SPECIAL CHAPTER I

5.6K 60 4
                                    


Special Chapter I

Akihiro Isaac Esguerra


Bata pa lang ako, naririnig ko nang nag-aaway ang mga magulang ko. Hindi dahil sa pera, 'cause we're financially stable dahil sa kaliwa't kanang negosyo ng Daddy ko.

They're fighting because my father had another woman, with his first son. Kaya pala sa tuwing wala siya rito sa bahay, nandoon siya sa probinsya kung nasaan ang ilang mga negosyo niya, at kung nasaan din ang kabit niya.

Hindi siya maiwan ng Mommy ko dahil sa akin. She promised na hanggang mamatay siya hindi niya hahayaang maging masaya si Daddy sa ibang babae.

He's her first love.

And that another woman is his first love.

Kaya hindi ko rin matanggap na bago nagkaroon ng ako, mayroon nang siya na hindi ko mapapantayan.

Katulad ni Mommy, pangalawa lang kami sa buhay ni Daddy. Kaya noong nakilala ko si Natnat, ngayon lang ako nakaramdam na maging una sa lahat.

First day of school sa kolehiyo, nakilala ko si Natnat. Ang ganda niya ang nangibabaw sa lahat ng babaeng nakilala ko. Kaya simula noon, hindi na nawala ang paningin ko sa kan'ya.

“Kilala niyo ba 'yon?” siniko ko si Allen sabay turo sa babaeng kapapasok lang ng classroom.

Ang ganda kasi. Ngayon ko lang siya nakita sa ilang taon ko dito sa mundong ibabaw. I feel like I missed something special.

Parehong napatingin ang kambal sa pinto. Si Allen at Alice. Bukod sa kanilang dalawa, wala na akong ibang kaibigan.

“Not familiar,” sagot ni Alice. Binalik niya ang atensyon sa pagdo-drawing na parang walang nangyari.

“Hindi ko rin kilala... Bakit? Type mo?” tanong ni Allen.

Walang pag-aalinlangan akong tumango. “Oo. Kaya sa'kin na yan, ah!” Tumayo ako at tinapik siya sa balikat. “Brb. Magpapakilala lang ako!”

Habang naglalakad patungo doon sa babae, sinuklay ko agad ang aking buhok gamit lang ang mga daliri ko. Inayos ko rin ang uniform na suot ko at inamoy pa ang aking sarili bago ko siya nilapitan. I smell nice pa rin naman kahit nag-basketball pa kami ni Allen bago pumasok. Papawis lang bago sumabak sa madugong labanan sa kolehiyo.

Not bad para sa first impression.

“Hi, Miss ganda!” bati ko sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Nakangiti na rin ako para makita niya ang mawawala sa kan'ya sa sandaling hindi niya ako pansinin.

Sa unahan niya napiling umupo, samantalang nasa dulo naman kami ng kambal. Mukhang kakailanganin kong lumipat para sa future ko.

Bakas sa mukha ng dalaga ang gulat at pagtataka sa paglapit ko. Baka nga iniisip pa niyang baliw ako dahil kanina pa ako nakangiti.

Nangangawit na rin ako.

Napawi ang aking ngiti nang tumingin lang talaga siya sa akin at muling nagsulat sa notebook niya. Ako naman ang nagtatakang tumingin sa kan'ya. Unang araw palang ng klase, may ginagawa na agad siya? Ang sipag naman pala ng future misis ko.

Naging tahimik lang ako sa tabi ng babae habang binabasa ang mga isinusulat niya.

“Tuition... renta ng bahay... water bill... electric bill... savings...” tahimik kong pagbabasa na may kasamang pagtaas ng kilay. “Nasaan ang para sa pagkain? You shouldn't miss...” Natigilan ako nang paglingon ko sa kan'ya nakatingin na pala siya sa akin.

Hindi ko napansin na lumalakas na pala ang boses ko.

“Sino ka?” walang emosyon niyang sabi. Nagulat pa ako nang bigla niyang tiniklop ang notebook niya nang hindi inaalis ang tingin sa akin.

✔ || Midnight Mask Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon