CHAPTER 14

32.6K 641 57
                                    

ANDREA'S POV

Tatlong araw na simula ng mag walk out si sean at tatlong araw narin niya akong hindi pinapansin. Hindi niya man lang ako tinitignan at umaaktong  parang hindi man lang ako nakikita tuwing magkasama kami sa mga meetings. At hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko dahil naapektuhan ako sa ginagawang hindi niya pagpansin sa akin

"May meeting po kayo kay Mr. Kim ngayong 10:30 am" imporma ko sa kanya

"You can leave now" sabi niya at hindi man lang nag-abalang tignan ako at nagpatuloy lang sa pagbabasa

Hindi ko sinunod ang sinabi niya at tinignan lang siya. Iniisip ko kung paano niya ako mapapansin

"Sir"

"Yes?" sabi niya at hindi parin ako tinitignan

"What do you want for your lunch, sir? I'll order it for you"

"No need"

"Okay sir" sabi ko at padabog na tumalikod sa kanya

Bakit ba ayaw niya man lang ako tignan? Wala naman akong ginawa para magalit siya sa akin

"Andrea"

Bigla akong napalingon sa kanya nang tawagin niya ako "Yes sir?"

"May I ask you something?" tanong niya at tumingin sa akin

Nakakaramdam ako ng kunting saya dahil sa wakas ay tumingin na siya sa akin "Anything sir"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at parang nagdadalawang isip na magsalita. Bakit ang sexy niyang tignan kapag kinakagat niya ang labi niya?

"Did you change your perfume?" tanong niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na napansin niya palang nagbago ako ng pabango

"Laurence bought it for me, sir"

Biglang naglaho ang emosyon sa mukha niya "The perfume stinks, it doesn't suit you"

"Don't worry sir, I'll change it for you"

Hindi na siya muling nagsalita kaya umalis na ako. Akala ko kung ano na. Manglalait lang pala siya sa perfume na ginamit ko. Mukhang mas nagalit pa yata siya sa akin

Hanggang matapos ang buong araw ay hindi niya parin ako pinapansin. Pagkatapos ng trabaho ko ay agad akong pumunta sa bahay. Naglilinis ako ng kwarto ko nang biglang makita ko ang damit ni sean

"Mas Mabuti lang ibalik ko nato sa kanya" sabi ko at kinuha ito

Sumakay ako ng kotse ko at pumunta sa bahay ni sean. Sobrang laki ng bahay niya at tahimik. Kung  hindi ko kilala si sean ay baka mapagakamalan ko pang haunted mansion ang bahay niya sa sobrang tahimik. Hindi naka lock ang pinto kaya pumasok ako sa bahay niya at dumiretso sa kwarto niya

"Mr. Martinez" tawag ko nang makita siyang nakahiga sa kama

Agad itong bumangon at halatang nagulat na makita ako "What are you doing here, andrea?"

"Ibabalik ko lang po itong tshirt niyo" sagot ko

"Okay" disappointment is now visible in his face "Ilagay mo nalang sa closet ko"

Tumango lang ako at nilagay ito sa walk in closet niya.  Paglabas ko ay nakita ko si sean na nakaupo na sa kama niya

"Aalis na ako" paalam ko sa kanya

Lalabas na sana ako ng kwarto niya nang bigla siyang magsalita "Do you think you can easily get out of this place?"

"What do you mean?"

Bigla akong kinabahan nang lumapit siya sa akin at isinirado ang pinto. Hinawakan niya ang braso ko at isinandal ako sa pader

"I really wanted to kiss your lips, andea" seryosong sabi niya

Hindi ako nakasagot nang ilagay niya ang gitnang daliri niya sa ibabang labi ko. Nakatitig lang siya sa labi ko na parang gusto niya itong kainin

"Will you let me taste your lips?" tanong niya

Tumango ako "Yes sir"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman kong lumapat ang labi niya. He's lips is soft and sweet, nakakaadik ito. Gumalaw ang labi niya at kinagat ang ibabang labi ko. I open my mouth and let him enter his tongue

He's kiss is agressive and harsh. Parang matagal na siyang hindi nakakahalik ng babae. Kinagat niya ulit ang ibabang labi ko at dinilaan ito

"I love your lips" bulong niya sa tenga ko

Bumaba ang halik niya papunta sa tenga ko pababa sa leeg ko. Napalunok ako nang hawakan niya ang baywang ko at mas inilapit pa ako sa kanya

"Sean..." hindi mapigilang ungol ko

Itinaglilid ko ang ulo ko para malaya siyang mahalikan ito. Napaungol ako nang kagatin niya ang leeg ko at sinipsip ito

"That's it. Moan my name, andrea"

Napakagat ako ng ibabang labi ko nang maramdaman kong ipinasok no sean ang kamay niya sa damit ko. Hahawakan niya na sana ang dibdib ko pero pinigilan ko siya

"We should stop this" sabi ko

Bumuntong hininga ito at lumayo sa akin. Tumingin siya sa akin na para bang sinusuri ang buong katawan ko

"Your body feels familiar. Parang nahawakan ko na ito dati"

Mas lalo akong kinabahan "Baka po imahinasyon niyo lang po yun"

"No, I know it's real"

Alam niya na ba?

"What do you mean, sir?"

"Nothing, baka nga tama ka"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng bahay niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip kung anong tumatakbo sa utak niya

Bakit kaya gusto niya akong halikan? My boss just kiss me, for God sake. At ako naman itong si marupok, pumayag at hindi man lang nagdadalawang-isip

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Ihahatid kita kasi hindi ka pwedeng matulog sa bahay ko dahil baka may magawa lang akong masama sayo"

Binawi ko ang kamay ko sa kanya "Hindi na kailangan"

"Wag nang matigas ang ulo, andrea" may pagbabanta sa boses niya

"Sige na nga"

Sumakay na kami ng kotse niya at inihatid ako sa bahay ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay ko

"Thank you, sir" sabi ko

Lalabas na sana ako ng sasakyan niya pero natigilan ako ng bigla niya akong tawagin

"Andrea?"

"Ayo yun, sir?" tanong ko at tumingin sa kanya

Lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko "Goodnight, andrea"

"Goodnight sean" naka ngiting sabi ko at lumabas ng sasakyan niya

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ko ay agad akong napaupo sa sahig. Damn! Kanina pa pala nanlalambot ang tuhod ko. Sa susunod ay dapat hindi ko na isauli ang damit niya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa amin

Bakit ba nagiging marupok ka pagdating sa boss mo, andrea?

The Sectetary's Secret- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon