TATLUMPU'T APAT

14.3K 241 23
                                    


Chapter 34


Mahigit kalahating oras kong tinitigan ang screen ng cellphone ko, paulit-ulit na binabasa ang mga natanggap kong mensahe. Malakas ang kutob ko na nanggaling ito sa hinahanap kong tao.

Imposible na manggaling kay Aiko ito kung alam niyang nasa panganib ang buhay ko. Lalo na at muntik na rin akong mamatay kung hindi lang ako niligtas ni Aki.

It's Ark, and he's a murderer.

Pagkatapos kong mapagtanto na si Ark ang nag-text sa akin at hindi si Aiko kaagad akong nagtipa ng mensahe pabalik. Ngayong alam ko nang hindi siya ang inaasahan ko ay hindi na rin ako magpapadalos-dalos ng desisyon.

Takot na akong mapunta ulit sa panganib. I won't risks my life again and make stupid decisions.

To: +639*********
Sige.
When and where?

I immediately sent him my reply. Pagkatapos no'n ay lumabas agad ako ng kwarto para kausapin ang isa sa mga bodyguards ko.

“Puwede paki-check ng labas? Huwag kayong magpapahalata, ha? Check niyo lang kung may mga unfamiliar kayong makikita around the house. Thank you,” dali-dali kong bilin kay Rafael, bodyguard ko. Pakiramdam ko'y hinahangos na rin ako kahit na ilang hakbang lang naman ang layo niya mula sa pinto ng kwarto ko.

Tinalikuran ko siya at aalis na sana para bumalik sa kwarto nang magtanong si Rafael. Bumalik ang tingin ko sa kan'ya habang pasimpleng tinatago ang hawak kong cellphone. Hindi niya ito puwedeng makita.

“Bakit po, Miss Talia? May problema po ba?” kuryosong tanong niya.

Umiling ako sabay pekeng ngumiti. “Wala naman. I just want to make sure lang naman baka nasa paligid lang pala ang hinahanap natin. Who knows, right?”

Ngumiti naman pabalik si Rafael. “Yes, Miss Talia. Sasabihan ko po agad mga kasama ko,” aniya sabay tango.

I just nodded back before heading to my room. I went straight to the curtain where the veranda was before cautiously peeking in there.

Malakas talaga ang kutob ko na minamanmanan lang ako ni Ark ngayon at iyon ang ayaw kong malaman ng mga kasama ko.

I have a plan para mahuli na namin si Ark kaya ko ginagawa 'to. Gusto ko munang kumpirmahin kung tama ba ang hinala ko bago ako kumilos. Nakita ko kung gaano karami ang mga tao ni Ark, hindi imposibleng mas marami pa sila sa inaakala namin.

Nilibot ko ang mga mata ko sa labas hanggang sa huminto ang mga mata ko sa kotseng nakaparada sa gilid ng bahay ng mga Torres na katapat ng bahay ko.

Kaagad akong lumayo sa kurtina para magtago. Kumpleto ang kotse ng mga Torres sa harap ng bahay nila, kaya nasisiguro kong iyon nga ang hinahanap ko.

Inaasahan ko na rin naman ito simula nang pinaghahanap ng pulis si Ark. Alam kong pupuntahan niya ako para makaganti. Hindi iyon matatahimik hangga't hindi niya ako napapatay, at ngayon siya kumukilos kung kailan nailibing na si Aki.

He's guilty, I guess. Kapatid pa rin niya si Aki kahit na anong mangyari.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may magkasunond na katok akong narinig mula sa pinto. Kahit nangangatog pa rin ang tuhod ko sa takot, pinilit ko pa ring lakarin at pagbuksan kung sino iyon.

“Rafael,” bungad ko pagkakita ko kay Rafael.

“Miss Talia, may kotse pong nakaparada sa tabi ng bahay ng mga Torres. Ilang araw na rin po palang nandoon 'yon sabi ng mga kasama ko, maliban po kaninang umaga at sa tuwing umaalis po kayo ng bahay.”

Nanlaki ang mga mata ko sa balitang narinig. “What?! Bakit ngayon niyo lang sinabi?!”

“Hindi po nila sinasabi sa inyo at baka matakot lang daw po kayo. Wala naman daw pong kakaibang kinikilos ang may-ari kaya-”

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon