SIMULA

135K 1.7K 513
                                    


WARNING: RATED SPG! BAWAL PO ITO SA BATA. READ AT YOUR OWN RISK!

Simula


I dressed like a slut with class and wear my half gold mask. It's already past midnight, and I'm ready to go.

Since I'm still single and alone, I have my freedom to do anything I want. Anything. Hindi naman mahirap gawin 'yon dahil mayaman ako. Kaya kong bilhin ang kahit ano o kahit sino para sa kaligayahan ko. And that's what money can do.

Sinuri ko ang buong lugar pagkapasok ko sa loob ng El Paradiso. It's an elite night club where you can buy happiness... for some. Magkaiba ang happiness sa having fun, at doon ako sa pumapatay lang ng oras.

“Isang vodka nga!” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses malapit sa akin. Nilingon ko iyon at nakita si Adan, my playmate last night.

Madalas talaga madali kong nakikilala ang isang tao base sa boses nila, at hindi sa itsura. Wanna know why? Later.

Naglakad-lakad muna ako bago nakarating sa pangatlong bar counter. Sa laki ng El Paradiso, hindi ka na magugulat kung sa bawat paglingon mo may makikita kang mga bartender where you can ask anytime for a drink.

Lumapit ako sa bar counter na hindi pa rin nawawala ang aking atensyon sa paghahanap ng p'wedeng makasama ngayong gabi. Gaya ng sabi ko, single ako at nag-iisa sa buhay, kaya hindi naman siguro masamang maghanap ng pansamantalang aliw, hindi ba?

Tahimik lang ako nakatayo habang pinapanood ang mga dumadaan. Iilan lamang ang mga nakakausap ko sa lugar na 'to, bukod sa may-ari, may mga nakakasalamuha naman akong mayayaman na katulad ko.

Hindi naman kasi ako mahilig makipag-usap, lalo na sa mga taong wala namang ambay sa buhay ko. Call me bitch, 'cause I am.

For almost one hour of standing and searching, I still can't pick. Nauubos na yata ang mga isda sa dagat. I'm bored.

May mga humihinto naman sa harap ko at nagpapa-cute, kaso ang chaka. Hindi ko type. Kung p'wede ko lang sana i-uwi ang mga nakamaskara baka matagal ko nang ginawa. Mata pa lang kasi ulam na.

Nahahati sa dalawang estado ang El Paradiso. Mahirap at mayaman. And I'm one of the elite guest who wear mask for safety. We're not just carrying tons of money, may iniingatan rin kaming pangalan at dignidad.

Dahil sa lugar na 'to, maskara lang naman ang pagkakaiba namin, pero sa pangangailangan? We're just using each other.

They need money, we'll give them.

We need fun, they'll satisfy us.

Equal.

“Hey, Aie!”

“Sam, long time no see!”

Napalingon ako sa sigawan na 'yon malapit sa akin. Parang pamilyar kasi iyong boses, pero hindi ako sigurado kung saan ko siya narinig.

Naningkit ang mga mata kong tinitigan iyong lalaki. I examined him from head to toe. Do I know him? Or should I say, is he one of my playmate?

I don't think so... he looks decent compared to the Paradiso. Well actually, I don't know what to call the workers here who didn't wear mask. I just called them Paradiso, 'cause why not? It means paradise.

He's standing three meters away from me with a girl, and he's not actually wearing mask. Well, that's a good news, 'cause I think I found the man of my night.

I don't mind the girl. Kapag gusto ko, gusto ko. Marami akong pera. Marami.

I just smirked before I found myself walking towards him. I'm rich and beautiful, I don't need to worry.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon