Chapter 2

3.2K 120 6
                                    

Chapter 2

 The feeling is not mutual.

Pink’s POV

“Dy-Dylan?” hindi makapaniwalang sambit ko.

Sandali niya akong tinignan bago niya binaling ang tingin ko sa mga taong nasa likod ko. Okay? Did he just ignore me?

Kung tatanungin niyo ako ngayong kung may kakaiba akong naramdaman? Wala. Naka-move on na ako sa kanya matagal na kaya wala na talaga akong pakialam sa kanya ngayon. Nagulat lang ako na makita ko siya dito sa lugar na ‘to. I’m not really expecting to see him here, right now.

“Michael, Shanghai” aniya at bahagya siyang ngumiti sa kanila. Bahagya naman akong napaiwas ng tingin at tumikhim, this is so awkward. Feeling ko kailangan ko ng umalis dito.

“Kamusta ka na?” Shang asked. Huminga ako ng malalim habang humihiling na sana makagawa ako ng paraan para makaalis dito. Nasa pagitan nila ako! I don’t want to ruin their mood, kasi sila kung may pakialam sila sa lalaking ‘to, ako wala na talaga.

“I’m… fine. Ikaw? Kayo? Kamusta na kayo?” tanong naman ni Dylan.

Kasama ba ako sa ‘Kayo’? Baka kasi mamaya sumagot ako tapos hindi naman pala ako kasama dun sa tinatanong niya edi pahiya naman ako.

Halos magtatalon ako sa tuwa ng biglang mag-ring yung phone ko. Kung sinuman ang tumawag, yayakapin ko talaga ng bonggang-bongga. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong nakatingin sila ngayon sa akin na para bang napaka-wrong timing ng pag-ring ng cellphone ko. I smiled at them and motioned that I’m going to answer the call.

“Excuse me” sabi ko at agad na humakbang palayo sa kanila.

I heave a sighed as I answer the call.

“Hello?” tanong ko.

[Pink…] mabigat na boses ni Dion mula sa kabilang linya. Napakunot naman yung noo dahil sa boses niyang iyon. [I’ll pray for your interview. I know matatanggap ka diyan. Ikaw pa ba? Kaya mo yan ha? Wag kabahan okay? God Bless!] aniya sa isang namamaos na boses.

Napatigil naman ako sa paglalakad at napangiti.

“Ayos ka lang ba?” tanong ko.

[Hmmm, yeah, I’m fine. Inaantok lang talaga ako] sabi niya. Lalo namang lumawak yung ngiti ko. Ang cute niya siguro ngayon!

“Sana natulog ka na lang, bakit mo ba ako tinawagan?” Although I’m really happy that you call me, you just saved me from an unexpected moment.

[Is it starting?] tanong niya.

“Huh?”

[Yung interview? Nagsisimula na ba?] tanong niya at doon ko naintindihan ang tanong niya.

Waiting HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon