DALAWAMPU'T TATLO

16.4K 280 48
                                    


Chapter 23


I was unable to move as I witnessed their foolishness. My entire body was so cold but I could feel the pain inside my chest.

This is not me. I know I can handle this. I'm strong... that's who I am.

Kahit nanlalambot ang aking mga tuhod, tumayo ako nang tuwid at huminga ng malalim. “Ang kapal ng mga mukha! Talagang dito niyo pa nagawang lokohin ako?! Get out!”

Nagdidilim ang paningin kong nakatingin sa kanilang dalawa. Pasimple akong humawak sa pader malapit sa akin. Kung wala itong pader baka kanina pa ako nilamon ng lupa.

Ang hirap maging malakas kung alam ko sa sarili kong nilalamon ako ng sakit na nararamdaman ko. Sobrang sakit.

Sabay silang lumingon sa akin. Bakas sa itsura ni Aiko ang gulat, samantalang wala naman akong makita ni katiting na pagsisisi sa mukha ni Lily. She even seems like she's having fun.

“Eve...” Dali-daling lumapit sa akin si Aiko pagkatapos ko silang mahuli na dalawa. Hinawi ko agad ang kamay niyang hahawak sana sa akin.

“Huwag mo akong hawakan! Lumayas ka na sa pamamahay ko. Isama mo ang malanding 'yan at huwag na huwag na kayong magpapakita sa 'kin!” Lumayo ako sa kan'ya, nandidiri at hindi makatingin sa kan'ya ng diretso.

Kumukulo at nag-iinit ang ulo ko. Dito pa talaga nila nagawang maghalikan sa pamamahay ko?! Naging sagabal pa nga yata ako sa kanila. Kung hindi ako umuwi baka nandoon na sila sa kwarto namin.

I trusted him with all my heart. Akala ko iba siya. Totoong minahal ko si Aiko kaya hindi ko matanggap na magagawa niya lang akong lokohin. Tangina!

“Please... let me explain. Eve, please.” Nagmamakaawa at pilit siya lumalapit sa akin. But I'm not stupid anymore. I caught him cheating with my two fucking eyes. Hindi niya na ako maloloko.

Aki's right. I barely know him.

Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Halo-halong galit at sakit. Gusto kong umiyak pero ni isang butil ng luha ayaw lumabas sa mga mata ko. Ganito pala ang pakiramdam ng masaktan ng sobra sa taong pinagkatiwalaan mo.

“Tama na, Aiko. Tapos na akong makipaglaro sa'yo. Bumalik ka na sa—”

“She's right, Mahal. Bumalik ka na sa akin. Tapos na ang palabas. You already got her pregnant. That's our plan, right?”

Kunot noo kong nilingon si Lily. She's smiling like she's really enjoying it.

“Shut up! Please, Lily! Leave us alone,” sigaw ni Aiko dahilan para maagaw niya ang atensyon ko. Lumapit siya kay Lily at pilit itong pinapaalis.

Hindi ko na malaman kung kanino ko itutuon ang atensyon ko. Nagpumiglas si Lily na parang walang nangyari. Tumingin ito sa akin ng diretso na parang may gustong sabihin.

“W-what are you looking at?” taas kilay kong tanong habang nagpipigil nang aking sarili na saktan siya. Mariin akong napahawak sa pader.

Sa totoo lang gusto ko na talaga siyang sabunutan at kaladkarin palabas ng bahay ko. Kung hindi lang siguro ako buntis baka kanina ko pa nagawa iyon sa kanilang dalawa. Nag-aalala lang ako sa anak ko baka masaktan siya katulad ko. And I'm not that desperate to hurt myself just for an unworthy man like him.

“Tinitingnan ko lang kung gaano ka katanga para hindi mahalatang niloloko ka lang—”

“Sinabing tama na, Lily! Umalis ka na!” Hindi natuloy ni Lily ang sasabihin nang muli siyang hilahin ni Aiko. “Please!”

Nilingon ko si Aiko. “Bakit, Aiko? May hindi ba dapat akong malaman?” I pursed my lips.

Hindi siya makasagot. Halata ring natatakot at kinakabahan siya sa kung anong gustong sabihin ni Lily.

“He's playing with you. We're playing with you, actually.”

Naguguluhan kong tiningnan si Lily. “What do you mean?” Lakas loob kong tanong kahit alam kong may mali na sa mga nangyayari.

