LIMA

53.9K 815 236
                                    

NO WARNING! BAKA IREKLAMO TAYO NI WATTPAD HEHE. ENJOY!

Chapter 5


“Aiko Ignatius Esguerra, but you can call me Adan.” Mapaglaro siyang ngumiti at inilahad ang kan'yang kamay sa harap ko.

Saglit ko lang itong tiningnan habang unti-unti nang umaakyat ang lahat ng dugo ko patungo sa mukha. Don't tell siya iyong kapatid ni Aki?

'Wag naman sana...

“He's my brother, Natnat,” sabad ni Aki na tila nababasa ang nasa isip ko.

Fvck.

Nilingon ko si Aki at ang girlfriend niyang may lakas pa ng loob na harapin ako.

“Paano mo siya naging kapatid?” Pilit kong inayos ang pananalita ko bago pa ako tuluyang magkamali. Ayokong magmukhang katawa-tawa sa harap ni Aiko.

Wait! Aiko? His real name was Aiko?!

Muli kong ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan ko na hindi pa rin inaalis ang ngiti.

“Your name was what?” pagkukumpirma ko pa.

Mas lumapad ang ngiti niya nang ngayon ko lang napansin ang sinabi niya.

“Aiko Ignatius Esguerra, but you can call me Adan, right?” he smirked.

I bit my lower lip. Sh*t.

Paano nangyari 'to? I thought he's a prostitute. Hindi naman siya nagreklamo noong pilit ko siyang binabayaran. Kaya pala ayaw niyang tanggapin ang pera ko...

“Adan?” muling sabad ni Aki sa tabi ni Aiko.

Hindi ko siya nilingon. “Umuwi na kayo, at isama mo 'yang iskandalosang girlfriend mo. Pakisabi na rin na hindi ako pumapatol sa napagsawaan ko na.”

“What did you say?!” si Carina, halatang nainis.

Nilingon ko sila at nakitang pinipigilan ni Aki si Carina at hinila palayo sa akin. Mukhang sasampal na naman ang baliw. Tsk.

"Hintayin ka na lang namin sa baba, Aiko,” ani Aki saka hinila palabas ng conference room si Carina.

"No.”

Sabay-sabay kaming napalingon kay Aiko at maging dalawa ay natigilan din.

“Mauna na kayong dalawa.” Nilingon niya ang kapatid bago ibinalik sa akin ang tingin at mas nakakalokong ngumiti. “Maraming kaming pag-uusapan ni Eve.”

Don't look at me like that. Kinabahan ako... bakit?

Agad akong umiwas nang tingin at nilingon ang dalawang naguguluhan sa kung anong nangyayari. Maging si Aki, na nagpabalik-balik ang tingin sa amin.

“May namamagitan ba sa inyong dalawa?” he asked out of curiosity.

Really? 'Yon agad ang naisip niya? Sasagot pa lang sana ako nang bigla akong hilahin ni Aiko at saka inakbayan.

“Sort of,” aniya na agad kong nilingon sabay siko sa tigiliran niya dahilan para bumitaw at lumayo siya sa akin.

“We're not---”

“Don't you remember at the---”

Tinakpan ko ang bibig niya bago nilingon sina Aki. “Oo nga, marami pala kaming pag-uusapan,” ani ko at saka sila pinagtabuyan na dalawa.

Gusto niya bang mapahiya? Pwes ako hindi.

Halos ayaw pang umalis ng dalawa, mabuti na lang at naramdaman nilang naiinis na ako sa kapatid ni Aki. Inalis ko ang kamay ko sa bibig niya bago siya matalim na tiningnan.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon