Chapter 9

2.9K 103 14
                                    

Chapter 9

Reason

Pink's POV

"Hi Baby Miko!" masiglang bati ko habang kumakaway at naglalakad palapit kina Dylan na nasa labas ng bahay namin ngayon.

"Mama!" masayang sabi nito. Sinulyapan ko si Dylan, nakangiti lang siya habang nakatingin kay Miko. He let go of Miko's hand, humakbang naman siya palapit sa akin.

Bahagya akong umupo at sinalubong ko si Miko. I opened my arms as he made his way to me and hugged me. Niyakap ko rin siya pabalik at kinarga. Tinignan ko siya habang nakangiti.

"Kamusta na ang baby namin?" tanong ko at nanggigigil siyang hinagkan sa pisngi. Bumungisngis naman siya at tsaka kinulong ang mukha ko sa maliliit na kamay niya.

Tinignan ko si Dylan at nakita ko ang mahinang pag-ngiti niya habang humakbang palapit sa amin. Bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Ready?" tanong niya. Nakangiti akong tumango at tinignan siya para suriin kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Ikaw?" tinignan naman niya ako at nag-aalinlangang tumango. I guess this is really hard for him. Hindi ko naman siya masisisi, ilang taong nasa kanya si Miko and I understand why it's hard for him to let go. He took care of Miko for years and stood up as his father... a great father even though Miko is not his own child.

"Hoy Ms. Pink Ramirez, you're spacing out" dinig kong sabi ni Dylan kaya napatingin ako sa kanya. "Narealize mo bang gusto mo rin ng baby? Huwag kang mag-alala magkakaroon ka rin niyan kapag-" hindi na niya natuloy yung sasabihin niya ng samaan ko siya ng tingin.

"Tumigil ka dyan, Dudong ah?!" singhal ko sa kanya. Yeah, namiss ko rin siyang tawaging Dudong. "Iniisip ko kung maghahanda na ba ako ng timba baka kasi bumaha ng luha mamaya" sabi ko.

"I'll try not to shed to much tears," aniya. "Nag-usap naman na kami ni Dr. Fajardo... I'm ready to give him back to his real father" malungkot na wika. I just looked at him quietly. "At tsaka heto din ang pangako ko sa nanay ni Miko, na kapag hinanap na siya ng tatay niya  I have no choice but to give him back" he continued then he took a deep breath.

Gusto ko sanang itanong sa kanya kung ano ba ang totoong kwento sa kung bakit nasa kanya si Baby Miko at kung anong connection niya sa nanay ni Miko but I guess this is not the right time for me to ask it.

"O siya 'wag ka ng magdrama, if I were you tara na't simulan na nating mamasyal para ma-enjoy mo ang... ang last day mo with Miko" sabi ko at pilit na ngumiti.

Tumango naman si Dylan at marahang kinuha si Miko sa akin para siya naman ang kumarga. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa sasakyan niya.

Sinabi ko kay Dylan ang tungkol kay Dr. Eric Fajardo, siya naman dapat ang makaalam kasi siya naman ang nag-alaga kay Miko. They both talked at ang naging resulta, pumayag si Dylan na ibalik si Baby Miko kay Dr. Eric. According to Dylan, it's also Miko's mother decision na ibigay si Miko sa tatay niya kapag bumalik ito. Dadalhin din kasi ni Dr. Eric si Miko sa US dahil nandoon ang pamilya niya, and because of that, humingi si Dylan ng favor kung pwedeng mag-spend sila ng time together with Miko para rin makapagpaalam sila ng maayos at makapaghanda na rin.

Una sina Tita at Hannah na nag-spend time together kay Miko. Then sina Kuya Blue, tapos si Dylan at iba pang mahalaga sa kanya. At siempre I spend time with Baby Miko too, masaya ako kasi kahit sa sobrang ikling panahon, naranasan kong matawag na 'Mama', naranasan kong mag-alaga at magmahal ng bata... na parang anak ko na rin.

"Mama!" nakangiting sabi ni Miko at inaabot-abot ako habang nilalapit-lapit siya sa akin ni Dylan. Parang ewan talaga 'tong lalaking 'to.

Ngumiti ako at kunwaring hinuhuli yung kamay ni Miko habang bumubungisngis ito. Argh! Ang cute talaga ng batang 'to.

Waiting HimWhere stories live. Discover now