CHAPTER 13

33.8K 651 28
                                    

ANDREA'S POV

"Bakit nandito ka?" gulat na tanong ko kay laurence

"Wala kang trabaho ngayon diba? So naisipan kong yayain kang lumabas" tinabig niya ako at pumasok sa bahay ko

"At paano mo naman naisip na papayag ako?"

"Dahil gwapo ako" simpleng sabi niya

Wala na akong ibang nagawa at nagbihis. Hindi naman ako na inform na may lahing aswang si laurence. 6:00 am kasi ay dumating na siya sa harap ng bahay ko

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Sa mall"

"Ano bang maganda sa lugar na yun?"

"Basta, sumama ka nalang"

Nang makarating kami sa mall ay halos lahat ng boutique ay napuntahan namin. Waka ring tigil sa pagsasalita si laurence at kanina ko pa siya gustong suntukin

"Gusto mong kumain?" tanong ko sa kanya

"Bakit naman? Kumain na tayo kanina"

"Para naman matahimik ka"

"Madaldal nga ako pero aminin mong gwapo ako" naka ngising sabi niya

Bored ko siyang tinignan "Mas gwapo ka kapag hindi nakikita ang mukha mo"

Umupo muna kami saglit sa isang bench dito sa mall. Hanggang ngayon ay wala paring tigil ito sa pagsasalita. Hindi ba napapagod ang bibig niya?

"Comfort room lang ako" sabi ko at tumayo

"Sasama ako"

"Gusto mo bang mabugbog ka ng mga babae sa loob ng cr?"

Tinuro niya ang mukha niya "Bubugbugin mo ba ang ganito ka-gwapong mukha?"

Tumango ako "It would be my pleasure to wreck your face into pieces"

"Ang sama mo saakin" naka ngsuong sabi niya

Nginitian ko lang siya at pumunta sa comfort room. Papasok na sana ako sa cr nang biglang may humawak sa braso ko at hinila ako sa kung saan

"Sean" napangiti ako nang makita siya

"I need some company"

Bakit na bigla bigla nalang siyang nagpapakita sa tuwing magkasama kami ni laurence?

"Uhm..." paano si laurence? "May kasama ako"

"So? Do I look like I care?" nahimigan ko ang galit sa boses niya

"Magpapaalam lang ako sa kanya" Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako

"No need, malaki na si laurence"

"Pero—"

"No buts, andrea"

Bakit magtatanong pa siya sa akin kung pipilitan niya lang din naman akong sumama sa kanya?

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na naman ako. Kumuha siya ng ticket at pumasok kami sa loob ng sinehan. Kunti lang ang tao at malapit ng magsimula ang palabas

"Anong tittle ng panunuorin natin?" tanong ko

"It"

"You mean yung nakakatakot na clown?"

"Yes, I I like horror movies, thrill and actions"

"Ayaw kong manuod ng horror movies kasi natatakot ako. Pwede bang iba nalang ang panuorin natin?"

Tumingin siya sa akin "Don't worry, I will never leave your side"

"Magsisismula na" dagdag niya at hinawakan ang kamay ko

Nagsisimula pa lang ay movie ay nag-uumpisa na rin akong matakot. My heart is beating fast as hell at hindi ko mapigilan na mapakapit kay sean

"I swear, I will be having nightmare tonight" bulong ko

Nang magpakita ang nakakatakot na clown ay awtomatiko akong napayakap kay sean at masabay 'nun ang malakas na sigawan ng tao

"Natatakot ako" sabi ko at hindi mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak

Pinunasan niya ang luha ko "I'm really sorry. Aalis na ba tayo?"

Lumayo ako sa kanya "Malapit ng matapos. Sayang naman yung pera mo kung hindi natin tatapusin"

"Yung pera pa talaga ang inintindi mo kesa sa takot mo"sabi niya at tumawa

Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pinanunuod namin. Habang si sean naman ay nakahawak parin sa kamay ko at paminsan minsan ay tumitingin sa akin

"Pangit lang naman si penny pero hindi siya nakakatakot" sabi ni sean

Alam kong sinasabi lang yun ni sean para hindi ako matakot. But somehow, I feel safe when I am with him kasi alam kong ipagtatanggol niya ako

"Sa wakas natapos rin" masayang sabi ko nang makalabas kami sa sinehan

"Gusto mo bang kumain?" tanong niya

Busog pa ako pero pumayag akong kumain kasama siya. Para naman mas mahaba yung oras na magkasama kami. Habang naglalakad kami papunta sa dapat naming kainan ay may biglang tumawag sa pangalan ko. Si laurence pala. Lumapit siya sa amin at inakbayan ako

"Hinanap kita" sabi niya at tumingin kay sean "Nandito ka pala sean"

"Obvious naman diba?" masungit na sabi ni sean

"Ang sungit mo talaga"

Tinapik niya ang braso ko "May nakita akong masarap na pagkain kanina, we should try it later"

"Busog ako"

"Masarap talaga yung ice cream na nakita ko kanina. Kaso..." tumigil siya sa pagsasalita

"Ano?"

"Kaso mas masarap pa ako sa ice cream kaya pwedeng ako nalang ang tikman mo"

Napangiwi ako sinabi niya. Umaapaw talaga yung self confidence ni laurence. Mukhang sumobra masyado

"Ang laswa mo" sabi ko at siniko siya

"Hindi mo ba talaga ako titikman? Free taste ako, kahit hindi ko na ako bayaran" naka ngising sabi niya

"No thanks"

"May sasakyan" sabi ni sean

Naputol ang pag-uusap namin ni laurence nang biglang hawakan ni sean ang balikat ko at hinila ako papalayo kay laurence

"Saan?" tanong ko

"What the heck? Paano magkakaroon ng sasakyan dito sa loob ng mall?" si laurence

"My mistake, akala ko nasa kalsada tayo" walang emosyong sabi niya

Hanggang sa makarating kami sa restaurant na sinasabi niya ay tahimik parin si sean. Palagi siyang sumisingit sa usapan namin ni laurence pero agad din naman itong tatahimik

"Sir? Bakit sobrang tahimik mo?" tanong niya kay sean

Tumingin siya sa akin "I don't fucking know. I'm mad"

Yun lang ang sinabi niya bago siya umalis. Ano ba ang problema niya at bigla bigla nalang siyang nagagalit? May topak talaga sa ulo ang boss ko!





_________

I'm currently revising this story po and I forgot who Laurence is huhu, I think laurence is benile. May pinalitan po kasi ako ng pangalan na character. But I'll edit this as soon as possible. Thank you so much for reading

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon