TATLUMPU

16K 247 37
                                    


Chapter 30


“Akala ko ba hinahanap mo ako?” Nakatingin lang siya sa akin habang sinasabi 'yon.

Ako ba ang kausap niya o si Aki?

Nilingon ko ang baliw na si Aki nang napansin ko ang paglingon niya kay Aiko. Hindi siya mukhang nasorpresa. Siguro ay inaasahan niya na rin talaga ang pagdating ng kapatid.

“Oh, andito na pala ang paboritong anak sa labas. Where's Ark? And your wife? Nasaan si Paula at may pag-uusapan din kami.”

“Don't be so excited. Papunta na rin sila rito. Nauna lang ako at baka miss mo na 'ko.” Lumipat ang tingin ko kay Aiko nang sagutin niya si Aki. Walang bakas ng takot sa itsura niya. Mukha pa nga siyang nag-e-enjoy na asarin ang kapatid.

Imbis na sagutin ni Aki si Aiko ay lumingon siya sa akin at lumapit. Nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan at diniin sa kan'ya.

“Nangangati na akong patayin si Aiko sa harapan mo, sweetie...” malambing niyang bulong malapit sa tenga ko.

Itutulak ko na sana siya nang muli siyang magsalita. “Siguro naman pwede ko nang ligawan si Natnat? Kasal ka na at bubuo ng isang masayang pamilya.” Nakangiti niyang sabi at tila inaasar pabalik ang kapatid.

He never took his eyes off Aki's hand on my shoulder. Parang gusto niyang tanggalin iyon gamit ang mga titig niya.

Habang nakatingin kay Aiko, patago kong tinutulak palayo si Aki. But he is too strong for me to do that. Napangiwi ako at napaigtad nang mas lalo niyang hinigpitan at dinidiin ang hawak niya sa balikat ko.

Shit.

“Sige lang... hindi ako magda-dalawang isip na kalabitin ang baril na hawak ko.” His soft whisper turned to a life threat that made me stop.

Halos hindi ako makagalaw nang ibinaba ko ang tingin sa isang kamay niya. He's not lying. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang higpit ng hawak niya sa baril na nasa loob ng kan'yang leather jacket.

Mas lalo akong nabato at nanlamig sa tabi niya. Maling galaw ko lang isa sa amin ang magpapalaam, at ayaw kong mangyari 'yon. Kahit may galit ako kay Aiko, hindi ko gugustuhin na mamatay siya sa kamay ng hayop niyang kapatid.

“Tang ina! Nasaan na ba si Ark?!”

Nagulat ako at natauhan sa biglang sigaw ni Aki. Napatingin ako kay Aiko. Nasa akin pa rin ang mga mata niya simula pa kanina.

“Let her go, Aki. Nasasaktan na si Talia.” Mas lalong napako ang mga mata ko kay Aiko. Kalmado lang siya at walang bakas ng kahit anong takot sa kapatid.

“I won't let her go again. Para saan? Para mapunta na naman siya sa'yo?” he gritted.

“Hindi ba kayo naman ang may gusto na kuhain ko ang loob niya para makapaghiganti si Paula?!” Sa pagkakataong 'to nakuha na ni Aki ang atensyon ni Aiko, pati ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

“Pero hindi ko sinabi na totohanin mo at buntisin mo siya!”

“Ngayon kasalanan ko pa kung bakit minahal niya ako? Wala naman talaga akong balak na umabot tayo dito. Gusto ko lang naman na makilala niya ako, kasi in the first place alam ko kung saan ako lulugar. Anak ako sa labas, hindi ba? Kaya nga umabot pa ng limang taon bago ako naglakas loob na magpakilala kay Talia... sa club kung saan alam kong mapapansin niya ako.” Nakaramdam ako ng kung ano sa dibdib ko nang nilingon niya ako at tiningnan diretso sa mga mata.

“I followed you everywhere. Alam ko kung gaano karami nang lalaki ang dumaan sa'yo, na isa sa mga dahilan kung bakit pinilit kong mapansin mo ako. You like beautiful faces, the reason why I removed my mask that night—hoping that you would notice me. Ilang taon din akong naghintay sa araw na 'yon,” aniya nang hindi inaalis ang mga mata sa akin na tila kinaukausap din ako.

✔ || Midnight Mask Where stories live. Discover now