I'm not stupid. I know there's something wrong about them. I'm pretty sure.

“I ordered him to approach you. To make you fall in love with my boyfriend.  And guess what?” She smiled and glanced at Aiko. “He did it. I'm not surprised, though. He's too handsome and hot to resist, right? Kaya nga nabunti ka niya at ito na siguro ang tamang oras para iwan ka. Hindi pa nga dapat kasi ang plano ko sa mismong kasal niyo dapat ka niya iiwan. Nahuli mo kami kaya wala na akong magagawa.” She shrugged.

Mas lalo kong naramdaman ang bigat sa aking dibdib kasabay nang panlalambot ng aking tuhod. She doesn't look like she's lying dahil kay aiko na halos ayaw nang tumingin sa akin.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. Nakayuko lang si Aiko, samantalang titig na titig naman sa akin si Lily na halatang nag-e-enjoy sa mga nangyayari.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o kung ano ang dapat kong gawin. She's just lying, right? Gusto niya lang akong saktan sa lahat ng mga ginawa ko sa kan'ya.

“You're lying...” I laughed, sarcastically.

“Why don't you ask him?” walang halong takot niyang sabi sabay turo kay Aiko. “Para naman mas masaktan ka,” mariin niyang sabi.

Bukitaw ako sa pader at kinuyom ang aking mga kamay, nagpipigil sa maaari kong magawa sa kanila. Mariin akong napapikit at huminga nang malalim.

“Why?” Napamulat ako habang naghahabol ng hininga dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. I can't breathe.

“Hindi mo pa rin ba talaga alam kung bakit? Ha, Natalia?!” She exclaimed. “Nagkamali ako na hanggang ngayon umaasa pa rin ako na makikilala mo ako. Ganiyan ba talaga katigas ang puso mo na kahit ang sarili mong pinsan hindi mo makilala? I even killed myself para lang makita kung gaano ka kawalang puso. I thought you would be worried. Pero ano nga ba ang aasahan ko? Sino ba ako para mag-alala ka?” Pilit siyang tumawa bago umiwas nang tingin sa akin.

Mas lalo akong naguguluhan. Anong ibig niyang sabihin? Pinsan? She's my cousin?

“P-paula?” Wala na akong ibang maisip. Bukod sa pamilya nila wala nang ibang nanggugulo sa akin para lang manghingi ng pera. Sila lang naman ang sobrang nag-iinit sa kung anong meron ako ngayon.

Makahulugan siyang ngumiti. “Lily. Ako na si Lily ngayon. Matagal nang patay si Paula simula nang pumasok ako sa kumpanya mo. At dito magsisimula ang paghihiganti ko sa lahat ng pagpapahiyang ginawa mo sa pamilya ko. Lalaki nang walang ama ang anak mo. Masisira ka sa lahat ng tao pagkatapos mong ahasin ang boyfriend ko. Ikaw ang sumira sa sarili mong pangalan, Natalia. Bitch.” She smiled before turning her back on me.

“Let's go, Mahal. Tapos na ang trabaho natin dito. She's slowly going to lose.” I heard her chuckle when she grabbed Aiko's arm.

Pinanood ko lang si Lily at Aiko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng narinig ko o baka nananaginip lang ako. But I'm not.

Totoong masakit at sumisikip ang dibdib ko sa mga oras na ito. Mas lalo pa akong hindi makahinga at nanghihina. Bakit ngayon pa kailangan na mangyari ito? May bata sa tiyan ko at ayaw ko siyang masaktan dahil sa katangahan ko.

I bit my lower lip when Aiko suddenly turned his head to see me. I will not cry. Not now right in front of them. I won't let them be satisfied with what they're trying to do.

Hinila ni Lily si Aiko palabas ng kitchen. Nanatili ang mga mata ni Aiko sa akin nang dumaan sila sa harap ko.

Akala ko ba ay mahal niya ako? Bakit hindi niya ako magawang ipaglaban? Kahit sabihin niya na lang sana na hindi totoo lahat nang sinabi ni Lily.

His sorry is enough.

Sumunod ang mga mata ko sa kanila habang nakatayo lang ako sa kung nasaan ako kanina pa. Huminga ako nang malalim at pinigilan aking mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

Malapit na sa pinto sina Aiko at Lily nang unti-unti na ring naglalaho ang tingin niya sa akin. I tightly hold my dress.

Please... don't leave.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon