DALAWAMPU

21.8K 302 63
                                    


Chapter 20


Seeing him right now explaining everything to me was my heart's greatest pleasure. Now that I barely understand what's going on in his mind, I'll reconsider his proposal.

“I won't let you hurt, especially our baby. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay, Eve.” He tightened his grip to my hand.

“What about that night? When someone called you in a middle of the night.” I asked without a doubt.

Iyan lang naman ang madalas na gumagambala sa akin. Hindi mawala sa isip ko ang pagkawala niya sa sarili noong gabing 'yon dahil lang sa isang tawag. I'm not stupid yet I'm completely loosing my self because of him.

“W-what night? I don't understand.” He shook his head, confused.

Hindi ko sigurado kung natatandaan pa ba niya ang gabing 'yon. Siguro ay ako lang talaga ang nag-iisip ng masama kahit para sa kan'ya simpleng tawag lang 'yon galing sa kung sinong sinasabi niya. I'm just overreacting. Dala na rin siguro ng pagbubuntis ko kaya kung anu-ano ang iniisip ko.

“Nevermind.”

“No. You tell me what's going on. Kaya ba nagkakaganiyan ka dahil d'on?” Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin.

What am I supposed to say? Maybe, I'm just overreacting about things and I don't want him to know.

Letting other people know what I was going through is something I could no longer handle. Ayokong nagiging abala sa kahit na sino simula nang matuto akong mag-isa.

Umiling ako. “Dala lang siguro ng pagbubuntis ko kaya nagiging emosyonal ako. But I'm fine now that we're talking.” I smiled.

“Sigurado ka?” mahinahong tanong niya habang hinahaplos ang kamay kong hawak niya gamit ang kan'yang daliri. I just nodded. “Sige. Pero simula ngayon sabihin mo na sa'kin kung ano ang mga bumabagabag sa'yo. Masama para sa pagbubuntis mo ang pag-iisip. Hindi ba't 'yan ang bilin sa'yo ng Doctor?”

Tumango lang ulit ako nang bigla niya akong hinila at niyakap. “Mahal na mahal kita...” I heard him breathing nonstop as if he was freed from the shackles. I even feel his heartbeat.

I can't say a thing when multiple rings from my cellphone got my attention. Tanaw ko mula sa pwesto namin ni Aiko ang pangalan ni Lily sa caller ID. I hope she's not here just to disturb us.

Si Aiko na ang kusang bumitaw sa pagkakayakap nang hindi tumigil sa pag-ring ang cellphone ko. Nilingon niya rin ito at tiningnan kung sino ba iyong sumira ng moment naming dalawa.

Maging siya siguro ay mapapansin na rin ang pagiging sagabal ni Lily sa'min. Ilang beses na rin kasi itong nangyari, ewan ko na lang kung hindi pa niya ito mahalata.

“Your secretary...” rinig kong sabi ni Aiko bago binalik ang tingin sa'kin. “Baka may importanteng sasabihin.”

“Can you...” Tinuro ko ang aking cellphone, nakikisuyong nakatingin sa kan'ya.

Ngumiti naman agad siya at nagtungo sa side table malapit sa kan'ya. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko, nakaupo sa aking kama at masinsinang nag-uusap.

Pinanood ko lang si Aiko. Nagkataon namang dadamputin na niya ang aking cellphone nang biglang namatay ang tawag. Nagkatinginan kaming dalawa na parang iisa ang iniisip.

He suddenly laughed so I just laughed too. Wala naman talagang nakakatawa, mababaw lang talaga ang kaligayahan naming dalawa. Tsk.

Lumapit na sa akin si Aiko at saka inabot ang cellphone ko. I checked my cellphone and I received a text message from Lily.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon