeah, but that's not it" aniya at magsasalita pa sana ako nung makita at magtama ang tingin namin ni Dylan. Bahagya akong napaiwas ng tingin hanggang sa makalapit kami ng tuluyan sa table.

Gosh, awkward.

Nakita kong magkatabi si Kuya Blue at Nika, tapos si Sharlot, Zed, Shang, tapos si Dylan... pabilog yung table kaya may dalawang bakante sa pagitan ni Dylan at Kuya Blue. Mabilis na umupo si Dion sa tabi ni Kuya Blue, leaving me no choice but to sit beside Dylan.

"Hayan, kompleto na tayo finally!" masayang sabi ni Nika. Tumingin kami sa kanya habang nagsang-ayunan naman yung iba. Bahagya kong sinulyapan si Dylan at halos mailang ako ng makita kong nakatingin siya sa akin.

"Ang tagal din nating hindi nakompleto, masyado kasing naging busy yung iba sa mga buhay-buhay," sabi ni Shang. Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti at sumang-ayon.

"Oo," mahinang sabi ko. "So kamusta naman kayo?" tanong ko sa kanila.

Sina Sharlot at Kuya Blue di ko naman na kailangang kamustahin dahil kasama ko naman yang mga 'yan. Hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng awkwardness, mahirap pa rin talaga kapag iisa lang kayo ng group of friends ng... ex boyfriend mo.

But I guess, I need to deal with this.

Nagsimula namang mag-share yung iba ng mga nangyayari sa buhay nila. Dumating na rin yung order nila kaya habang nagkakamustahan ay nagsisimula na rin kaming kumain.

"So ikaw Pink? Kamusta ka naman?" tanong sa akin ni Shang. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sumalubong sa akin ang tingin nilang lahat.

"Ayos naman ako, medyo stress lang sa training pero kaya ko naman" I smiled. Nag-thumbs up naman ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Yun na yun?" dismayadong sabi nila. "Wala bang update sa lovelife mo? Loveless ka pa rin?" tanong ni Zed.

Nakatingin pa rin silang lahat sa akin pati si Dylan na nasa tabi ko kaya hindi ko maiwasang mailang ulit kasabay ng pag-abnormal ulit ng tibok ng puso ko.

"Di pa naman niya ako nililigawan..." mahinang sabi ko.

"May gusto ka? Sino?" gulat na tanong ni Nika.

"Ni Alden Bae..." pagkatapos kong sabihin yun ay halos mapa-facepalm silang lahat. Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Of course joke lang yun.

"Wag ka nga, Pink Ramirez! Kay Yaya Dub lang si Alden. Ikaw talaga... hanap ka na lang ng iba, malay mo nasa tabi mo lang pala ang Bae mo!" Nika said sheepishly. Sinamaan ko siya ng tingin at parang gusto ko ng itusok sa kanya yung sabon ko.

Waiting HimWhere stories live. Discover now