CHAPTER 55

18.5K 407 20
                                    

ANDREA'S POV

"Sean" sabi ko at pekeng ngumiti

"Bakit ka ba nanunulak?" tanong ni daniel sa akin at pumunta sa likuran ko

"Mamaya na nga yan" sabi ko

"Aray" mahina akong napasigaw nang may hilahin siya na isang lace sa likuran ko at itinali ito

Tinignan ko ulit si sean at ngayon ay wala na akong makitang emosyon sa mukha niya. Kanina lang ay mukha itong galit pero ngayon ay parang wala na naman siyang pakialam sa akin.  Hindi ba siya nagseselos?

"Naisip kong ipasyal si matthew. It's been a week and you're not calling that's why I decided to go here" seryosong sabi niya "I hope I'm not interrupting anything"

"Yes! Let's go to the mall again daddy" sigaw ni matthew at nagpa-karga kay sean

"Mars, ang gwapo ng tatay ni matthew ha! Baka may kapatid siya, reto mo naman" kinikilig na sabi ni daniel

"Wala siyang kapatid kaya dalian mo na diyan" bulong ko sa kanya

"Prayer reveal naman dyan mars, gusto ko ring magkaroon ng ganyan ka gwapong jowa e" ani ni daniel

"Tumgil ka nga! Isusumbong talaga kita sa magulang mo" Ayaw ni daniel na may makahalatang bakla siya kaya umaakto itong lalaki sa harapan ng ibang tao

Napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si sean kaya mahina kong tinapik ang kamay ni daniel at lumayo sa loko.

"Bibihisan ko muna si matthew" sabi ko at lumapit kay sean

I wanted to hug him pero pinipigilan ko ang sarili ko. I want to be with him again but I don't know what to say at baka ay mapahiya lang ako. Baka si matthew lang talaga ang pinunta niya rito. Nothing more, nothing less.

"Okay"

Kinarga ko si matthew at pumunta sa kwarto namin. Namili na ako ng damit na susuotin niya at isinuot ito sa kanya.

"Mommy, hindi ka parin ba sasama?" tanong ni matthew

"Mommy is busy, you know that right?" I awkwardly smiled at him. Paano ko ba sasabihin sa kanya?

"Don't worry, susunod kami ng mommy mo sa mall matthew"

Nagulat ako nang magsalita si daniel sa likuran namin. Agad akong lumingon sa kanya at sinamaan siya ng tingin

"Yes, sabi mo yan teta ha" masayang sigaw ni matthew

"What do you mean?" tanong ko at lumapit kay daniel "I'm not going anywhere"

"Nabalitaan ko kasi na nasa mall si mark e. Naisip ko na pag-selosin siya. Please mars" Mark is Daniel's first boyfriend, I guess baliw na baliw parin si daniel sa ex niya

"Sige na nga" wala rin naman akong gagawin ngayon talaga

"Yes! Thank you mars. Sige na magbihis ka na, yung maganda ha!"

Inirapan ko siya "Ang demanding naman nito"

Tumawa lang ito at tinanggal na ang lahat ng laces na nakatali sa suot ko. Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa closet ko at namili ng susuotin ko. Nagsuot lang ako ng halter top at short at itinali ang mahaba kong buhok.

"Are you ready baby?" tanong ko sa anak ko at kinarga ito

"Yes mommy, I will behave po doon. I like being with daddy because he always spoils with foods and toys. Sana po makapunta kayo"

"Nasa likuran niyo lang kami baby, don't worry. Daddy will take care of you naman"

"Okay mommy"

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon