Chapter 5

2.6K 97 1
                                    

Chapter 5

 Mama

Pink's POV

"Nakabusangot na naman yang itsura mo bhe. Di ka na talaga makakahanap ng asawa niyan" salubong sa akin ni Pam, isa sa mga bago kong katrabaho dito. Tamad ko siyang tinignan at tsaka bumuntong hininga.

"Tatanggalin na ba nila ako?" I asked.

Magdadalawang linggo na simula nung magsimula ako sa trabaho ko dito sa teritoryo ni Dylan at pinapanalangin ko na talaga na sana tanggalin na nila ako pero hanggang ngayon nganga pa rin. Ginawa ko na lahat para mabigyan sila ng mga dahilan para tanggalin ako pero heto pa rin ako, nandito pa rin.

Sinubukan ko na ngang magpalate halos araw-araw, hindi pumasok, maging tamad, magsungit at kung ano pa pero wala pa rin talaga. Hindi ko alam kung sinong unang bibitaw sa amin ni Dylan.  

"Hindi ko talaga maintindihan ang rason mo kung bakit gusto mong umalis dito. Malaki naman ang sweldo mo, madaming benefits pati pampalibing sayo kapag namatay ka sagot na nila tapos gusto mo pang umalis?" nangongonsensyang tanong niya. Umirap ako. Maganda nga ang benefits, mataas ang sahod pero delikado naman ang puso ko.

"Kung sa tingin mo madadaan mo ako sa hindi mo pagpasok at pagiging tamad mo. Sinasabi ko na sa'yo ngayon palang, hindi. I won't give up, I'll make sure that you're the first one to surrender... to me. Sisiguraduhin kong babalik ka sa akin"

I suddenly shook my head when I remembered that creepy line from him. Kapal talaga ng mukha nun. Akala niya papatalo ako? Hindi. Siya ang unang susuko sa aming dalawa.

"Kung pwede lang sanang mamatay na lang ako ngayon at ng magamit ko na yang pampalibing benefits na pinagmamalaki nila" sabay irap ko sa kawalan.

"Ewan ko sa'yo bhe" yun na lang ang nasabi ni Pam at iniwan na ako sa cubicle ko. Itinuon ko na lang din ang atensyon ko sa monitor at nag-open ng email para icheck kung natanggap ba ako sa call center na inapplyan ko.

And so far... wala pa namang reply.

Ilang oras na rin yung dumaan at naging abala kami halos sa ginagawa naming trabaho. Kahit naman gusto kong gumawa ng way para makalayas dito, marunong pa rin naman akong gawin ang trabaho ko.

"Juskong bata ito napaka-kulit!"

Napatigil kami sa ginagawa namin at napatingin kung saan galing ang boses na iyon. Nakita namin si Tita Kat, yung may edad na manager dito, na halos hinihingal na mula sa pagtakbo. Napatingin naman ako sa batang mabilis na tumatakbo palapit sa akin habang tumatawa.

"Ayy nako! Napakulit talaga ng batang ito" sabi ulit ni Tita Kat pero halata naman sa tono nito na hindi siya galit.

Mabilis ko namang nahawakan yung baby para hindi ito bumagsak at para alalayan na rin. Napatingin ako sa kanya at doon ko napagtanto na nakatingin din pala ito sa akin. Natigilan ako ng makilala ko kung sino ang batang ito.

I don't know but my heart skip a beat when he smiled at me as he tighten his grip in my hand.

"Naku pagpasensyahan niyo na kung nagulo ko kayo. May kailangan kasi akong gawin kaya sana kayo munang magbantay kay Baby Miko, nasa meeting pa kasi si Dylan tapos hindi rin namin alam kung anong oras yun matatapos" aniya. Napatingin ako sa kanya ganun na rin ang iba.

Nahuli kong nakatingin sa akin si Tita Kat kaya naman nilingon ko yung iba na nagsibalikan na sa mga ginagawa nila.

"Late ka na naman Ms. Ramirez," sita na niya ngayon sa akin. I faked a smile and slowly turned my head back to the monitor kahit na nakakapit pa rin sa akin yung anak ni Dylan.

Waiting HimWhere stories live. Discover now