DALAWAMPU'T ISA

20.7K 301 56
                                    


Chapter 21


Habang naghihintay kay Aiko, sumagi sa isip ko ang kapatid niya. Mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Aki. Maging ang pagbubuntis ko hindi pa rin niya alam.

Gusto ko siyang makausap at magpaliwanag. Hindi ko alam kung kailangan pa ba iyon, pero iyon ang alam kong tama. Kapatid pa rin siya ni Aiko at kaibigan ko.

We ended our relationship many years ago, pero hindi ibig sabihin no'n kakalimutan kong parte rin siya ng buhay ko. Lalo na ngayong napagdesisyunan ko nang magpakasal kay Aiko.

Yes, we're getting married next month. Hinihintay ko nga siya ngayon dahil sabay kaming pupunta sa kilala kong fashion designer at wedding expert. Totoong magiging pamilya ko na si Aki, kaya kakausapin ko si Aiko tungkol sa kapatid niya.

Malapit na akong mainip sa paghihintay, mabuti na lang at dumating na ang magaling na ama ng anak ko. Ayaw na ayaw ko pa namang naghihintay.

“Mabuti dumating ka pa,” asik ko kay Aiko pagpasok ko ng kotse.

Mula sa peripheral vision ko, nakita ko ang gulat sa ekspresyon ni Aiko. Pansin ko rin namang mas lalong nagiging mainitin ang ulo ko ngayon. Pasensyahan kami dahil buntis ako.

“Sorry... may dinaanan pa kasi ako.” Lumapit siya sa akin at akmang hahalik sa akin kaya lumayo agad ako.

Nilingon ko ang bintana sa tabi ko. “Tara na. Kanina pa tayo hinihintay ni Katherine,” ani ko, malayo ang tingin sa labas ng bintana.

Wala na naman ako mood. Sinabi na kasing ayaw kong pinaghihintay ako. Mahirap bang intindihin 'yon?

“O-okay...” Naramdaman ko ang pagbalik niya sa kan'yang upuan kaya umayos na rin ako ng upo. He looks disappointed.

I'm pregnant. Kaya kahit na mahal ko siya, kung mainit ang ulo ko, wala siyang magagawa. Hindi niya ako madadaan sa mahal-mahal na 'yan.

Habang nasa biyahe pauwi ng bahay, hindi ko maiwasang tingnan si Aiko sa tabi ko. Napansin ko kasing tahimik siya simula pa kaninang umaga noong papunta kami kay Katherine. Ngayong ginabi na kami sa biyahe dahil sa dami ng appointments namin, hindi pa rin siya nagsasalita.

Kanina nga ay puro tango at pag-iling lang ang mga sagot niya sa tuwing tinatanong kami ni Katherine. May gana pa talaga siyang magtampo kung siya naman talaga itong may kasalanan. Akala siguro niya ay luluhod ako sa harap niya para lang kausapin niya ako.

No fvcking way!

Pagkaparada ng kotse ay bumaba agad ako at hindi na siya hinintay. Magpapahinga na lang ako kaysa mag-aksaya ng oras sa pag-iisip kung bakit nagkakagan'yan ang lalaking 'yan.

Ngayon pa talaga siya sumabay sa pagtatampo ko kung kailan buntis ako. Alam ko namang hindi ko kailangan na palaging i-dahilan ang pagbubuntis ko, sadyang nagsasabi lang ako ng totoong nararamdaman ko.

“Talia...”

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig niya. Pakiramdam ko'y may kumirot sa dibdib ko dahil sa salitang iyon. Nasanay kasi akong Eve ang tinatawag niya sa akin.

Fvck that fvcking endearments!

“Mag-usap nga tayo,” dagdag niya.

Hindi ko pa rin siya nililingon. Ayaw na ba niyang magpakasal? Kung gano'n, sabihin lang niya at ititigil na namin ang kalokohang 'to. Bubuhayin ko nang mag-isa ang anak ko kahit na wala siya.

“Talia, sabi ko mag-usap tayo.” Mariin ang bawat letrang lumabas sa bibig niya na parang may pinipigilang galit.

This is not the right time to talk. Kung pareho kaming galit hindi talaga tamang mag-usap kami. We can talk tomorrow.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon