Epilogue

3.7K 128 19
                                    

Epilogue

"It's always been a mystery to me

How two hearts can come together

And love can last together"

I took a deep breath as I wait for the love of my life. Pink Ramirez. Pakiramdam ko heto na ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay ko. Dinaig pa ang ilang taong paghihintay kong makasama siya ng pang habangbuhay.

She looks so beautiful wearing that white elegant wedding gown. Akala ko hanggang pangarap na lang sa akin na darating ang araw na ito. Akala ko mamamatay na ako noon. I was hopeless at that time. Everything seems to be impossible for me. But still I keep my faith.

Naniwala ako sa kakayahan niya. Ni God. He can make things possible. At naniwala ako na darating din iyong araw na magiging masaya ako. Kahit na makaranas man ako ng sakit at paghihirap nung mga panahong nilalabanan ko ang sakit ko, naniwala ako na darating ang araw na ito. Ang makasal sa babaeng mahal ko. My first love.

Sobrang nasaktan ako ng hiwalayan ko si Pink noon. Aminado ako pagkatapos nun ay pinagsisihan ko ang ginawa ko gusto kong bawiin ang sinabi ko at sabihin sa kanya ang totoo pero pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon.

Ang nasa isip ko ng mga panahon na iyon ay mas gusto kong ako na lang ang masaktan at mahirapan kesa naman mag-alala siya ng husto para sa akin. Natatakot akong masaktan siya ng dahil sa kalagayan ko. Siguro kung sakali mang mawala ako, mas madali niya akong makakalimutan.

Pero masaya ako dahil buhay pa ako hanggang ngayon. I can fulfill my promise. Mapaparami ko pa ang lahi ng pamilya namin. I am so greatful that God gave me another chance to live.

Marami pa akong gustong gawin. And I want to do it with Pink. I want to spend the rest of my life with her. I want to build a great family with her. I want to take care of my own child... gaya ng ginawa ko sa anak ni Ate Mariella, kay Miko.

And this time it's not only a dream but a reality. I will love her until forever.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan siyang naglalakad sa gitna kasama ng kanyang ama na umuwi pa galing sa abroad para lang sa kasal namin. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay hindi ko na maiwasang maluha.

I am the happiest man in this world right now. I waited for this day for so long. I fought many struggles for this day. Ang araw na tuluyang maging akin si Pink.

"But now that I found you I believe

That a miracle has come when God sends the perfect one

Now gone are all my questions about why

And I've never been so sure of anything

In my life"

Nung gumaling ako sinabi ko sa sarili ko na babalikan ko si Pink. At kapag nakita ko siya na may boyfriend na, na masaya sa piling ng lalaking iyon ay handa akong hayaan na lang siya at tuluyang pakawalan. Iniwan ko naman siya. Pero umaasa ako na hindi niya ako makakalimutan. Even though I thought her how to let go and move on, pinagdasal ko na sana ay hindi niya iyon gamitin sa akin. Sana ay maantay niya ang pagbalik ko. But that's a selfish move.

Napagtanto ko na kung siya talaga ang babaeng itinadhana para sa akin, magiging akin siya. Gaya noong nangyari noon. When I fall for her may iba siyang mahal. Pero parang sang-ayon sa akin ang tadhana at nagkahiwalay sila ng ex niya at nagkaroon ako ng lugar sa buhay niya. I know from that moment ako na iyon. Ang lalaking nakatadhana sa kanya.

Waiting HimWhere stories live. Discover now