Chapter 6

2.7K 97 13
                                    

Guys. Baka mga 10-15 Chapters lang ang Waiting Him. Hehehehe. 

***

Chapter 6

Wala kang Alam


Pink's POV

"Dion!" masiglang sigaw ko at naglalakad palapit sa gwapong lalaki na prenteng nakasandal sa pader. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng makita ako kaya kumaway ako sa kanya at mabilis na naglakad palapit sa kanya.

Sabado ngayon at naisip namin ni Dion na gumala para makapag-bonding naman kami sa isa't isa, at para makapag-catch up na rin sa mga nangyari sa buhay namin. Ako kasi madaming kwento, pati na rin itong gwapong model na 'to alam ko marami. Buti na lang talaga at weekend ngayon dahil sa wakas makakalayo na rin ako sa Dylan na 'yun! Masyado kasi akong nasu-suffocate sa kanila ng anak niya nitong mga nakaraang araw. Ewan ko ba, simula ng tawagin akong 'Mama' ng anak ni Dylan eh hindi na sila humiwalay na mag-ama sa tabi ko. Kaya laking pasasalamat ko talaga ngayon na walang pasok ngayon. Stress free!

"Pink!" aniya ng makalapit ako sa harapan niya. I smiled then I hugged him. Hindi ko talaga maiwasan.

"Namiss kita!" masayang sabi ko at naramdaman ko naman na niyakap niya rin ako ng mahigpit. Humiwalay ako sa kanya at tumingin sa kanya.

"Libre mo ba ako ngayon?" masayang tanong ko, tumango naman siya kaya halos mapasigaw ako sa tuwa. Siempre! Libre niya kaya!

"Ikaw talaga. Anyways, saan mo ba gustong pumunta ngayon? MOA?" tanong niya. Sandali akong napaisip at tsaka tumingin sa kanya.

"Kahit saan naman basta kasama kita, go lang ako" sabi ko at kumapit ako sa braso niya. Clingy friend here. Wala rin naman siyang nagawa at ngumiti na lang. Umiling siya at nagsimula na kaming maglakad palabas ng gate ng bigla kaming mapatigil nung may pumarada na sasakyan sa tapat ng gate namin. Kumunot ang noo ko, hindi naman sinabi ni Kuya Blue o ni Sharlot na may bisita sila. Nagkibit-balikat na lang ako at binaliwala kung anuman ang plano nila ngayon.

Basta ako, mag-eenjoy ako!

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad nung biglang may lumabas na pamilyar na babae mula doon sa sasakyan at may kargang pamilyar na bata. Halos malaglag ang panga ko nung makilala ko kung sino sila. Oh my God?! Lord bakit sila nandito?! Yung Mama ni Dylan tsaka si Miko na umiiyak. Palihim akong napalunok habang pinagmamasdan silang maglakad, napansin ko naman na may isa pa silang babae na kasunod pero nakabusangot ang mukha nito. So who is she?

"Thank God hija at naabutan ka pa namin!" Tita Dianne said as she sighed in relief. Uh-oh, dapat ba inagahan namin ni Dion ang alis namin? My gulay, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon.

"Uh-uhm, bakit po?" kinakabahan kong tanong. Fudge! Huwag ngayon please? I want to enjoy this day-

"Pwede bang ikaw na muna ang magbantay dito kay Miko? Ayaw niya kasing tumahimik, sabi ni Dylan ikaw lang daw ang makakapagtahan sa kanya ngayon. Ayos lang ba? Pasensya ka na talaga pero hindi kasi namin talaga alam ang gagawin," sabi niya at napatingin ako kay Miko na iyak pa rin ng iyak habang pilit akong inaabot. Urgh! Not now baby.

"Uhm, Tita kasi po may lakad kasi kami ngayon-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung magsalita yung babaeng nasa gilid ni Tita.

"Kuya Dylan said that if you take care of his son for today, hindi ka na daw niya guguluhin" nagmamalditang sabi nito sa akin. Tumingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay, aba naghahamon ba ang babaeng 'to ng away? Dahil paniguradong hindi ko siya aatrasan. "Ano? Take care of baby Miko na, aarte ka pa" dugtong nito.

Waiting HimNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